Chapter 45

64.4K 1.2K 173
                                    

"Let's go." Takang nilingon ni Miracle ang asawa nang bahagya siya nitong hilahin sa baywang.

"How about them?" patukoy niya sa mga kasama.

"They can enjoy by themselves. Come on, love. I'll take you to somewhere else," nakangiti nitong dagdag bago siya bahagyang halikan sa noo.

Miracle just flashed a sweet smile before nodding her head. Sumenyas muna siya sa kaibigang si Shanelle bago tuluyang magpadala sa lalaki.

She just let her husband pull her gently. Kahit saan naman nito siya dalhin ay sasama siya.

This place feels wonderful and relaxing, she wanted to take a look everywhere.

"Saan tayo pupunta, Trigger?" takang tanong niya sa asawa nang makitang papalapit sila sa dagat.

"We'll ride a boat, baby."

She suddenly became excited with that. Binilisan niya pa ang paglalakad para masabayan ang lalaki.

Huminto sila sa tapat ng isang lalaki na agad namang ngumiti sa kanila. "Ma'am, sir! Sakay kayo?"

Trigger nodded his head. "Just the two of us, please."

Bahagyang kinamot ng lalaki ang leeg nito. "Sir, sorry. Kasi may dagdag bayad po kapag--"

"Pasensya na po talaga nanay, hindi po talaga puwede ang libre, e. Gusto ko man po, pero kailangan din po namin ng pagkakakitaan."

Sabay-sabay silang napalingon sa kabilang direksyon nang marinig 'yon. Miracle immediately stared at the old woman who's carrying a two-year-old kid while holding a six-year-old kid.

Her husband faked a cough before speaking up. "What is it again?" he asked.

Muling tumikhim ang lalaking kaharap nila. "Ayon nga, sir. May dagdag bayad po kasi kapag nagpa-special."

Trigger pulled out his wallet from his pocket. Naglabas ito ng napakaraming pera bago ibigay sa lalaki.

"That's fifteen thousand. Let those people ride the boats also with that money," malamig na sabi nito bago lingunin ang mga tao sa paligid nila na gusto ring sumakay.

Miracle can't help but to stare at her husband's face. Nang lumingon ito sa kaniya ay mabilis itong ngumiti bago siya hilahin nang marahan.

"Let's go, love."

She nodded her head with that. Masayang masaya siya sa ginawa ng asawa niya kaya abot tainga ang ngiti niya.

She's just smiling the whole time while Trigger is accompanying her to their boat. Especially when she saw the smile on the faces of those people.

Miracle's just happy because of what her husband did. She felt proud.

Naramdaman niya ang bahagyang paghalik ni Trigger sa pisngi niya nang magsimulang umandar ang bangka.

"I would love to bring you to a private island, but public island seems to have more fun. Right? Riding this kind of boat feels nostalgic," mahabang saad nito habang malambing siyang pinakakatitigan.

Mabilis naman siyang tumango. "Mas gusto ko pa nga sa ganitong klase ng beach. Mas ramdam mo 'yung excitement kasi maraming tao. 'Saka minsan ang boring boring sa mga private island kasi hindi maingay," she said before pouting her lips.

Trigger chuckled with that. Bahagya pa siya nitong niyakap na agad naman niyang sinuklian.

"Come on, baby. Roam your eyes around so you can appreciate the ocean."

She giggled a little with what he said. Pero sinunod naman niya ang sinabi nito.

Agad na kumalma ang ekspresyon niya habang pinagmamasdan ang payapang alon ng dagat.

Gusto niyang pagtawanan ang sarili dahil tulala siya ngayon, nakatitig lang sa dagat. She's supposed to plan some things to witness Trigger in pain. She's here for revenge. Not for fun.

Gulong-gulo na siya sa nararamdaman niya.

Nang bumalik siya sa puder ng asawa, puro galit at pagkamuhi lang ang nararamdaman niya tuwing napapalapit dito. Pero parang nag-iba ang lahat ngayon.

She felt relax whenever he's around. She felt safe in his arms for unknown reason.

Gusto niyang ipilit sa sarili na galit siya sa lalaki, na kailangan niyang maghiganti sa lahat ng ginawa nito. But she's here, still here, in his arms. Being a good wife.

"What's inside that pretty head of yours, hmm?" Mabilis siyang bumaling sa lalaki nang magsalita ito.

Agad siyang natawa bago ito halikan sa pisngi. "Ikaw ang iniisip ko. Sabi ko ang swerte-swerte ko kasi ang gwapo mo."

He raised his eyebrow. "Really?"

"Oo nga. Bakit? Hindi ka ba aware na gwapo ka?"

Sumandal ito bago siya titigan nang malalim. "I just love hearing it from you. It makes me feel that I'm the most fucking handsome man in the world."

Bahagya siyang natawa sa pagmumura nito. She closed her eyes before kissing his lips. "You are, indeed, the most handsome man in my eyes."

"Ako lang, talaga?" parang batang tanong ng lalaki

Tumango naman siya. "May iba pa ba? May maglalakas ba ng loob kumalaban sa 'yo?"

"Wala, syempre," pagmamayabang nito.

"Kita mo na," natatawa niyang dagdag.

He just laughed before caging her body inside his arms. "Gusto ko na ng anak sa 'yo, Miracle. What do you think about having a child with me?" malambing nitong tanong na ikinatigil niya.

It's like her whole world stopped for a while with that question.

Parang bula na biglang bumalik ang galit sa dibdib niya pero pinili niyang hindi ipahalata 'yon sa lalaki.

"Of c-course, gusto ko rin. Pero hindi pala tayo nagkaanak noon 'no? I wonder if maybe, we had a child before I got into an accident. Edi sana may anak na tayo ngayon, 'diba?" she asked, trying to hide the sarcasm in her tone.

She's expecting to see guilt in his eyes, but it was the otherwise. He looks happy with this kind of topic. Like he didn't contribute anything regarding the abortion.

"I want to have a child with you soon, Miracle. I want our child to look exactly like me if it's a boy, and I want our child to look like you if it's a girl. I love the feeling of being a father," he said.

"I hope there wouldn't be any problems with my pregnancy if ever. May nakita kasi ako sa social media, pinalaglag niya 'yung anak niya dahil sa komplikasyon. Ayoko ng gano'n, ha?" she added. Still trying to sound nice and calm.

Trigger just smiled at her. "I'll do everything to keep you and our child safe if ever that happens."

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Where stories live. Discover now