Epilogue

168K 7.5K 35.8K
                                    

This is the Epilogue. Thank you for reading the 2nd installment of the Academy Series. See you on the next one! Please don't remove this story in your library for the announcements and special chapters.

You may use the hashtag #SapphireAcademy and the tagline SAPPHIRE ACADEMY EPILOGUE on twitter.

Epilogue

"Ikakagalit ba ng bagyo kung oo haha tinapa?"

"Puta," Beau's voice echoed on the other line. Hindi ko mapigilang hindi matawa roon. "Paige, may tumatawag! Kakalabas lang ata ng mental!"

Sagot kasi nang sagot, hindi naman niya cellphone! Amp!

"Hello?" Napangiti agad ako nang marinig ang boses ng best friend ko.

"So, ano? Sa Garnet Academy ka talaga?" tanong ko kay Paige.

Plano naming mag-aral sa parehong eskuwelahan pero parang ayaw naman ng universe. Napaka daming hadlang!

"Yes, I have no say against Kuya Beau!" sabi niya na parang hindi rin talaga sang-ayon doon sa desisyon ng Kuya niya. "How about you?"

"Sapphire Academy," sagot ko. "Alam mo naman si Mama."

Napatawa siya. "Tita will be so mad at you kapag hindi ka roon nag-enroll. I mean, you own the school! You have to be there."

Malalim akong huminga. "I know, enjoyin na lang siguro natin at i-update pa rin ang isa't-isa?"

"Mahigpit sa GA. I'll be deactivating all of my social media accounts. We can still text or call though..." Paige said. "Call Kuya Beau too!"

Natawa ako roon sa pahabol niya dahil alam ko namang hindi rin sasagutin ni mokong ang tawag ko. Ganoon siya kagalit sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit. Kami naman talaga ang mag-best friends noon. Until we drifted apart. One day, parang magic, ayaw niya na lang akong kausapin. Feeling niya ata siya si Captain Barbel. Amp!

Kaya ayon, ang kapatid niya na ang naging best friend ko. Naging sobrang malapit kami ni Paige sa isa't-isa. We do everything together. Akala ng iba, may relasyon kami kahit na wala naman. Akala ko, may gusto ako sa kanya pero wala naman...

Hindi ko akalain na sobrang babaw pala ng depenisyon ko sa pagkakaroon ng gusto sa isang tao. Not until I met her... Not until I met that conyo girl who will change every meaning of love for me.

"Jax, you are already a week late in your classes! Do you want me to drag you at S.A. myself?!" Mama roared. Haru jusko! Parang leon na nakawala! Narnia ba 'to? Ba't nandito si Aslan?

Akala ko nga ay nanaginip pa ako. Kinusot ko ang aking mga mata. "Promise po, ma. Tutuloy na ako sa panibagong linggo."

Matagal na sapilitan bago ako napapayag ni Mama kaya rin late na ako ng isang ligo sa eskuwela.

"Oh, you better be, Blaze Jaxith! I will assigned you as the Master Sergeant of the school, I expect you to behave."

Nagtalukbong ako ng kumot. Alam ni Mama kung bakit gusto kong sa Garnet na lang mag-aral. Hindi naman dahil sa nandoon si Paige, pero ayaw ko lang din talaga sa Sapphire.

It's mainly because my Mom is the headmistress of the academy. At ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay iyong iisipin ng ibang tao na bias siya dahil anak niya ako. Ayaw kong masira ang reputasyon ng academy. Ayaw ko rin na baliwalain nila ang kakayahan ko bilang estudyante dahil sa anak ako ng may-ari.

Gusto kong makilala bilang ako. Makilala dahil sa kakayahan ko, sa abilidad ko. I don't want to be known as the headmistress' son. That's not the name I want to build for myself. I have my goals. Naks, goals.

Sapphire Academy: School of NoblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon