11

40 20 0
                                    

11th Piece Title: Walang pamagat.
©PMBPoemOriginal (2020)



Susulat ng tula kahit di alam kung saan papunta
Ikaw na naman ang laman ng bawat salita
Hindi ko alam kung bakit ba parating ikaw
Ang palaging nagsisilbing panulat at ilaw.

Kukuha ng papel hanggang sa makaulit ng bura
Sasanayin na mag-isa dahil talagang wala ka na
Kukuha ng litrato mong kay linis at kay ganda
Kahit na ang puso ko'y binigay ko na't hindi mo na binalik pa.

Sa huli, umasa akong pagtapos ng tula
Sana'y mawala at makalimutan na kita
Pero hindi pala ganoon kadali
Dahil hanggang ngayon, ikaw pa rin ang pinipili.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now