𝒅𝒊𝒆𝒄𝒊𝒏𝒖𝒆𝒗𝒆

2K 99 2
                                    

Ilang araw na din ng makalabas na ng hospital si Papa. Kung ano yung closeness naming pamilya mas lalo atang naging close ngayon. Na parang ang bawat oras ay mahalaga samin.





"Anak paki kuha nga itong pagkain at madala mo na diyan sa dining area" sigaw ni mama. Nag luluto kase siya ngayon. Twing weekend merong kainan dito samin kasama yung mga kaibigan ko. Parang naging tradisyon na namin to ng ilang linggo na din.






"Tita ako na po magdadala ng iba" sabi ni James na kumuha na din ng kanin. Tumulong na din sila sa pag kuha ng pagkain para dalin sa kainan.





"Grabe tita, the best ka talaga mag luto. Bakit kaya hindi ka mag tayo ng restaurant?" biro ni Jane habang tinitikman yung special kare kare ni mama. Halos linggo linggo na niya ito nakakain pero parang obsessed siya sa kare kare ni mama.




"May hospital na kami Jane, hindi ko na kaya ng madami pang gagawin. Tska na siguro kapag napana na namin yung hospital kay Athena"





"Ayiieeee, CEO naman pala this girl" asar ni Nicole sakin.





"Yes naman, doctor na nga CEO pa. Hanap kaibigan ko to!" 





"Tumigil ka Jane, kumain ka na diyan"





"Kumusta ka naman pala tito, okay naman ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Nathan kay papa. 





"Okay lang ako iho, feeling ko nga mas lalo akong naging malakas at naging mas bata" natatawang sabi ni papa. Nitong mga nakaraang araw naging mas lively si papa kumilos, siguro din kase pinahandle na muna ni Papa yung hospital sa kapatid niya si Tito Andrew na papa ni Gabriel, ayaw ko man pero wala na akong nagawa. Hindi ko pa pwede makuha ang CEO kase hindi pa ako fully doctor. Ayaw naman ibigay ni papa ang hospital sakin na wala akong license bilang doctor. Tapusin ko daw muna, after all sakin padin naman yun. Kaya dapat matapos ko ito para sa future makuha ko yung akin. Na dapat sakin.





𝑹𝒆𝒘𝒓𝒊𝒕𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝑻𝒉𝒓𝒆𝒂𝒅𝒔 𝒐𝒇 𝑭𝒂𝒕𝒆 (𝑮𝒙𝑮) 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅Where stories live. Discover now