Chapter 2

51.8K 4.1K 103
                                    


Ingrid and I met at a birthday party – hers. And I have always considered that day as the turning in my life because it wasn't just the day that I met my first love but it was also the day that I got to experience what a real heartache feels like.

Hindi kami imbitado sa children's party na 'yun at nakita ko kung paanong kumunot ang noo ni Yaya Lucille n'ung nakita n'ya ang invitation card na ipinakiusap n'ya lang sa assistant ng Mommy ko.

"Talagang kailangang naka-costume ang bata, Wilma?" she asked.

"Oo, Ate Lucille. Kundi hindi po kayo papapasukin d'un. Sa bahay ng celebrant gaganapin, sa loob ng isang exclusive subdivision. Ang bongga nga, eh. Hay naku, hindi man lang ako isinama ni Ma'am."

"Teka, sino ba itong si Dylan Yañez na nakasulat dito sa invitation?"

"Hindi ko rin kilala, nakita ko lang iyan sa mesa ni Madam. Ang totoo, marami 'yan na ipinapatapon ni Ma'am. Kinuha ko lang ulit 'yang isang 'yan sa basurahan."

"Bakit daw ito ipinapatapon?"

"Aba, malay ko kung bakit parang may galit si Ma'am sa mga batang 'yan na puro Yañez ang apelyido. Pero, Ate Lucille, h'wag na h'wag n'yong sasabihin na sa akin galing 'yang invitation na 'yan, ha. Kahit ibitin kayo ni Ma'am nang patiwarik. Diyos ko, Ate, ayoko pong mawalan ng trabaho. Alam mo namang ako lang din po ang inaasahan ng pamilya ko 'tsaka mag-lilimang buwan na pong nakaratay sa ospital si Tatay..."

"Oo naman. Laki nga ng pasasalamat ko sa'yo, eh. At kung hindi lang talaga emergency ay hindi na kita aagrabyaduhin."

"Naku, Ate Lucille, wala 'yun, ano. Kung hindi rin naman dahil sa'yo ay hindi ako nagkaroon ng trabaho. Ikaw kaya ang nagsabi sa akin na naghahanap ng assistant si Ma'am na taga sa atin kaya naman lumuwas ako kaagad ng Maynila para mag-apply. Teka, sino pala itong bata? Ang gwapo naman. Anak mo ba ito, Ate Lucille?"

"Hindi. Pamangkin sa pinsan..." Yaya replied. "At kaya gusto kong makiusap sa amo mo ay dahil nga may sakit itong bata at kailangang-kailangan ko ng pera."

"Naku, Ate Lucille, hindi ko alam kung pagbibigyan ka n'un dahil medyo mainit ang ulo. Nag-away na naman kasi silang mag-asawa—"

"O, sige na, Wilma. Mauuna na kami," my Yaya cut my mother's assistant off. "Kahit gusto ko mang makipagkuwentuhan sa'yo ay nagmamadali talaga kami. Lalakarin lang kasi namin pauwi—"

"Ano? Maglalakad lang po kayo? Teka po, may isangdaan po ako rito—"

"Wilma, hindi na. Alam kong kailangan mo rin 'yan. Pareho lang tayong nangangailangan ng pera at sapat na tulong na ang pumayag kang makipagkita sa akin dito."

"Day off ko naman, Ate, 'tsaka may pupuntahan din po kasi akong kaibigan na malapit lang po dito nakatira. Mabuti nga po ako ang nakasagot sa tawag ninyo kahapon, eh. Kasi kung si Erlinda na secretary ni Ma'am ay baka po tinarayan na po kayo."

"Kaya nga ang laking pasalamat ko sa'yo, Wilma. O, sige na at ayaw naming tanghaliin sa daan."

"Sige po, Ate Lucille. Good luck po, sana po mapagbigyan po kayo ni Ma'am. Mauna na po ako sa inyo at ito na po ang jeep na sasakyan ko."

"Sige, Wilma, maraming salamat ulit."

"Walang anuman, Ate Lucille. Mag-ingat po kayo. Text-text na lang po."

We watched as Yaya's friend got into the jeepney.

"Yaya, may pupuntahan po ba tayong party?" I asked as soon as the jeepney departed.

"Oo, pero kailangan mong mag-costume."

"Ano po 'yung costume?"

"Damit na isinusuot 'yun, Bunso."

Aleph's Heart (Self-published)Where stories live. Discover now