CHAPTER 1- Skyflakes

102K 2.2K 383
                                    

CHAPTER 1- Skyflakes

SHO's POV

"Ah! Masakit Sho! Ah! Dahan dahan naman." -Pauleen.

"Ginusto mo to kaya magtiis ka." -ako.

"Ah! Pero masakit naman kasi... ah ! ah!"

Nakakarindi na talaga to.

"Ano ba Pauleen itutuloy pa ba natin to o ano?"

"Sige na, ituloy mo na.. Titiisin ko na lang yung sakit."

"Isa pang sigaw mo talagang titigilan ko na to!"

"Ah! Ang sakit! Ang sakit nun Sho! You're too rough!"

"Bahala ka nga dyan! Ayoko na Paul--" Natigilan kaming dalawa nung...

*bam!

Biglang bumukas yung pinto tapos tumambad sa harapan namin si Uncle Boj na nagluluha, "Sho pinagkatiwalaan kita! Paano mo nagawa to sa anak ko? Masyado pa kayong bata para gawin yan!" sabi niya.

"Papa ano bang iniiyak iyak mo dyan?" tanong ni Pauleen habang nakahiga sa kama.

"Oo nga uncle anu bang pinagsasasabi niyo?" sabi ko naman habang nasa ibabaw ni Pauleen.

"E-eh? tweezer? Bakit ka may hawak na tweezer Sho?" -Uncle Boj.

"Inutusan lang naman ako ng magaling mong anak na bunutan ko sya ng buhok sa kili-kili. Hindi nya ako papatulugin hangga't hindi ko sya binubunutan ng buhok."

"Ah ganun ba? Akala ko kasi--"

"Akala mo tinira ko na yang anak mo? Kung potato chips pa sya titirahin ko sya, pero hindi! Kaya wala akong pakialam sa kanya! Iyong iyo na sya at ang mabuhok nyang kili-kili!" Bumaba na ako dun sa kama.

"Tama sya papa. Alam mo namang abnormal yang si Sho puro pinritong patatas lang ang nasa utak nyan!" -Pauleen.

"Patatas? hindi ako nakaen ng patatas huh!"

"Patatas nga yung potato chips mo!"

"Ayan ka na naman sa pag sira ng reputasyon ng mga potatochips! Sumpain ka talagang babae ka!" Hinagis ko sa kanya yung tweezer.

"Hoy Sho! Hindi mo pa tapos bunutin lahat ng buhok! Bumalik ka dito!" sigaw nya sakin.

Ang kapal talaga ng mukha nitong maduming babaeng to. Pagkatapos nyang ikumpara ang potato chips sa patatas for the second time around, may gana pa syang utus-utusan ako? Kapal ng potek.

"Bahala ka dyan sa kili-kili mo! Ang ingay ingay mo! Matutulog na lang ako sa may puno sa labas" sigaw ko. Umalis na nga lang ako kahit nagsisisigaw na sya dun.

Napaka desperada talaga nung babaeng yun. Kung ano-anu ng ginagawa sa katawan nya eh wala namang epekto kay Bryan. Nagsasayang lang talaga sya ng effort nya. Bahala nga sya. Bakit ba ako pumayag na bunutan sya ng buhok sa kili-kili? Dapat natulog na lang ako o kumaen ng potato chips.

Inaantok na ako. Matutulog na lang talaga ako. Bahala ka sa buhay mo maduming babae *yawn

Sumandal na ako sa puno at umidlip.

-----------------------------------------------------------------------

PAULEEN's POV

Bwisit naman yung si Sho oh! Nakakangawit mag bunot ng buhok sa kili-kili mag isa! Ayoko namang mag shave kasi nakaka itim yun ng kili kili eh naman oh!

Eh sa patatas naman talaga yung potato chips nya! Nainsulto na agad sya dun? Ulol talaga! Kung di lang talaga dahil kay Bryan hindi ko tsatsagain ang pagbunot dito sa mga buhok na to. Pagkatapos nito kailangan ko pa nga palang bumili ng gatas, ubos na yung gatas ko eh. Tsaka cherrifer at growee ubos na rin. Dble na nga ang bibilhin ko nun, mas effective siguro kung mas mataas yung dosage. Tapos kailangan ko rin bumili nung breast supplement at mamapak ng malunggay para lumaki-laki tong hinaharap ko. Bibili parin pala ako ng manok, dapat yung buhay para din to sa kinabukasan ng hinaharap ko!

[OHG SIDESTORY- Sho Godwin ] : THIS IS NOT A LOVE STORYWhere stories live. Discover now