CHAPTER 7- Fears

65.9K 2K 313
                                    

CHAPTER 7- Fears

THIRD PERSON's POV

Walang pasok si Sho sa OJT nila ng dalawang araw kaya nakila Pauleen s'ya ngayon. Plano n'yang ispend ang araw nya sa pamamagitan ng maghapong pagtulog kayakap ang kanyang potato chips pero mukhang walang balak si Pauleen na hayaan s'yang gawin iyon.

"Shooooooooo! Gumising ka! May pupuntahan tayo!" sigaw ni Pauleen at nagtatalon na ito sa kama para gisingin ang natutulog na si Sho.

"Ano ba Pauleen! Hayaan mo nga akong matulog! Hindi ako sasama sayo." ani Sho na nagtakip na ng unan at itinuloy ang pagtulog.

"Sayang, balita ko pa naman may sale ng Lays ngayon dun sa mall, tapos nagkataon pang binigyan ako ng pera ni papa, isasama sana kita at balak ilibre kaso--" bago pa matapos ni Pauleen ang speech n'ya, bumangon na agad si Sho, nagpunta sa cr at naligo. Basta talaga potato chips ang usapan, nagigising s'ya.

Kasalukuyang sinisuot ni Sho ang t-shirt nya nang bigla na lang syang higitin ni Pauleen palabas ng bahay saying malelate na daw sila. Bago pa nakaangal si Sho eh nakasakay na silang dalawa sa taxi papunta sa mall.

"Sho wag ka ng mabadtrip." pag aamo ni Pauleen sa badtrip na si Sho.

"Paano ako hindi mababadtrip eh naiwan ko yung potatochips ko!!" sigaw ni Sho. Oo, dahil hinigit na lang basta ni Pauleen si Sho habang nagsusuot to ng t-shirt, hindi nya nadala yung potato chips nya. Hindi tuloy sya mapakali.

"Ibibili din naman kita ng potato chips sa mall eh, wag ka ng masungit dyan, arte nito." ani Pauleen. Hindi na umimik si Sho dahil as usual, tulog na naman ito.

.

.

"Akala ko ba bibili tayo ng potato chips?" reklamo ni Sho habang lumalakad sila ni Pauleen papunta sa loob ng isang sinehan.

"Bibili tayo, pero manood muna tayo nitong movie. Kaya nga kita isinama para dito eh, ayokong manood mag-isa, baka may tumabi saking manyak, mahirap na no." sabi naman ni Pauleen at hinigit na nga nya papunta sa mga upuan si Sho. Aaangal pa sana si Sho pero ayaw bitawan ni Pauleen ang kamay nya. Hindi sya mapakali habang nanonood sila. Miss na miss na nya ang potato chips nya.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

PAULEEN's POV

Asar namang kasama tong si Sho oh! Kung hindi nag aayang umuwi na, tulog naman! At hanggang pagtulog nya bukang bibig nya ang potato chips nya! Mukhang miss na miss na nya yun kainis!

Akala ko pa naman this time, medyo magiging madali na lahat dahil hindi na isang tao ang karibal ko sa pag-ibig, pero mukhang nagkamali pala ako. Mas mahirap atang karibal ang potato chips kaysa kay Alice.

Hindi pa ako fully nakaka recover kay Prince Bryan at sa pangbabasted n'ya sa akin, sa totoo lang. Mahirap naman kasing kalimutan yun ng ganun na lang. Ilang taon ko rin kaya syang pinangarap. Pero dahil kay Sho at sa pagyakap nya sa akin nung gabing yun, naging mas madaling tanggapin ang lahat. Noong gabing yun, doon ako nagsimulang tingnan si Sho bilang isang lalaki, at hindi man ako makapaniwala pero sa tingin ko gusto ko na sya. Hindi pa kasing gusto katulad nung kay Prince Bryan noon, pero alam kong may nararamdaman na ako para sa kanya, at mas pinili kong ipursue na lang tong nararamdaman ko para sa kanya kaysa sa hopeless kong feelings kay Prince Bryan.

Kaya nga eto ako ngayon, ginagawa ang lahat para makabonding at mas mapalalim pa ang relasyon kay Sho. Ginawa ko na ang lahat para mas mapansin nya ako sa potato chips nya, nag ayos ako, nagpabango, nagsuot ng magandang damit pero ni hindi nya napansin ang mga yun. Puro potatochips lang ang nasa isip nya hanggang sa lumabas kami ng sinehan.

[OHG SIDESTORY- Sho Godwin ] : THIS IS NOT A LOVE STORYWhere stories live. Discover now