𝒗𝒆𝒊𝒏𝒕𝒊𝒏𝒖𝒆𝒗𝒆

1.8K 103 20
                                    

"Will you let me take you and runaway from this hell?"













Nakalahad na ang mga kamay niya sakin na para bang mabuti niya akong tinitingnan. Nabigla naman ako sa sinabi niya. Hindi din agad makagalaw yung katawan ko kung aabutin ko ba yun kamay niya or tatakbo? I mean bakit naman ako tatakbo? 













"Nevermind, I'll help you decide then" walang ano anong lumapit siya sakin at kinuha ang kamay ko at ipasok sa sasakyan niya. May something talaga sakanila ni Thalia na parehas, desisyon sila nang sakanila lang. Naramdaman ko nalang na sumakay na sa drivers seat si Mira at walang anong pinaandar ang sasakyan niya.













"Teka, saan ba tayo pupunta?" 













"Just somewhere" 











"Tipid naman girl" mahinang sabi ko, para kaseng ano. Dinala dala ako tas ang tipid naman kausapin ako. Hindi porket friends kami sa past niya e ganito nalang. Girl! Ex kita sa past ko! Pano naman ako? Narinig ko namang natatawa siya sa kinauupuan niya. 











"What? What's funny?" inis na sabi ko dito, parang kapag nakikita nalang ako nito lagi akong tinatawanan, mukha ba akong clown?











"You're cute, kung nakikita mo lang yung sarili mo sa mga mata ko? You look like a person that want to poop"









Ano daw? Mukha daw akong natatae? Wow ah, sa ganda kong ito? Aba aba. Kala ko si Thalia lang yung mapang asar si Mira din pala. Ano ba tong mga to? Gugulo lang naman sa buhay ko, inayos ko na.









"Stop it, maganda ka nga bully ka naman. Saan ba kase tayong pupunta? Pagod na ako. Mag aayos pa ako ng gamit ko" 











"Just somewhere, why? Saan ka pupunta?" 











"Paris" maigsi na sabi ko. Nakatingin lang ako sa bintana. Maganda yung gabi medyo maluwag na din yung daan. Past 12 na din kase, see past 12 na pero nandito ako. Na dapat mag papahinga na. Well, Athena. Pinili mo yan so okay lang. Mabait ka e.









"Paris? With whom?"









"Bakit ko naman sasabihin?" mataray na sabi ko naman dito, akala niya siya lang pwedeng mag taray dito? Kaya ko din nu. Hindi siya agad sumagot na para bang humigpit ang hawak niya sa manibela. Naghahanap ba siya ng tamang words na sabihin sakin?











"Just, want too." nag buntong hininga nalang ako at tumingin na sa mukha niya.











"With Thalia and her friends." 









"Thalia? Thalia Oxford?" 











"Yeah, you remember her?" 









"Yeah... Lets go" nakatigil na pala kami. Nauna na din siyang bumaba. Mabilis din akong bumaba ng kotse niya. Mag rereklamo pa naman sana ako kase bakit ang dilim dilim sa lugar na to. Pero nawala yung inis ko nang itaas ko yung ulo ko at nakita ang buong paligid. Nasa isa kaming overlooking natanaw na tanaw ang buong city lights. Fuck, ang ganda. Bakit ngayon ko lang nakita to? Isabay pa yung liwanag ng buwan. 











( Please play: Dito, Sa ilalim ng buwan by: Arthur Miguel )













"Wow" mahinang sabi ko.











𝑹𝒆𝒘𝒓𝒊𝒕𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝑻𝒉𝒓𝒆𝒂𝒅𝒔 𝒐𝒇 𝑭𝒂𝒕𝒆 (𝑮𝒙𝑮) 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon