Chapter 46

59.4K 1.1K 37
                                    

"Where have you guys been? Hinahanap namin kayo kanina," natatawang tanong ni Eric nang bumalik sila sa restaurant.

Miracle just smiled at them. Trigger pulled a chair for her and she gladly sat on it.

"We just went outside for a moment. Mamaya, sumakay rin kayo sa bangka, ang saya saya kaya," natutuwa niyang saad.

Shanelle giggled with what she said. "I'll let the kids ride the boat also since it's their dream. Malalaki na naman 'tong mga 'to kaya pwede na siguro sila."

She nodded her head. "Oo naman, may baby pa nga na sumakay kanina. Isama mo na lang si Eric, hindi naman siguro magpapaka-busy 'yang asawa mo," panunukso niya.

Eric chuckled. "Hahanap nga sana ako ng chicks dito, e."

Benedict cleared his throat. "Nako, ijo. Huwag kang magbiro ng ganiyan sa harapan ng asawa mo. Baka magtampo 'yan."

Tumawa naman si Shanelle dahil doon. "Sus, hindi naman ako kakabahan kasi wala namang ibang papatol diyan sa lalaking 'yan. Ako lang ang kayang magtiis sa kaniya."

Napuno ng tawanan ang buong paligid dahil sa kanila. Si Miracle ang unang nakabawi nang mapansin ang paglinga-linga ng asawa niya sa paligid.

She held his hand to check what's wrong. "Why?" she asked.

Trigger looked straight at her eyes before smiling awkwardly. "Nothing. Do you want to take a rest?"

"Oo sana. Ikaw rin, sabay na tayong magpahinga," nakangiti niyang sagot dito. He smiled back but she can still see the glint of emotions in his eyes.

Parang kinakabahan ito.

Muling lumingon ang lalaki sa kabilang direksyon bago siya kinakabahang hawakan sa braso. "I'll take you to our hotel room first so you can rest. Let's swim later after--"

Lahat ng tao sa loob ng restaurant ay napasigaw nang makarinig ng isang malakas na putok ng baril mula sa malapit.

Trigger quickly covered Miracle's body to protect her from any danger.

Hindi lang para sa sarili at para sa asawa nag-alala si Miracle sa mga oras na 'yon. She's worried about everyone's safety.

"Fuck. Eric, take them outside. I'll handle the rest."

Bumilis ang tibok ng puso ni Miracle nang makita kung paano umalis si Trigger sa tabi niya. Hindi na niya napansin na hinila sila ni Eric papalabas ng lugar na 'yon.

Her mind is occupied with many things right now. Kinakabahan siya para sa kaligtasan ng asawa.

She's aware of his hidden job ever since at hindi siya tanga para hindi malaman kung saan papunta ang asawa niya ngayon. Obviously, he's going to chase whoever caused that gunshot.

"Eric, si Trigger. Saan siya pupunta?" she asked while roaming her eyes around, trying to find her husband.

"I don't know. But for now, we need to stay out of this place. We're not safe--"

"Miracle!"

Hindi niya pinansin ang sabay-sabay na sigaw ng mga kasama niya nang tumakbo siya papasok muli sa restaurant. She studied martial arts and she have to make sure that her husband is in a safe condition.

Nang mapansin ang ingay sa madilim na parte ng lugar na kinaroroonan, she quickly ran towards that direction.

Hindi na siya nagulat pa sa nakita. She witnessed how Trigger shot one man on the head, nakipaglaban pa ang asawa niya sa maraming lalaki kaya mabilis niyang dinampot ang isang baril malapit sa kaniya bago paputukan ang ulo ng isang lalaki.

Her husband quickly looked at her direction, only to gasped with what she did.

"Miracle?"

Hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa kaniya. She continued shooting the other men to help her husband.

"Fuck. Bitawan mo 'yan!" She stood frozen when Trigger grabbed the gun she's holding. 'Saka nito binaril ang isang lalaki mula sa likod nito na hindi man lang tumitingin. His eyes are focused on her.

"What the hell are you thinking, baby?! You can fucking hurt yourself with that gun!" frustrated na sigaw nito habang hinahalikan ang noo niya.

Miracle swallowed multiple times before hugging him. "I'm s-sorry. I was worried about you."

Mariin siyang pinagmasdan ng lalaki sa mata. "Worried? I'm fucking used to this kind of situation. Kung sino man ang dapat mag-alala sa ating dalawa, ako 'yon! You fucking killed two men and it's not good for you, Miracle. It's not fucking good to you!" galit na sigaw nito.

She didn't feel offended with that. Alam naman niya ang ibig sabihin ng lalaki at kung bakit ito nag-aalala. Nakapatay siya ng dalawang lalaki.

She's not gaining any conscience now because they're still in danger. Pero pagkatapos nito, sigurado siya na guguluhin siya ng konsensya niya. And that's exactly Trigger's point. Her mental health might be affected.

"Trigger, huwag ka n-nang magalit sa akin. Umalis m-muna tayo dito, please?"

Hindi na nagsalita pang muli ang asawa. Dire-diretsyo lang siya nitong hinatak papaalis sa lugar na 'yon. Papalayo sa bangkay ng mga lalaking sabay nilang pinatumba.

Miracle can't help but to stare at her husband when they finally reached a safer place. Hindi pa rin siya nito pinapansin kahit na hinihila niya ang laylayan ng damit nito. Kahit ano yatang pagpapapansin niya ay wala itong kibo.

Is he mad at what she did? Mali bang tumulong siya dito?

But he killed those men also. They're just in the same situation.

"Trigger, kausapin mo naman--"

"Take a rest with your family, Eric. I'll let my men handle this mess. I'm sure your kids got traumatized with this incident so it's better for you to entertain them for a while. Just call me if you need anything."

She just pouted her lips when he didn't bother letting her finish her line.

Tinanaw na lang niya ang kaibigan na si Shanelle na kumaway sa kaniya para magpaalam. She silently waved her hand also to bid goodbye.

Miracle just let her husband take her anywhere. Hindi na siya muling nagtangka na magpapansin dito dahil galit pa rin ito.

Mamaya na lang niya siguro susuyuin ang lalaki. Kapag lumamig na ang ulo nito. Siguradong sermon ang matatanggap niya kapag silang dalawa na lang ang magkasama.

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Där berättelser lever. Upptäck nu