09

53 28 0
                                    

9th Piece Title: Basag.
©PMBPoemOriginal (2019)



Minsan hindi mo malaman kung bakit ganito ang trato ng tao
Gusto mo lang naman magkuwento
Pero parang hindi sila interesado
Naging mabait ka naman sa kanila pero ganito pa ang isinusukli nila sa 'yo

Akala ko normal lang 'yun
Hindi naman pala
Dahil sa mga sinasabi nila
Nabago ako ng hindi ko namamalayan.

Ilang beses kong sinubukan
Subalit nakakapagod pala
Ilang beses ko ng sinukuan
Ngunit nakakakonsensya pala

Kasalanan ko bang mabilis akong makapalagayang-loob?
Kasalanan ba na magtanim ng sama ng loob?
Kasalanan ko bang mabilis akong maniwala?
Kasalanan ko bang ang bilis kong magtiwala?

'Yung pakiramdam ko
Parang basag na plato
Na kahit anong pilit ko
Basag na talaga at hindi ko na mabago.

Minsan naiisip kong hindi na ako ito
'Yung dating ako.
Binago nila ako
At itong tangang 'to,
Nagpabago naman sa mga maling tao.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now