𝒖𝒏𝒐

8.7K 210 52
                                    

Athena Claire Salazar POV:Year - 2022



Ring...

Ring...

Ring...



Nagising nalang ako sa alarm ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko magawang ibangon ang katawan ko. Mabuti nalang walang trabaho ngayon dahil day-off ko. 2 days na dapat pahinga pero ginagawa kong inuman. Nakailang inom na naman ako kagabi. Walang sawa... araw araw ganito mapa  regular day man o day-off ganito yung ginagawa ko sa sarili ko. Thankful nga ako e at buhay pa ako. Wala e, ito na talaga ang pinili ko, well choice ko naman to e.





Kahit ano pang dasal ko, ito na talaga ako. Sabi nga nila "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa." Pero fuck, 2 years na akong ganito. 2 years na akong walang ginagawa. Nasa diyos padin ba ang awa? Sa bawat araw na binibigay sakin ng Diyos, thankful naman ako e pero ako talaga ang may kasalanan.





Pinilit kong tumayo ng kama para mag hilamos, kase alam ko madami na naman akong naiwang trabaho. Freelancer photographer ako, meron akong maliit na team at maliit na office space. Dito sa bahay ko, kaya kapag need namin mag meeting dito nalang sa bahay. As in, hindi na kailangang mag upa pa. Masaya naman ako sa trabaho ko kahit wala masyadong big time na project. Bibihira lang na mabayaran ako ng malaki ng kumukuha sakin kase una sa lahat. Di naman ako sikat. Pero di ko naman tinatanggi na maayos naman ako mag trabaho kase mahal ko ang ginagawa ko. Feeling ko nga, sa binigay sakin. Dito lang ako proud na kaya kong gawin.





Sumilip na muna ako sa cellphone ko para makita kung anong oras na. 1 pm na ng hapon. Meron lang ako isang project this month. Okay naman kausap ang boss ko, gender reveal kase ang pinagawa nila samin ng team ko. Okay naman, nagawa namin ang kailangang gawin at ngayon major editing nalang. Nagpasya ako na ako nalang tumapos ng iba na kulang pa namin. Nakakahiya naman kung ipapagawa ko pa, hindi na nga malaki ang sahod ng team ko e. Kaya hanggang kaya ko, ako nalang ang gagawa. Masaya din ako kase kahit ganun pa man, nandito padin sila sakin at tinutulungan ako. 





Lumapit ako sa isang kabinet ko para kumuha ng noodles. Gutom na ko e, favorite ko to. Kase madali na ngang lutuin, masarap pa at nakakawala pa ng hungover. Kaya nga madalas tawag ng team ko sakin. Noodle princess, dahil daw wala akong ibang kinakain dito sa bahay kundi noodles. 





Habang nag papainit ako ng tubig para sa kakainin ko, hawak ko nadin ang cellphone ko. Baka kase may mga importante akong client at makaligtaan ko pa sila kausapin at mag hanap pa ng ibang photographer. Dapat lagi tayong handa! Mas pinababa ko na din ang rate ko para mas madaming makapansin sa team ko. At syempre para may raket naman kami. Hirap kaya ng buhay ngayon, lahat mataas na ang bilihin. Ayan, mali kase ang presidente niyo!







Habang nilalagay ko na ang tubig na bagong kulo sa mangko ko. Isang post ang kumuha pansin sakin. Post ng tao na 2 years ko ng hindi nakikita. Well kase iniiwasan ko talaga siya na wag makita, kahit na iisa lang kami ng circle of friends. Alam mo yun? Parang hindi mo kayang makita yung tao, lalo na kung mahal mo padin. Para kaseng dinudurog ka ng sobra.





Nakita ko lang to dahil na shared post ito ng mga kaibigan ko. Usually umiiwas ako na makita siya kahit sa pictures lang pero ngayon, gustong gusto kong makita kung ano man tong shared post nila.  Syempre chismosa din ako kahit nasasaktan. Okay lang naman.





 Okay lang naman

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





Wow. Ang sakit ah. Sabi ko gusto ko lang makichismis, pero parang nasobrahan ata. 





"Funny, masaya kana. Habang ako nandito padin." mahinang sabi ko sa sarili ko. Well nakasanayan ko na din kausapin ang sarili ko, parang naging hobby ko na din to kase laging ako lang naman mag isa. Always.







Parang dati lang, pangarap namin to ah. Tapos ngayon, pangarap na binubuo na niya sa ibang tao. At hindi ako. Bakit ba hindi naging ako? Bakit kase hindi nalang ako.







Nagulat nalang ako ng biglang ng ring ang cellphone na hawak hawak ko.

-
"Bakit Jane?" 



"Kumusta ka?"



Alam na siguro nila na nakita ko na yung post ni Mira. Matalik kong kaibigan si Jane back in college days, alam niya halos lahat e. Kahit pinili ko mag isa. Nandito padin siya, hindi niya ako pinapabayaan. Kahit, ilang beses ko silang pag tabuyan.



"Ayos lang, bakit naman hindi?"



"Pinapasabi ni Mira, nagusto ka niya mainvite. Sa... Alam mo na."



Wow ah, e kung hindi ako pumunta? Kaso baka naman mag mukha akong bitter at mukhang hindi okay. Okay na kaya ako...



"Nakita ko nga e, paki sabi na pupunta ako."



"Sigurado kaba? Pwede ka namang tumanggi e..."



Pag humindi ako for sure, halata na hindi pa ako nakaka move on. Kahit totoo naman talaga. Pero kase gusto kong saktan sarili ko, alam mo yun? Baka kase kapag minahal ko na yung sakit, makalimutan ko na din.





"Sigurado ako Jane, wag kayo mag alala. Send mo lang sakin ang details okay?"



"Okay Athena, pero kase meron pang one thing."



"Spill na Jane, busy ako nag eedit ako ng project."



"I suggested them na ikaw nalang ang photograper nila." 



Natahimik naman ako sa sinabi ni Jane, aba Jane... Sabi ko kanina okay lang ako. Pero charot lang yun, syempre hindi pa!





"Jane naman..."





"I know Athena, pero kase. Big project to... considering si Mira Denise Cruz ang ikakasal. Alam mo naman kung gaano ka impluwensya ang pamilya niya hindi ba? For sure malaking break to for you. Isipin mo nalang ang team mo"





Mahinang sabi niya, naiintindihan ko naman siya e. Tama naman siya. Wag kong isipin ang sarili ko, isipin ko nalang ang team ko. Hindi naman ako naging selfish e, bakit ko pag ipagdadamot sakanila to.





"Okay Jane. Thank you, paki sabi na contact me about the details everything. Okay?"





"Thank you Athena! Take care okay? Puntahan nalang kita."

-

Hindi na ako sumagot at binaba na yung tawag. Alam ko naman na hindi mag tatagal pupunta din kami sa ganito. Hindi ko lang expected na kahit lumipas pa ang ilang taon, mahal ko padin siya. Mahal ko padin talaga.














To be continued...
---
*Edited, please re read it again. ✨
*Dont forget to vote for this chapter. 💜

𝑹𝒆𝒘𝒓𝒊𝒕𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝑻𝒉𝒓𝒆𝒂𝒅𝒔 𝒐𝒇 𝑭𝒂𝒕𝒆 (𝑮𝒙𝑮) 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅Where stories live. Discover now