Chapter 2

104K 5.8K 6.8K
                                    

Please use the hashtag #SapphireAcademy if you're going to tweet about this story so that I could see it. Thank you!

Chapter 2

Class A

"I-I don't know you..." sabi ko at kinuha ang binder at kunwaring nagbabasa ng notes.

"Oh? Octopus!" hirit no'ng Jaxith na 'yon.

Binagsak ko ang binder ko sa pagkairita at napatingin naman ang iba pa. Damn it!

"Are you nang-iinis?" I asked him nicely.

He chuckled. "Am I nang-iinis?" he shot back like he's mocking the way I said it!

"Nang-aasar ka ba?" tanong ko pa ulit. Iyong pasensya ko sa kanya, maliit pa sa monggo beans!

Mabilis siyang umiling. "Hindi, ah! I'm not nang-iinis or nang-aasar! Gutom lang siguro ako... May nang-agaw kasi ng pagkain ko kanina, eh."

Halos maubo ako roon. Oh no! I'm screwed! Maybe he knows! Pero sa tipak ng buhok na nasa mukha ko, can he still recognize me?!

Bumaling ako kay Gelo. "Siz, how do I look?" bulong ko rito.

Natawa siya. "Pang-horror, siz! Sadako levels! Bakit ba kasi ang gulo ng buhok mo riyan?"

See! How can he recognize me with all the hair?

Malalim akong huminga at bumaling sa Top 1 kuno, pero kausap niya na ngayon si Theo. They fist bumped! What? They know each other?! Nagbubulungan pa sila na akala mo'y may mga itinatagong sekreto.

"Ang dumihin nga, eh..." rinig kong sabi ni Theo.

"Kaya nga, eh... Panget," si Jax naman. Pakiwari ko'y nagrereklamo sila sa puting uniform ng Star Sapphire Class. My gosh!

Nang tumingin si Theo sa akin ay bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib. "Kagulat ka naman! Ba't ganyan itsura mo?" tanong niya. Lumapit siya sa akin at sinubukan pang ayusin ang magulo kong buhok.

"Style 'yan, Theo..." bulong ko sa kanya at pilit na inaalis ang kamay niya sa buhok ko.

Damn that Jaxith! Bakit ba kasi ako kinakabahan sa kanya? I'll give him back na lang the sandwich later! Hindi ko pa naman nagalaw 'yun. Malinis 'yun!

"Ah, bro, kilala mo na ba si–" hindi na natuloy ni Theo dahil inapakan ko ang isang paa niya. He's being so madaldal!

Umiling si Jax. "Siya na lang ang hindi ko kilala," aniya at tumingin sa akin. "I'm Jax...You are?" nagulat ako nang bigla niya akong tanungin. Ang laki pa ng ngiti niya! Happy ka?

I'm so not friendly right at this point. "I'm irritated!" sabi ko at lumayo na ng tingin sa kanya.

"Lah! Ang gara naman ng pangalan mo... Love ka ba ng Mama mo?" aniya at para bang bigla kong gusto na pumatay ng tao.

Seryoso bang siya talaga ang Top 1?

I think I will die talking to him! Nasaan na ba kasi si Chance?

Tawa naman ng tawa si Theo hanggang makabalik na siya sa puwesto niya.

"Huy, Irritated... Ano nickname mo? Irri?" pangungulit pa nito. Laking pasasalamat ko nang dumating na si Prof. Somero!

"Alright, everyone! Brain exercise! Remember that I will give points to those who will answer correctly," Prof. Somero said.

Inayos ko na ang buhok ngayon at nakinig na ng maigi. I will beat that Jaxith guy one way or another!

"There's a one-story house in which everything is yellow. Yellow walls, yellow doors, yellow furniture. What color are the stairs?" Prof. Somero started.

Sapphire Academy: School of NoblesWhere stories live. Discover now