CHAPTER 9- Why?

64.2K 2.1K 472
                                    

CHAPTER 9- Why?

PAULEEN's POV

Bad trip ako ng mga nakaraang araw at hanggang ngayon, dahil sa insensitive na si Sho! Yung weirdong potato chips addict na yun, lage na nga lang tinutulugan ang wonderful confessions ko, nagdala pa ang walangya ng babae sa bahay namin! Oo, nagulat na lang ako nung pag-uwi n'ya may kasama na s'yang babae! She ang pangalan nun, at kung tama ang pagkakatanda ko, yun yung nakita kong kahalikan ni Sho dati sa labas ng gymnasium nung may laban ng ballroom sila Prince Bryan! Ang unang introduce nung babae sakin nung ipakilala s'ya ni Sho, gf daw sya ni Sho, pero sabi ni Sho, friends lang daw sila, nagkaron lang ata ng maling pagkakaintindihan. So ayun, buti hindi n'ya nga talaga gf kaso palibhasa pareho silang addict sa potato chips, magkasundong magkasundo sila. Madalas silang lumalabas ng magkasama, tapos maghahang out pa sa bahay namin mismo! At parang wala ako dun pag magkasama sila sa bahay! So kahit hindi sila, parang sila parin! Ugh nakakainis talaga! Imposibleng hindi alam ni Sho na may feelings na ako sa kanya kasi ilang beses ko ng pinagsigawan yun sa kanya! Ito ba ang sagot n'ya sa confession ko? Ugh, kabwisit talaga!

"Hoy Sho, tara!" sigaw ko kay Sho na kasalukuyang kumakaen ng breakfast kahit na 11 am na.

"Huh? Saan tayo pupunta? Papunta na si She dit--"

"Basta! Sumama ka sa akin!" Hinigit ko na s'ya ng sapilitan at wala na s'yang nagawa. Bwahaha, wala s'yang gawa sa babaeng puno ng adrenaline rush dahil sa sobrang badtrip at selos!

.

.

Dinala ko si Sho sa 7-11, isang kanto ang layo mula sa bahay namin. Nagpalusot ako na gusto kong doon mag almusal, at napapayag ko syang magstay kasama ko hanggang sa maubos ko ang pagkain ko, sa pamamagitan ng pagsuhol ko sa kanya ng... obviously potato chips, tss, lage naman. Karibal ko rin ang potato chips pero may isa pa akong mas formidable na enemy kaya kampi muna kami ng potato chips ngayon!

"Ang tagal mo namang kumain," bwelta ni Sho. Bored na bored na ang itsura n'ya habang kumakain ng potato chips sa harap ko. Lapastangan, tinitira n'ya yung kabet n'ya mismo sa harapan ko T^T

"Wag ka ng magreklamo, kinakain mo na yung potato chips na binili ko."

Binabagalan ko talaga ang pagkain sa hotdog sandwich na hawak ko para hindi s'ya makauwi agad. Good thing din na naiwan n'ya yung cellphone n'ya sa bahay so di n'ya macocontact yung She wahaha. Sigurado by now andun na yun sa bahay namin, at pag nadatnan n'yang walang tao, aalis na yun! Wee! She free day= Pauleen and Sho only day! Wee \(*O*)/

"Pwede mo naman kasing ubusin na lang yan sa bahay ah?" -Sho.

"Mainit sa bahay, dito may aircon. Wag ka na ngang maingay! Pag hindi mo kailangang magsalita, tsaka ka daldal ng dalda--" Natigil ako sa pagsasalita nang hawakan ni Sho yung may labi ko.

"Madumi ka talagang babae ka," sabi n'ya matapos n'yang punasan yung mustard plus ketchup na nasa tabi ng labi ko.

Ipupunaas sana n'ya sa panyo n'ya yung daliring pinang punas n'ya sa 'kin pero kinuha ko yung kamay n'ya at nilagay yung daliring yun sa bibig ko. Sinipsip ko yung mustard at ketchup na nasa daliri n'ya, natigilan s'ya. Nakatulala lang ako sa kanya at ganun lang din s'ya sa akin. 

"Ma-madumi ka talaga!" Pagkatapos ng ilang segundo nakagalaw narin s'ya at saka inalis ang daliri n'ya mula sa bibig ko, agad na nagpunas sa panyo n'ya. Pero pansin ko lang, habang nagpupunas s'ya ng panyo...

"Sh-Sho, namumula ka! Namumula ka! Kinilig ka dun sa ginawa ko no?" 

Napatingin s'ya sa akin, "Tu-tumigil ka nga! Hindi ako kinilig!" lalo s'yang namula pagkasabi n'ya nun. I knew it! May epekto ako sa kanya! May epekto ako kay Sho!

[OHG SIDESTORY- Sho Godwin ] : THIS IS NOT A LOVE STORYWhere stories live. Discover now