Chapter 6

47.7K 4.4K 169
                                    

Pinagbutihan ko ang pag-aaral ko kasi alam ko naman na kumpara sa mga kaklase kong anak-mayaman ay sa patalinuhan lang ako nakakasabay. Pero, ang totoo, hindi ako naniniwalang ako ang pinakamatalino sa klase dahil marami akong kaklaseng matatalino na nga ay may mga private tutors pa. Kaya tuloy kabado ako na baka hindi ko mabigyang-katuparan ang pangako ko kay Yaya noon na magiging first honor sa klase namin.

"Yaya, magagalit ka po ba kung sakaling hindi po ako mag-first honor?" I asked Yaya Lucille one Thursday evening.

"Bakit, nahihirapan ka ba sa mga klase mo?" she asked back.

"Hindi naman po pero marami rin po kasi akong magagaling na classmates, eh. Kaya baka hindi po ako ang mag-first honor."

"Bunso, kahit nga wala kang honor ay proud na sa'yo si Yaya, eh. Hindi naman mahalaga 'yun kasi hindi naman 'yun ang sukatan kung magiging isang mabuting tao ka. Sabihin na nating first honor ka nga pero magiging salbaheng bata ka naman, ayaw ni Yaya ng gan'un."

"Oo nga, Bunso, tingnan mo naman ako ilang beses na akong umulit ng Grade IV pero proud na proud pa rin si Nanay sa akin," Kuya Delfin said.

"Delfin, hindi proud si Nanay na pang-ilang ulit mo na ng Grade IV 'yan, Anak. Alam kong kayang-kaya mong ipasa 'yung mga asignatura mo sa paaralan, sadyang wala ka lang talagang interes. Pero, proud si Nanay kasi kahit gan'un pa man ay matulungin ka, magalang, at mabait na bata."

"Sabi ko nga po, 'Nay, pabayaan n'yo na lang akong magtrabaho, eh. Sana nakakatulong pa po ako sa inyo."

"Mag-aral ka. Magtapos ka kahit highschool lang, Anak. Grumaduate ka lang ng highschool ay sobrang magiging masaya na ako."

"Kuya, magtapos ka ng highschool, ako na pong bahala sa pagkokolehiyo mo."

"O, kita mo, 'yung bunso na raw natin ang bahala sa pag-ko-kolehiyo mo, Anak."

"Bunso, ayokong mag-kolehiyo. Ibili mo na lang ako ng tricycle na pampasada."

"Ibibili kita ng sasakyan, Kuya," I said.

"'Nay, narinig n'yo po 'yun, ha. Ibibili raw po ako ni Aleph ng sasakyan."

"'Tapos si Yaya ibibili ko ng bahay. 'Yung magara at hindi tumutulo ang bubong tuwing umuulan," I added.

Yaya smiled. "H'wag mo na kaming ibili ng kahit ano, makapagtapos ka lang ng kolehiyo ay masaya na ako, Bunso..."

I finished Grade I at the top of my class while Ingrid was in the top 5. But, she was impressed that I got nearly all of our class' special awards and she was vocal about it.

"Wow, you're just like my Ate Ice, she's smart, too. She's consistently at the top of her class. I super admire her."

And Ingrid's admiration is one of the things that I continuously work hard for kaya naman dinoble ko 'yung pagsisikap ko n'ung nag-Grade II na kami. At saka napansin ko na habang parami nang parami ang mga medalya at parangal na natatanggap ko ay pakaunti nang pakaunti 'yung mga nangungutya sa akin.

"Hindi ka pa ba matutulog, Bunso?" my Yaya asked as I was doing advance reading one Saturday evening. "Sabado ngayon, dapat nagpapahinga ka at hindi nagpupuyat."

"Matatapos na po ako, Ya," I replied giving her a smile.

"Ang sipag naman ng bunso namin. Nakakatuwa. Pero, Anak, h'wag masyado, ha, baka naman sa kaaaral mo ay magkasakit ka na. Pagdating mo galing eskwela, 'yung mga libro mo kaagad 'yung hinaharap mo. Hinahanap ka na nga nina Totit, eh, dahil gusto ka raw nilang makalaro."

"Ya, kailangan ko po kasing mas galingan pa para po pagpasok ko ng Grade IV ay pwede na po akong humingi ng scholarship sa school. Para po 'yung padala ni Mommy para pambayad po sa matrikula ko ay pwede po nating ipambili ng pagkain."

Aleph's Heart (Self-published)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें