Chapter 14

512 42 5
                                    

"Mauna ka na kaya sa bahay," Ingrid told me as we were heading to the gym.

Masyadong hectic ang schedule n'ya nitong mga nakaraang araw dahil puspusan ang pag-eensayo ng cheerleading team ng St. Bernadette para sa nalalapit na inter-school cheerdance competition.

"Bakit?" I asked my brows furrowing. "Ayaw mong hintayin kita?"

"Hindi sa ayaw pero alam kong may tatlong column ka pang isusulat for the school paper. Magpupuyat ka na naman nang dahil sa akin."

"Kisses naman, kailan ba nangyaring hindi tayo sabay umuwi? Ayokong nauunang umuwi. Hihintayin kita," I insisted.

"It was Mommy's suggestion. Alam n'ya kasing busy ka rin naman sa mga activities mo. Sabi n'ya n'ung minsang napaaga raw s'ya ng gising ay nakita ka raw n'yang gising pa at ang sabi mo raw ay may tinatapos kang research para d'un sa debate mo..."

"Minsan lang naman nangyari 'yun before n'ung debate preliminaries."

My girlfriend sighed. "Nakonsensya nga ako n'ung nalaman ko, eh, kasi ako pagkatapos ng assignments natin ay natutulog na 'tapos ikaw gising pa kasi may mga inaasikaso pa rin."

"Ano ba naman itong girlfriend ko, okay lang 'yun 'tsaka sanay ako sa puyatan."

"Ayokong hindi ka makapagpahinga nang maayos. Mauna ka na lang umuwi kasi pwede naman akong sunduin ni Manong Ben mamaya. Hanggang 9PM ang practice namin ngayon, eh."

"Ingrid, wala rin akong magagawang kahit anong assignment, project, o research kung nasa bahay ako 'tapos nandito ka pa. Mag-aalala ako. Besides, dala-dala ko naman ang laptop ko kaya nasisimulan ko na ang mga dapat kong gawin habang nag-pa-practice ka."

"Sigurado kang okay lang?"

"Oo. 'Tsaka ikaw rin naman kapag may mga meetings ako, hinihintay mo rin naman ako. Bakit parang double standards naman yata pagdating sa hintayan?"

She laughed. "Anong double standards? Nag-aalala lang po itong girlfriend ninyo sa inyo, Mr. Santiago. Usually naman kasi by 6PM ay tapos na ang meetings mo. Samantalang ako duguan ang hintayan."

I put an arm around her shoulders. "Ingrid, I don't mind waiting for you. I am your boyfriend, gusto kong alagaan ka at parte ng pag-aalagang 'yun ay ang hintayin kang matapos sa practice mo," I said.

She looped her arm around waist.

"Kaya kita love na love na love, eh, kasi ang sweet-sweet mo. Fall na fall na po ako sa inyo, Sir, h'wag n'yo nang dagdagan."

"Kailangang fall na fall na fall na fall po kayo, Ma'am, para sigurado pong akin ka lang talaga."

"Eh, pinakapakilig mo ako. Actually, ayoko rin naman na hindi tayo sabay umuwi kaya lang siyempre bilang girlfriend mo, I am just looking out for you, too."

"Kisses, baby kita at dapat ang mga babies inaalagaan lalo na itong baby ko."

"Naku, Sir, pag-igihin mo talaga 'yung pangako mong seven years, sisingilin talaga kita."

I laughed out loud.

Pasado alas nueve na n'ung nakarating kami sa bahay ng mga Samonte at hindi ko na maipaliwanag ang gutom ko.

I always looked forward to Tita Isabel's cooking and my stomach churned excitedly when I saw the Samonte's black iron gates.

"Narinig ko 'yun..." Ingrid said laughing. "Tumunog 'yung tiyan mo, gutom ka na?"

I grinned sheepishly. "Oo."

"Aw, kawawa naman ang Aleph ko. Don't worry, I especially requested for caldereta kaya siguradong isa 'yun sa mga ulam natin ngayon."

Aleph's Heart (Self-published)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora