CHAPTER 3- Future Issues

84.5K 1.8K 144
                                    

CHAPTER 3- Future Issues

SHO's POV

"Sho! Sho! Hoy Sho! Sho anu ba, gumising ka n--"

"Anu na naman ba Pauleen?" sigaw ko sa kanya, panira lage to ng tulog

"Tulungan mo naman ako gumawa ng pom-poms at banner, sige na Sho!"

"Ayoko nga sabi! Ang kulit kulit mo naman eh. Ginusto mo yan kaya ikaw ang maghirap gumawa. Tss."

"Eh Sho magtatahi pa ko nung pang cheer leader kong isusuot bukas, kaya sige na Sho tulungan mo na ako dito!"

"Ayoko nga sabi Pauleen! Matutulog na ulit ako, bahala ka dyan!"

"Tsk. Bibili pa naman sana ako ng potato chips para kakainin natin habang gumagawa tayo ng pom-poms, kaso ayaw mo pala so--"

"Anung gagawin ko?" sabi ko sabay bangon sa kama

Ngumiti naman sya sa akin at tinuro na sa akin ang gagawin. Kahit kailan talaga ang galing mang uto nitong babaeng to hays.

Ang tagal rin bago kami natapos mag gawa ng pom-poms at banner. Nakatulog na nga si Pauleen sa carpet habang nagawa kami. Ewan ko ba naman kasi dito sa babaeng to kung bakit kailangan pa ng pom-poms, banner at costume na pang cheer leader eh pwede namang basta na lang nya icheer si Bryan.

Oo, para kay Bryan na naman tong ginagawa nya, lage naman. May laban kasi ng ballroom bukas si Go at nalaman yun ng babaeng to kaya ayun, todo suporta sya. Aabsent pa nga sya sa klase nila bukas.

Tss, anu ba tong ginagawa ko? Dapat di ko sya kinukunsinte kasi may usapan kami ni Uncle Boj. Sayang din yung maraming potato chips na kapalit ng paglalayo ko kay Pauleen kay Bryan. Pero kasi pag nakikita ko yung nakaka iritang malungkot na mukha nitong desperadang babaeng to, wala na lang akong nagagawa kung hindi pumayag sa mga gusto niya, haynako.

Kinuha ko yung kumot at kinumutan ko sya. Napansin kong andameng sugat sugat ng kamay nya, pano di kasi sya sanay magtahi. Haay, itong babaeng to talaga, tsk.

Hihiga na sana ako sa kama, pero naisipan kong mag pahangin muna. Kaya pumunta muna ako sa labas ng bahay nila Pauleen at naglakad papuntang tindahan.

Parang gusto kong bumili ng band aid bigla. Tsk. *yawn.

.

.

.

Kinabukasan..

"Sho, hindi pa ba tayo aalis? Maligo ka na, baka malate tayo!"

"Pauleen naman, bihis na bihis ka na agad eh ang aga aga pa! 4pm pa magsisimula yung ballroom competition, 12 pm palang ngayon! Kaya pwede ba patulugin mo na muna ako? tsk."

"Pag nalate tayo, patay ka talaga sakin Sho."

"Ewan ko sayo."

.

.

"Sho bilisan mo! Bilisan mo! Baka wala na tayong maupuan!" -Pauleen na hinihigit ako, nasa school ko na kami ngayon

"Wag mo nga akong hawakan, hindi ka ba nahihiya sa suot mo? may pom-poms ka pa dyan! Pinagtitinginan ka tuloy!"

"Ok lang yan no, sa gantong paraan siguradong mapapansin ako ni prince Bryan, kaya ok lang to Sho."

Haaay, kahit anu talagang sabihin ko sa kanya hindi sya nakikinig.

Tuloy tuloy na kaming pumasok dun sa venue nung competition. Ang daming tao, hays. Ayoko ng ganito eh, hindi ako makakatulog nito! Hays! Bakit ko ba naman kasi sinamahan tong babaeng to!

[OHG SIDESTORY- Sho Godwin ] : THIS IS NOT A LOVE STORYWhere stories live. Discover now