𝒔𝒊𝒆𝒕𝒆

2.2K 115 3
                                    

Umalis na din ako agad sa school pagtapos naming mag usap ni Mira. Siya ang may hawak ng contact number ko, kaya siya nalang ang hihintayin ko maging okay kung kelan kami mag memeet para sa tutoring. 






Isang dahilan bakit ako nag mamadali din na makauwi, nag text kase sakin ni mama. Meron daw kaming family dinner, kaya kailangan kong umuwi ng maaga. Ilang family dinner ang gusto kong magawa namin bago pa man ako bumalik sa future, para man lang wala akong mag sisihan. Sobrang miss ko sila, kulang na nga lang na tumabi na ako araw araw sa tabi nila kapag natutulog na kami. Alam mo yung feeling na parang ang dami mong pag kukulang sa magulang mo na gusto mong bumawi? Kase binigyan ka ng second chance. Kaya lahat gagawin mo masulit lang yung oras. Sabi nila papa, wag ako mag maneho ng mabilis pero dahil sa kagustuhan ko na lagi silang makita lagi akong nag mamadali umuwi. Baka kase pag gising ko bawiin nalang to bigla. Bawiin nalang sila bigla sakin.






Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nag park ng maayos, pumasok ako sa loob ng bahay na naamoy ko na agad yung luto ni mama. Sinigang... favorite namin ni papa. Nakita ko siyang masayang nag huhum ng "Dancing queen"






"Oh! Anak napaaga ka ata ngayon?" gulat na tanong ni mama. Hawak hawak niya yung sandok.






"Ah, opo mama. Maaga din kase natapos yung class namin." lumapit ako dito at yumakap. Dahilan para halikan ang ulo ko. 







"Wala kayong lakad ng mga kaibigan mo ngayon?"





"Meron po, pero mamaya pa naman yun e. Weekend din naman po bukas. May matutulong po ba ako?" magalang na sabi ko. Naging dahilan para ngumiti ng malawak si mama. Minsan talaga mataray siya pero dahil samin ni papa, laging tanggal ang angas niya. Well, hindi nila kasalanan na may magandang anak.





"Tawagin mo nalang ang papa mo sa office niya, para makakain na tayo. Malapit na din naman to matapos." 






Hindi nako sumagot sa kanya at dali dali na din namang pumunta sa office ni papa. Kumatok na din ako dito at nang marinig  ko ang que na pwede na pumasok. Binuksan ko na din yung pintuan.

𝑹𝒆𝒘𝒓𝒊𝒕𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝑻𝒉𝒓𝒆𝒂𝒅𝒔 𝒐𝒇 𝑭𝒂𝒕𝒆 (𝑮𝒙𝑮) 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅Where stories live. Discover now