Chapter 5

94.7K 4.3K 6.7K
                                    

Please use the hashtag #SapphireAcademy if you're going to tweet about this story. You may also tag me @cailameneses

Chapter 5

Bazaar

What's with him? I also checked the comment section of his post.

Jax Pereira: pero pie pa rin #staystrongjax

I really don't understand but wala ba siyang friends? Post niya, comment niya. Gosh!

Today is Friday and Prof. Somero told us to plan the games for the upcoming Freshmen Field Day. Kaya naman iyon ang pinag-uusapan namin ngayong lunch.

"Tug of war!" Gelo suggested.

Ano pa kayang games ang magandang laruin? Maigi akong nag-iisip habang kumakain ng tempura. That's our meal for the day, tempura rice meal with mixed vegetables and blueberry cheesecake slice for the dessert.

Katabi ko si Jax sa kaliwa at si Theo naman sa kanan ko. Sa harapan ko ay si Xuri, kaharap naman ni Theo ay si Cat. Si Gelo naman ay kaharap si Grant na nasa tabi ni Jax.

"Ball throw? si Cat naman iyon.

Wala talaga akong maisip na laro. I'll probably research later!

Tinignan ko naman din si Jax, Grant, at Theo na ang sasarap lang ng kain. Walang ambag, gano'n? Lalo na 'yung Master Sergeant kuno!

"We should divide the teams for the competition. Paghaluin natin ang mga classes para mas masaya at pantay ang hatian!" suhestiyon pa ni Xuri.

Natigil ang usapan nang dumating na ang Class B. That only means 30 minutes na kami rito sa cafeteria! Usually pagdating ng Class B, tapos na kami kumain, eh. Tumagal lang ngayon dahil nga pinag-uusapan namin iyong para sa Freshmen Field Day.

"Cali!" Chance called.

Agad naman akong napalingon sa kanya at kumaway rito. Papalapit siya sa table namin habang ang mga kasama niya ay kumukuha na ng pagkain.

"Hang out tayo mamaya kasama ang Class B! Friday ngayon, open 'yung Food Bazaar sa campus," ani Chance na ngayo'y nasa likuran ko na.

Ni hindi manlang niya kinausap ang pinsan niya o kahit binati manlang! Sabagay, mukhang wala rin namang pake si Grant, eh.

"Tara! Basta walang snake na kasama," sabi ni Gelo.

"Snake as in Cuh-laire!" banat pa ni Xuri kaya naman nabilaukan ako roon. Minsan talaga nakakatawa pag mas galit pa iyong mga kaibigan mo sa kaaway mo, eh!

Agad naman akong inabutan ng bottled water ni Jax. "Dahan-dahan," aniya.

Hindi ko alam kung bakit parang may mga paru-paro akong naramdaman sa tiyan ko, pero agad ko namang pinatay ang mga 'yon.

"PG kasi, eh..." sabi pa ni Jax. Buti na lang talaga at pinatay ko 'yong butterflies! Hmp!

"Excuse me! I'm not patay gutom!" sabi ko bago abutin iyong tubig sa kanya.

"Ano g kayo?" tanong ni Chance na nasa likuran ko pa rin.

Nilingon ko naman siya pagkatapos kong uminom ng tubig. "G kami nina Gelo, Xuri, at Cat! Kita us mamaya," I told him. Tumango naman siya at umalis na.

"Kita us mamaya nye nye," bulong ni Jax sa gilid ko. Nang-aasar ba 'to?

I crossed my arms at masama siyang tinignan. "Inggit ka? Gusto mo ring sumama, 'no?"

"Scoobs, ah!" aniya at agad naningkit ang mga mata ko. Anong word na naman 'yan? Ang hirap din talaga niyang kausap, eh!

"Anong scoobs?" I asked, confused.

Sapphire Academy: School of NoblesWhere stories live. Discover now