Chapter 40

74.8K 1.2K 64
                                    

"Salamat po, manang. Okay na kami rito ni Trigger, ako na po ang bahala sa kaniya," Miracle said as she smiled sweetly to their maid.

Nakangiti namang yumuko ang matanda. "Sige po, ma'am. Ipaghahanda ko lang po kayo ng pagkain, siguradong pagod kayo mula sa biyahe."

Miracle carefully sat down beside Trigger when the old woman left.

"Ayos ka na ba talaga? Hindi na ba masama ang pakiramdam mo? Baka may nararamdaman ka na naman tapos biglang lumala ulit," she said.

Her husband just chuckled with her remarks. "I said I'm fine. That was just an allergy, baby. It won't kill me."

She sighed with his response. "Nag-alala talaga ako sa 'yo noong natumba ka sa harapan ko. Natataranta pa ako kasi hindi ko alam ang gagawin, buti na lang talaga dumating 'yung kapatid mo."

Trigger raised his eyebrow mischievously. 

"You were worried about me?"

Mabilis naman na tumango ang babae. "Oo naman. Kapag may nahimatay sa harapan mo hindi ka ba mag-aalala?"

Agad na sumama ang mukha ng lalaki sa sagot niya.

"So you're just worried because you don't know what to do?" may bahid ng pagtatampo sa boses na tanong nito.

Miracle swallowed multiple times with that. That's not what she meant.

Pinalibot niya ang mga braso sa katawan ng asawa at nginitian ito nang matamis. "Of course no, asawa kita kaya nag-alala talaga ako nang sobra sa 'yo. Kaya nga ako nataranta kasi I'm worried," depensa niya sa sarili.

Nang marinig ang tawa ng lalaki ay 'saka lang natauhan si Miracle sa ginawa niya. She slowly let go of Trigger's body. Hindi niya man lang namalayan na niyakap niya pala ito. What's with her sudden actions?

"You sound so defensive, my love. I was just joking around."

Mahina niyang pinalo ang dibdib ng asawa bago lumayo rito. "Umakyat ka muna sa taas 'saka magpahinga ka. Tutulungan ko lang si manang sa mga pagkain."

"Nah, the maids can do that. Let's take a rest upstairs, the both of us." Marahan siyang hinila patayo ng lalaki pero umalma agad siya.

"Ayokong magpahinga, natulog nga lang kanina ako sa byahe tapos magpapahinga ulit ako. 'Saka gusto ko ring gumalaw-galaw. Na-miss ko kaya itong bahay. Ikaw ang dapat matulog kasi ang layo ng byahe natin," she explained.

"Alright, baby. I'll take a rest first. Huwag mong pagurin ang sarili mo masyado." Trigger stood before her as he kissed her forehead. Sinuklian naman ng matamis na ngiti ni Miracle ang asawa.

She just stared at her husband's figure hanggang sa mawala na ito nang tuluyan sa paningin niya. Dumiretsyo agad siya sa kusina at ang una niyang nabungaran ay ang mga kasambahay na abala sa pagluluto ng mga pagkain.

Miracle walked towards the old woman. "Ang bango naman po ng mga niluluto ninyo."

Natawa ang matanda sa sinabi niya. "Salamat po, ma'am Miracle. Ngayon na nga lang po ulit kami nakapagluto ng ganito karaming pagkain."

"Bakit naman po? Hindi po ba dito kumakain lagi si Trigger noong wala pa po ako?" she asked curiously.

Mabilis namang umiling ang matanda. "Hindi po kasi minsan kumakain si sir Trigger nang ganoon karami. Lagi namin siyang naaabutan na pagod na pagod galing sa trabaho pero kapag pinipilit po namin siyang pakainin, inaayawan niya lang po.  Mabuti nga po at bumalik na kayo, ma'am. Nakakakain na nang maayos si sir. 'Di ko po naabutan 'yung mga panahon na may alaala pa kayo, pero sigurado po akong mahal na mahal kayo ni sir."

Miracle swallowed multiple times before flashing an awkward smile. "I'm glad he's eating in time now," she whispered.

Nilingon niya ang hawak hawak na plastik ng isang maid at agad itong nilapitan. "Hey, what's this?" takang tanong niya.

"Ma'am? Cayenne powder po. Isa po kasi ito sa mga recipe ng niluluto namin," sagot ng katulong sa kaniya.

Maingat niyang kinuha ang plastik na 'yon mula sa kamay ng kasambahay. "You don't have to put this one, may subsitute na spices ba para rito?" 

"O-Opo."

She smiled. "You can use it. Allergic kasi ang asawa ko sa cayenne powder kaya mabuti nang mag-ingat sa kinakain niya."

Namutla ang mukha ng kasambahay sa narinig, yumuko pa ito nang ilang beses. "Naku, pasensya na po ma'am. Hindi po talaga namin alam na may allergy si sir."

Natatawang umiling siya sa aksyon nito.

"Ayos lang, hindi mo kailangang humingi ng pasensya. Alam kong ngayon ninyo lang nalaman. Sige na, gawin mo na ulit 'yung ginagawa mo. Ako na ang magtatapon nito." She tapped the maid's shoulder as she disposed the cayenne powder.

Inabala na lang niya ang sarili sa panonood sa mga ito na abala sa pagluluto. She wanted to cook again, for Trigger, but she's afraid that he might notice something. Mas mabuti na ang magpanggap siya na wala pa ring alam sa kahit anong bagay para maayos ang lahat.

"Busy?"

Gulat siyang napalingon sa likuran nang marinig ang boses ni Enica, and she was shocked to see the woman behind her. She's wearing a red dress that hugs her perfect curves.

"Enica!" excited niyang banggit sa pangalan nito bago ito lapitan.

Enica giggled softly before hugging her. "Hey beautiful, I miss you. Ngayon na lang tayo nagkita ulit."

"Ikaw kasi, busy ka yata at ayaw mong pumunta rito. Buti pa si Shanelle," pagbibiro niya sa babae.

"Are you throwing tantrums to me? Nah uh, sweetie, that won't work. Naging busy lang talaga ako sa kompanya ng asawa mo dahil laging sa akin iniiwan ang mga trabaho para lang makasama ka," sarkastikong sagot ng babae.

Miracle chuckled. "Papagalitan ko si Trigger para sa 'yo."

"May galit sa akin ang asawa mo kaya lagi akong pinapahirapan. Alam niya kasi na naging crush kita, ay, crush pa rin pala kita hanggang ngayon." Miracle's eyes widened with what Enica said.

She's not aware of her sexuality, but it's actually cute. "You had a crush on me?" paglilinaw niya.

Nakangiting tumango ang kausap bago siya hawakan sa kamay. "Kung hindi ka lang talaga kasal at kung hindi ako takot sa asawa mo, itatanan talaga kita." Natawa siya.

"What the hell? Let go of my wife you dimwit!" 

Sabay silang napalingon nang marinig ang katakot-takot na sigaw ni Trigger. Wala nang ibang nagawa si Miracle nang ikulong siya ng asawa sa bisig nito bago samaan ng tingin ang kaharap.

"I told you not to talk to my wife! You're taking advantage of her!" Puno ng pagseselos ang boses ng lalaki nang sabihin nito 'yon.

Miracle can't help but to smile with what he said. Naiiling na natawa na lang siya nang makita ang naiiritang mukha ni Enica, at ang galit na mukha ng asawa.

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Where stories live. Discover now