Chapter 7

40.7K 4K 369
                                    

Buong araw ay hindi ako kinausap ni Ingrid at dahil Biyernes noon ay tatlong araw akong hindi halos makatulog sa kaiisip kung ano ang naging kasalanan ko sa kanya.

Hindi ko maiwasang ikuwento kay Yaya na nagalit sa akin si Ingrid kasi halatang-halata n'ya ang lungkot ko. Puro kantiyaw tuloy ang inabot ko kay Kuya Delfin at kung hindi pa s'ya kinurot ni Yaya sa tagiliran ay hindi pa s'ya hihinto.

"Nanay naman, eh. Parang tinutukso ko lang si Bunso, eh..."

"Mahihiya nang magkuwento itong bunso natin kung kakantiyawan mo. Ikaw, anong mararamdaman mo kung nagkukuwento ka 'tapos may nangangantiyaw sa'yo?"

"Wala naman po akong ikukuwento, Nanay, eh, kasi hindi po tulad ni Bunso ay hindi pa naman po ako nanliligaw—Nanay, naman, eh, ang sakit mangurot."

"Sorry, Anak, napalakas ba?"

"Opo."

"Hindi naman yata, halika dagdagan ko."

"Nanay naman!" Kuya Delfin protested as Yaya started laughing.

"Halika rito sa tabi namin."

"Baka kurutin n'yo po ako uli, eh."

"Hindi na. Dito ka para mabigyan mo payo itong bunso natin."

Kuya Delfin moved to sit down beside me.

"Ano na pong gagawin ko, Kuya?" I asked him. "Hindi ko nga po alam kung ano po ang kasalanan ko sa kanya, eh."

"Bigyan mo si Ingrid ng bulaklak at tiyak mapapatawad ka n'un."

"Saan mo naman natutunan 'yan, Anak? Akala ko ba wala ka pang nililigawan?" Yaya Lucille asked.

"Nanay, nanunuod naman po ako ng mga palabas sa T.V. d'un sa paradahan ng traysikel at gan'un po ang ginagawa ng mga bidang lalaki tuwing nagkakaroon sila ng alitan ng mga bidang babae."

"Mahal po ba ang bulaklak, Kuya?"

"Tatlo-singkuwenta sa palengke."

"At paano mo naman nalaman, Delfin?"

"'Nay, hindi po ba ako marunong magtanong?" Kuya Delfin replied. "Bunso, may onse pesos ako rito, baka pwede mong tawaran kahit isa lang ang bilhin mo."

"16.66 po ang isa kung tatlo singkuwenta. Kung i-ra-round-off po ay 16.70."

"Talaga naman, ang galing ng bunso namin sa Math kahit na brokenhearted—Nanay, nakatatlong kurot ka na po sa akin. Grabe po."

"Teka lang po..." Tumayo ako bago pumasok sa kuwarto ko para kunin 'yung garapon na naglalaman ng pera. "'Eto po..."

"Aba, ang daming lamang pera ng garapon ng bunso namin, ah, pwede na siguro tayong bumili ng kotse n'yan—joke lang, 'Nay!"

Yaya Lucille turned to me. "Bakit may pera ka? Saan galing ito, Aleph?"

"'Yung baon ko po. 'Tsaka 'yung premyo ko po doon po sa essay writing contest. Ayaw n'yo po kasing tanggapin n'ung ibinigay ko sa inyo. Wala naman po akong binibili pagdating po sa school namin kaya iniipon ko po."

"Bunso, 'yung premyong napanalunan mo sa'yo 'yun 'tsaka 'yung baon mong pera ay pangkain mo, Anak. Ibig sabihin hindi ka kumakain d'un? Bakit sapat na ba 'yung meryendang ipinapabaon ko sa'yo?"

"Opo, kasi po si Ingrid parati po n'ya akong binibigyan ng pagkain. Nakikihati po s'ya sa baon ko at hinahatian n'ya rin po ako ng baon n'ya."

"Gusto kong makilala sa personal 'yang si Ingrid, natutuwa talaga ako sa batang 'yan. Teka, binilang mo na ba kung magkano itong naipon mo?"

Aleph's Heart (Self-published)Where stories live. Discover now