32

33 16 0
                                    

32nd Piece Theme: Bulong ng Puso.
©PMBPoemOriginal (2022)





Narito ako upang tumula
Ihayag ang kuwento na nangyari talaga
Nagsimula ito nang maireto ka nila
Sa mga palitan natin ng mensahe, ako'y nangangapa talaga.

Hindi ko akalain, sa akin, ikaw ay tatagal pala.
Sa bawat araw na dumaraan, nasanay na ikaw ang kausap
Sa bawat gabi, inaabangan na ang oras natin ay magtugma na
Nananalangin na sana ay makita kita at mayakap na.

Distansya man natin ay malayo,
Tadhana na mismo ang naglalapit sa ating mga puso.
Dahil sa iyo, natututo ako. Sumaya muli ako

Nanligaw ka at sinagot kita, naging tayo na.
Mabilis ang pangyayari at akala ko hindi seryoso
Pinaramdam mong ikaw ay sinsero
Sa bawat kataga, ramdam kong mahal mo ako.

Kaya siguro kahit na may mga alinlangan ako
Nariyan ka at sasabihin sa akin ang mga salitang nagpapakalma sa isip kong kay gulo
Salamat kasi ang dami mong pinaranas sa akin na hindi ko naranasan sa iba.

Akala ko, ayon na.
Umasa ako na happy ending na...

Ngunit anong nangyari, mahal?
Bakit bigla mo akong iniwan?
Nangako ka pa na bibigyan mo ako ng anak na lima
Tinupad mo nga
na ako ang huling babae na mamahalin mo.
Dahil kusa mo ng tinapos, binigyan mo na agad ng dulo.

Nagulat na lamang ako.
Isang araw, wala ka na.
Hagulgol ako sa banyo, ang sakit.
Hindi ko matanggap, mahal.

Bakit mo ako bini-bigla?
Sana prank lang 'to, sana hindi 'to, totoo.
Gigisingin kita, may pangako ka pa. Paano na?

Walang imik, tulala.
Kakausapin na lang ba ang langit?
Sa hangin, ika'y yayakapin nang mahigpit
At ibubulong sa mga tala ang mensaheng ito.
“Mahal kita, mahal na mahal.”

Gabayan mo ako, ah?
Sana kayanin ko ito kahit wala ka na sa tabi ko
Maligayang araw ng mga puso, mahal ko.











Spoken Word PoetryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant