CHAPTER 8- THE REASON WHY

68.2K 2.1K 319
                                    

CHAPTER 8- THE REASON WHY

SHO's POV

"Gabi ka naman umuwi! Nambabae ka na naman no?!" sigaw ni Mama kay Papa pagkapasok na pagkapasok nito sa pinto tapos binato pa ito ng hawak-hawak n'yang magazine, buti na lang at nasalag ito ni Papa.

"Lage ka na lang ganyan! Pagod na ako sa kakatrabaho maghapon tapos ganito pa ang daratnan ko sa bahay! Kaya ayoko ng umuwi dito eh!" sigaw ni Papa na padabog na ibinagsak ang bag nya sa table malapit kay Mama.

"Edi wag ka na lang talagang umuwi! Doon ka na lang tumira sa kabet mo! Akala mo ba kailangan kita dito?!" Lumapit si Mama kay Papa at sinigawan ito ng sobrang lapit sa mukha.

"Sharina ano bang mga sinasabi mo? Naririnig ka ng bata!" sabi ni Papa na tumalikod na kay Mama at papasok na sa kwarto nila.

"Eh ano kung marinig tayo ng bata? Mabuti nga yan ng alam nya ang pinaggagawa ng ama nya!" sigaw ni Mama tapos ibinaling nya ang tingin nya sa akin. 

"Makinig ka Sho, ang papa mo may ibang babae. Kaya ang liit ng kinikita n'ya kasi kalahati nun napupunta sa kabet n'ya! Kaya gabi sya lageng umuwi, hindi dahil sa marami s'yang trabaho gaya ng lage n'yang sinasabi sa'yo. Ginagabi s'ya dahil pumupunta pa s'ya dun sa bahay ng--" Hindi na naituloy ni Mama ang sinasabi n'ya dahil hinigit na lang s'ya ni Papa papasok ng kwarto nila.

Kahit na nakasarado ang pinto nung kwarto, rinig ko ang sigawan nila at ang pagbasag ng kung ano-ano. Umabot na sa puntong dinala na nila sa labas ang pag-aaway nila at ako naman ang pinapasok nila sa kwarto ko, pero ganun rin naman, rinig ko rin ang pagtatalo at pagmumurahan nilang dalawa. Nakakabingi, hindi ako makatulog. Gabi-gabi na lang silang ganun, kaya gabi-gabi rin akong puyat at kulang sa tulog. Hindi naman ako makagising ng tanghali para bawiin ang tulog ko dahil ayaw na ayaw ni Mama na tanghale akong nagigising.

Lageng sobrang ingay sa bahay. Lageng may basag na plato at sirang mga gamit pag gising ko sa umaga. Si Mama lageng may sugat sa kung saan at pasa sa braso o di kaya sa may mukha. Si Papa, sa gabi ko lang s'ya nakikita. Nakikita pero hindi nakakausap, dahil sa tuwing darating s'ya, diretso na agad yun sa away nila ni Mama.

Tuwing umaga hindi parin natatapos ang pagiging maingay ng bahay namin kahit wala si Papa para makipagtalo kay Mama, dahil kung hindi nakikipagtalo kay Papa, pinapagalitan naman ako ni Mama dahil lage kong gustong lumabas pero ayaw n'ya. Ayaw n'ya sa maraming bagay. Bawal akong manood ng tv ng matagal dahil mahal daw ang bayad sa kuryente. Bawal akong lumabas ng bahay para makipaglaro dahil baka daw masugatan ako o kung anong mangyari sa akin doon. Bawal akong kumaen ng matatamis na candy dahil baka masira daw ang ipin ko. Bawal akong uminom ng soft drinks at kumaen ng junk foods dahil masama daw yun sa kalusugan, baka magka UTI o diabetes daw ako, wala daw kaming pera pangpagamot. Bored na bored ako lage sa bahay, wala akong makausap, wala akong magawa kaya natutulog na lang ako madalas. Dahil hindi nga ako pala labas, wala akong mga kaibigan o mga kalaro. 

Dumaan pa ang mga araw at hindi ko na kinaya pang manatili sa bahay. Puro away na lang naman ang naririnig ko dun at mga sermon ni Mama kaya isang gabi habang nagsisigawan sila sa kwarto nila, dala-dala ang bag kong puno ng mga damit ko, naglayas ako sa bahay namin.

"Hind ba ikaw yung anak nila Sharina, anong ginagawa mo dito sa dis oras ng gabi bata? Hindi ka ba hahanapin ng mga magulang mo?" tanong sa akin nung manong na maraming tatoo na lageng nakatambay sa harap ng gate ng bahay n'ya at nagiinom kasama ang mga iba pang nakakatakot na itsurang mga lalaki.

"Naglayas ako sa bahay. Kailangan ko ng matitirhan. Total lage ka namang sa labas ng bahay n'yo natutulog, patulog ako sa bahay n'yo. Dito muna ako titira." sabi ko sa kanya.

[OHG SIDESTORY- Sho Godwin ] : THIS IS NOT A LOVE STORYWhere stories live. Discover now