CHAPTER 4- I just-- never mind.

85.3K 1.9K 337
                                    

CHAPTER 4- I just-- never mind.

SHO's POV

"Sho.. Sho!" nagising ako dahil sa tumatawag sa akin, pag mulat ko nasa harap ko si Tyler

"Oh bakit? Mamayang gabi pa yung shift natin sa ojt ah?" sabi ko habang mumukat mukat pa

"Sho may naghahanap sayong babae, lumabas ka dun sa salas."

"Huh? Baka si Skyler ang hinahanap. Baka nagkamali ka lang ng rinig. Tutulog na ulit ak--"

"Sho hindi nga si Skyler ang hinahanap! Ikaw! Yung maingay mong kababata yung nasa baba." pagkasabi nun ni Tyler, kahit ayoko pang bumangon sa kama eh napabangon na ako

Tch, hindi ako titigilan ng maduming babaeng yun kung hindi ako bababa. Oo si Pauleen yung naghahanap sa akin. Hays, akala ko matatahimik na ang buhay ko finally ngayong nasa Tagaytay ako at dito nagsstay sa vacation house nila Bryan para sa ojt ko kaso.. -___- *yawn

.

.

Pagbaba ko sa salas...

"Shoo!!!!! Namiss kita!" -Pauleen na naka upo sa sofa dun sa living room, kasama nya dun si Skyler

"Anung ginagawa mo dito babae ka?" walang kagana gana kong sabi paglapit ko sa kanya

"Anu pa ba, edi binibisita kita! Miss na kaya kita!"

"Binibisita ako? O ginagawa mo lang akong excuse para makita si Bryan? -_-"

"A-anu bang sinasabi mo Sho? Hahaha. Ito talaga masyadong mapagbiro." yan ang sinasabi nya pero palingon lingon naman sya, halatang halata na hinahanap si Bryan -_-

"Kung bibisitahin mo lang ako, bakit ganyan ang itsura mo? Para kang magmomodel sa kung saan. Pandi kulot ka pa ng buhok mo."

"Ma-masama ba kung gusto kong magpaganda?"

"Gusto mong magpaganda kasi nga ang intensyon mo talaga, makita si Bryan. -_-"

"Wa-wala akong alam sa sinasabi mo Sho. Maniwala ka, miss lang talaga kita."

"Miss Pauleen, wag mo na hanapin si Bryan. Nandito naman ako." -Skyler, as usual kahit sino talagang babae pinapatos nya -_-

"Hindi kita type." sagot ni Pauleen ng hindi man lang tinitingnan si Skyler

Kaya naman si Skyler ayun nagtatakbo habang hawak hawak ang dibdib nya papunta kay Tyler na kasalukuyang nakatayo malapit sa akin.

"Bro, ang sama talaga nyang babaeng yan, she's always rejecting me. T__T" -Skyler

"Sabi ko naman kasi sayo bro, tigilan mo na si Ms. Pauleen, si Bryan lang talaga ang may appeal sa mata nya. Tara na lang sa kwarto may bago akong nadownload na movies." -Tyler habang hinahaplos pa ang likod ni Skyler

"Anung movies? Meron bang por--aw!" -Skyler na binatukan ni Tyler

"Ah mauna na kami sa inyo huh? Dyan na muna kayo." sabi ni Tyler at hinigit na nya si Skyler pataas

"Tulog pa si Bryan, mamaya pa ang gising nun kaya bumalik ka na lang ulit sa susunod na araw. Tataas narin ako. Matutulog na ulit ako." sabi ko, dadaanan ko na sana sya pero napatigil ako nung..

"Sho, dinalhan kita nito oh!" may nilabas syang...

"Lays?! 3 packs ng malaking Lays?" sabi ko sabay hablot nung dala nya sa akin, napa upo tuloy ako sa sofa katabi nya

"Nakita kong nag sale yan nung magpunta ako sa mall nung isang araw kaya binili ko talaga para sayo. Sabi ko na matutuwa ka eh."

Hindi ko na pinapansin ang sinasabi ni Pauleen. Pinagmamasdan ko kasi yung 3 packs ng Lays na may iba't ibang flavors. Ang ganda talaga nila sa paningin.

[OHG SIDESTORY- Sho Godwin ] : THIS IS NOT A LOVE STORYWhere stories live. Discover now