𝒅𝒊𝒆𝒄𝒊𝒐𝒄𝒉𝒐

1.9K 98 9
                                    

"Are you okay?" mahinang tanong sakin ni Mira. Nandito na ako ngayon sa labas ng pintuan ng kwarto ni papa. Sabi kase ng mga doctor, stable na for now si papa. Need lang niya mag pahinga. Pag labas ko dito. Nagulat ako ng makita ko si Mira naka abang sa waiting are.





"Yeah, thank you. Hindi ka padin ba uuwi?" tanong ko lang dito.





"Later, samahan na muna kita dito."





"Gusto mo ba ng kape? Kukuha dito sa vending machine." tanong ko lang dito, nakakaramdam padin ako ng pagod at bigat sa puso. Mabuti nalang talaga, hindi pa ako iniwan ni papa. Kase hindi ko pa kaya.





"Ako na, just take a rest here. Think of yourself first. Lagi mo nalang inuuna yun iba." hindi na niya ako binigyan ng chance para mag salita dahil tumayo na ito agad.



Nilagay ko ang kamay ko sa mukha ko, ano ba to? Bakit ang sakit, pero at the same time parang may ginhawa din kase alam ko may time pa para makasama ko sila ng maayos kami. Pati din yung mga kaibigan ko, si Mira at nag karoon ako ng pagkakataon na makilala si Miss Thalia. Mga experince na hindi ko pa naranasaan noon, sobrang saya. Tipo na wala na akong regrets. Wala na akong what if...





"ATHENA!" narinig ko na malakas na sigaw ng pangalan ko.





"Athena what happened okay ka lang ba?!" malakas na sabi ni Jane habang tumatakbo papunta sakin.





"Oo okay lang ako."





"Ano ba kaseng nangyari Athena" sabi naman ni Nicole na lumuhod na sa harapan ko.





"Si papa kase inatake sa puso" naiiyak na sabi ko lang sakanila.





Hindi na sila nag salita at yumakap lang sakin, hinahawakan naman ni James ang likod ko ganun din si Nathan. Si Jane at Nicole naman nakayakap na sakin. Ramdam ko talaga ang pag aalala nila sakin, hindi ko pala talaga kaya mabuhay ng ako lang mag isa. Mali yung ginawa ko noon na hindi nilayo ko ang sarili ko sakanila...



---

"Athena! For the love of God, lumabas kana diyan sa kwarto mo" malakas na sigaw ni Jane.



"Kapag hindi ka lumabas dito sisirain namin tong pintuan mo!" rinig kong sigaw naman ni James. Knowing James and Nathan for sure sisirain talaga nito ito. Wala na akong nagawa kundi buksan ang pinto.



"Ilang beses ko na sinabi na ayokong may tao dito diba!" sigaw ko sakanila. Lumapit lang sakin si Nicole.





"We are so worried! Ano bang nang yayari sayo, tingnan mo nga yang itsura mo!"





"Kumain kanaba? Nag dala kami ng pagkain say---"





"JUST FUCKING LEAVE ME ALONE! HINDI KO KAYO KAILANGAN!" malakas na sigaw ko sakanila. Wala akong oras para harapin ang pag aalala nila. Sarili ko nga hindi ko na maalala kung anong nangyayari, kung kumain naba ako? Kung kelan ba last na ligo ko? Fuck! wala na akong pake! All I want is to have my parents again! Pero napaka labo na nun.



𝑹𝒆𝒘𝒓𝒊𝒕𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝑻𝒉𝒓𝒆𝒂𝒅𝒔 𝒐𝒇 𝑭𝒂𝒕𝒆 (𝑮𝒙𝑮) 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅Where stories live. Discover now