CHAPTER 5- Idiotic Confession

79.6K 1.9K 229
                                    

CHAPTER 5- Idiotic Confession

Third Person's POV

Wala ng ginawa si Sho kung hindi guluhin ang buhok niya habang naka upo sa garden ng vacation house nila Bryan sa Tagaytay habang syempre, akap-akap parin ang kanyang mahal na potato chips. Frustrated na frustrated siya dahil ilang araw narin siyang kulang sa tulog. Oo, tama ang nabasa niyo, ang antuking si Sho na wala ng ginawa kung hindi matulog, kulang sa tulog.

"Sho himala, hindi ka tulog." ani Tyler kay Sho ng umupo siya sa isang upuan malapit rito.

"Ilang araw na kitang nakikitang gising pag free time natin, may problema ba?" sabi naman ni Skyler ang kakambal ni Tyler.

Umupo rin kasama nila si Cloud ang isa pa nilang kabarkada pero wala itong sinabi, he seemed unconcerned, well sa PSP lang naman kasi siya lage nakatingin.

"Ugh, gustong gusto ko ng matulog!" sigaw ni Sho out of frustration.

"Bakit ka nga kasi hindi makatulog?" tanong ni Tyler.

"Si Pauleen kasi."

"Ooh, si Ms. Pauleen? Tungkol pala sa babae ang problema mo eh! Matutulungan kita diyan!" Inilapit ni Skyler ang upuan niya kay Sho. Basta tungkol sa babae talagang nabubuhay ang katawang lupa niya, babaero kasi.

"Hanggang ngayon hindi parin kami okay. Hindi parin ako nakakapagpaliwanag sa kanya. Nung isang beses na umuwi ako sa bahay nila, hindi niya ako inimikan kahit isang salita. Akala ko okay lang sa akin yun pero pag balik ko dito, sa tuwing itatry ko matulog, si Pauleen ang naiisip ko, ugh nakakabanas!" daing pa ni Sho, halatang gulong-gulo siya sa nangyayari sa kanya.

Nang marinig naman ng magkapatid na Sy ang reklamo ni Sho, nagkatinginan silang dalawa, doon palang nagkaintindihan na sila, kambal nga talaga sila.

"Uiii Sho... hindi namin alam na tatamaan karin pala ng ganyan. Akalain mo nga naman." pang aasar ni Skyler.

"Ayos lang yan Sho, tao ka kaya natural lang yan." sabi naman ni Tyler.

"Ano bang sinasabi niyo? Bakit ganyan kayo makangiti sa akin?" Naguguluhan si Sho sa inaasta nung dalawa sa harapan niya.

"Aminin mo na Sho, atin-atin lang naman." inakbayan na ni Skyler si Sho.

"Mas luluwag ang pakiramdam mo kung aamin ka. Hindi dapat kinakahiya ang ganyang pakiramdam." Inakbayan narin ni Tyler si Sho.

"Alisin niyo nga yang pag akbay niyo sakin, ang bigat niyo! Ano ba kasing sinasabi niyo?" Pagtataboy ni Sho, inalis naman nila Skyler at Tyler ang pag akbay sa kanya.

"Umamin ka na Sho. May gusto ka kay Pauleen no?" tahasang sabi ni Skyler. Nag pause ng ilang segundo si Sho bago sumagot.

"Ah... yun lang ba? Akala ko kung ano ng sinasabi niyo eh. Oo may gusto nga ako kay Pauleen, gusto ko nga siya, kailan ko lang din nalaman." sagot ni Sho na talagang ikinabigla nung kambal, pero syempre si Cloud, walang kapake-pake.

"Eh?" ganyan na lang ang nasabi nung kambal. Akala kasi nila dadaan pa sa denial stage si Sho since medyo may pagka weird ang utak nito pero hindi, nagkamali sila. In fact, vocal na vocal siya sa nararamdaman niya kay Pauleen.

"Oh bakit ganyan ang reaction niyo?" takang takang tanong ni Sho.

"Hindi lang talaga namin inexpect na aamin ka kaagad. Ano ba yan, akala ko may mapagtitripan na ako, boring." Inipod na ni Skyler ang upuan niya palayo kay Sho, akala niya kasi mapagtitripan niya si Sho tulad ng lage niyang pantitrip sa in denial na kabarkada niyang si Bryan Go.

"Kung malinaw naman pala sayo na gusto mo si Ms. Pauleen, dapat malinaw narin sayo kung paano ka makakatulog. Ganyan din ako kay Yuri eh." sabi ni Tyler, nung mabanggit niya yung pangalang Yuri abot langit ang ngiti niya na hindi nagustuhan ni Sky as usual.

[OHG SIDESTORY- Sho Godwin ] : THIS IS NOT A LOVE STORYWhere stories live. Discover now