23

40 26 0
                                    

23th Piece Title: Pagtatapos.
©PMBSongOriginal (2020)



Verse 1:
Masaya ang umpisa
Pagpapakilala nagbigay kaba
Pagpapasalamat tangi kong masabi
Wala ng makakahigit pa, ngiting nasa iyong labi

Abot langit ang ngiti
Habang naglalakad, natatanaw ang bukas
Isang bagong landas na magbubukas
Tanging diploma aking ganti.

Kinabukasang bubuksan
Susi aking karunungan
Paghihirap wawakasan
Akin nang nasisilayan

Araw ng pagtatapos
Araw ng pasasalamat
Tagumpa'y 'di lalamat
Pagkat ito'y 'sang alamat

Araw ng pagtatapos
Kakanta kahit paos
Salamat sa inyo
Akin ng natapos, ito.

Kaingayan, 'di pagkakasunduan
Mga pinagsamahan iingatan
Aking babaunin sa paglalakbay
Bagong kabanatang sasabay

Kinabukasang bubuksan
Susi aking karunungan
Paghihirap wawakasan
Akin nang nasisilayan (panibagong simula)

Araw ng pagtatapos
Araw ng pasasalamat
Tagumpa'y 'di lalamat
Pagkat ito'y 'sang alamat

Araw ng pagtatapos
Kakanta kahit paos
Salamat sa inyo
Akin ng natapos, ito.

Bagong simula, aking sisimulan
Pagod at hirap ay natumbasan
Tatahakin na ang daan
Papunta sa pangarap na nakalaan (sa pinapangarap ko)

Araw ng pagtatapos
Araw ng pasasalamat
Tagumpa'y 'di lalamat
Pagkat ito'y 'sang alamat

Araw ng pagtatapos
Kakanta kahit paos
Salamat sa Diyos (sa inyo)
Akin ng natapos~

Araw ng pagtatapos
Araw ng pagpapasalamat.


Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now