CHAPTER 2- COUPLE's CHALLENGE

102K 2K 141
                                    

CHAPTER 2- COUPLE's CHALLENGE

PAULEEN's POV

"Kyaaaah! Sho! Kanina pa kita hinihintay! waaah!" sigaw ko pagpasok na pagpasok ni Sho sa kwarto ko sabay niyakap ko sya.

"Ho-hoy! Pauleen! Bitawan mo nga ako! Madumi ka talagang babae ka! Naka bra at panty ka lang tapos yayakapin mo ko? Alis!" Tinulak niya ako tapos humiga na sya sa kama ko, tutulog na naman habang yakap yung potato chips nya tsk.

"Eh gusto ko lang naman kasi mag thank you! Thank you dun sa mga binili mong gamot! Ang dami waaaah! Thank you talaga Sho! Pwedeng pwede ka na matulog sa kama k---okay tulog ka na, sabi ko nga."  Pag tingin ko kay Sho, tulog na ang loko. Ang bilis nga palang makatulog nyan.

Inignore ko na nga lang sya at pumunta na ulit sa may harap ng t.v. nageexercise kasi ako eh, pampasexy. Syempre, para to kay Prince Bryan ko no. Malapit na daw kasi yung Foundation week ng school nila Sho. Event yun kung saan pwedeng pumunta ang mga taga ibang school dun at mamasyal.

Waaaaah! So makakapunta ako dun at makikita ko si Prince Bryan! Tapos aayain ko syang mag date! Waaaaaaaaah! Kinikilig na ako iniisip ko palang *O*

*kablag!

Natigil ako sa pag eexercise nung biglang may sumipa sa pinto ng kwarto ko at bumukas yun, hindi talaga uso ang katok sa bahay na to.

"Ms. Pauleen! Pinapatawag po kayo ni Master Boj!" sabi ng isang alagad ni papa.

"Bakit daw?"

"Hindi po sinabi eh." 

"Okay pupunta na ako. Hays, si papa talaga oh." Papalabas na ko ng kwarto ko nang...

"Ah Ms. Pauleen..."

"Ano yun?"

"Ah na-naka bra at panty lang po kayo. Ma-marami po kaming lalaki sa labas alam niyo na."

Napatingin naman ako sa suot ko, oo nga pala naka bra at panty lang ako.

"Eh bakit ngayon mo lang sinabi ulol!" Binatukan ko sya at sinarado ko na yung pinto.

Habang nagbibihis ako...

"Pauleen... Pauleen!" narinig ko si Sho.

"Oh bakit Sho?" sagot ko kahit hindi ako nakatingin sa kanya nagbibihis kasi ako eh.

"Pauleen..."

"Bakit  nga Sho?"

"Mahal..."

"Ano?"

"Mahal..."

Mahal? Ano bang, teka wag mong sabihing...

"Sho kung magcoconfess ka sorry pero hindi kit--"

"Mahal mahal nung bwisit mong gamot! Bwisit! Sorry potato chips ko! Mamatay ka na sana Pauleen bwisit ka!" Pagkasabi nya nun napaharap ako sa kanya.

Ulol to. Akala ko magcoconfess na, pero buti na lang hindi. Mas okay ng ganto yung relationship namin no, pero ulol parin sya. Mamatay na daw ako? 

"Hoy Sho! Hindi naman kita pinilit na bumili nung--tch... nananaginip?" Akala ko gising sya, yun pala nagsasalita habang tulog. Pati sa panaginip bwisit sya sakin? So hindi bukal sa loob nya ang pagbili nung gamot? Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya?

Lumabas na lang ako ng kwarto at pumunta na sa kwarto ni papa.

"Papa, ano na naman to? Bakit mo ko pinatawag?"

"Mamalengke ka kasama si Sho."

"Ano? Pinatawag mo ko para lang dun? Sa dame ng alagad mo, ako pa na anak mo ang uutusan mong mamalengke? No way! Busy ako sa pagpapaganda para kay Prince Bryan ko kaya hindi mo ko mapapasunod!" Aalis na sana ako dun sa kwarto pero...

[OHG SIDESTORY- Sho Godwin ] : THIS IS NOT A LOVE STORYWhere stories live. Discover now