22

56 28 1
                                    

22th Piece Title: Tama.
©PMBSongOriginal (2020)

Palagi nalang tayong aso't pusa
Akala ko ay normal lang
Akala ko tatagal na
Iyon pala, pansamantala lang

Naniwala sa sinabi mong, “ikaw lang.”
Pero isa ka palang manlilinlang
Sana umpisa palang sinabi mo ng...

Tama na, tumigil na
Itigil na natin 'to
Wala na 'tong patutunguhan
Kaya magpapaalam na

Paalam na, pasensya na
Alam kong nasaktan kita
Mahal kita pero ayaw mo na
Wag na tayong lumaban pa...

Palagi na lang tayong ganito
Nagsasawa na ko
Kaya magpapaalam na ako...
Mga salitang binitawan mo.

Alam mo ng masasaktan mo ako pero itinuloy mo
Pinasaya mo tapos ngayon ay babawiin mo
Sa pagbanggit ng mga katagang...

Tama na, tumigil na
Itigil na natin 'to
Wala na 'tong patutunguhan
Kaya magpapaalam na

Paalam na, pasensya na
Alam kong nasaktan kita
Mahal kita pero ayaw mo na
Wag na tayong lumaban pa...
(huwag ng lumaban pa)

Ngayon ay tumatangis na naman
Dahil sa taong akala ko ay akin lang
Ngayon, nasasaktan
Sa taong labis kong minahal
Nasaktan man patuloy pa ring lalaban.

Kaya ngayon,
Titigil na
Lalayo na
Para hindi na masaktan pa
Salamat nalang sa mga alaala...

Tama na
Tumigil na
Itigil na natin 'to
Wala na 'tong patutunguhan
Kaya mamamaalam na

Paalam na, pasensya na
Alam kong nasaktan kita...

Tama na, tumigil na
Itigil na natin ito
Wala na 'tong patutunguhan
Kaya magpapaalam na

Pasensya na, paalam na
Alam kong nasaktan kita
Mahal kita pero ayaw ko na
Wag na tayong lumaban pa...

Tama na...


Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now