𝒅𝒐𝒔

4K 170 12
                                    

"Ma'am Athena paki check po kung tama na tong edit na to?" 






Sabi ng isa sa team ko si Andy. Apat kami sa team ang dalawa editor si Andy at Candy. Samantala naman ako at si Debi ang photographer. Pero mostly ako ang kumukuha ng shots. Fresh graduate sila. Dahil wala pa naman silang nahahanap na matino na work, sumaside line muna sila sakin. Dahil hindi din naman araw araw ay may project kami. 








Actually tapos ako ng pre-med. Pangarap ko kase talaga maging heart surgeon. Family kase kami ng doctor, si mama at si papa ay parehong Cardiologists. Dahil siguro sa pag ka idol ko sakanila gusto ko din maging katulad nila. Residency program na ako noong time na tumigil ako, hindi ko na natuloy... Itong bahay na to, ito nalang yung natirang alaala nila sakin.








"Maayos naman ang lahat team! Salamat sainyo!" masayang sabi ko sakanila. Halata din naman ang saya sa mga mukha nila. Edi dagdagan nadin natin.






"Meron pa akong isang magandang balita sainyo, kilala niyo naman ang Cruz, hindi ba?"






"Cruz? Cruz industry? Yung may ari noong Cruz hotel ba yun boss?" tanong ni Andy.






"Ah oo yung laging may mga bigatin na event?" Sunod na salita naman ni Debi.






"Oo ayun nga" masayang sabi ko sakanila.






"Anong meron doon boss?" tanong naman ni Candy sakin.






"Big ever project natin to, kase yung taga pag mana noon ay ikakasal at gusto tayong kunin para maging photographer ng wedding niya." 






Nakita ko naman na nagulat sila at pumalakpak at tumawa. Nagawa pa nila akong yakapin sa sobrang excited nila. Well, masaya naman. Para sa team ko to e.






"Pero boss,  nakakapagtaka. Paano ka nila nakilala?" pahabol na tanong ni Andy. 






Hindi ba pwede na maging masaya nalang sila? Wag na silang mag tanong? huhu.






"Schoolmate ko kase dati." maigsi lang na sagot ko.






"Schoolmate? Bale pala boss, bigatin ang school mo dati! Kase schoolmate mo siya e!" masayang sabi naman ni Candy.






"E hindi ba. Sa Oxford University nag aral yan si Boss, lagi niyang kinukwento kapag nalalasing siya" mapang asar na sabi naman ni Debi sakin. Porket ba na mabait ako na boss, ganito nalang sila sakin sumagot?






"Ewan ko sainyo, basta mag handa nalang kayo. Sa susunod mag kakaroon kami ng meeting para ma finalize na yung events, be ready guys! Congrats satin!" masayang sabi ko naman sakanila.






Hindi nadin sila nag tagal sa dito sa bahay kase natapos na din naman namin ang mga kailangan naming gawin. Na send ko na din sa client yung ginawa namin kanina. At nag bayad din sila agad ng kulang sa payment nila. Masaya naman sila sa naging resulta at ganun na din ako. Nag send na din ako ng sahod sa mga ka team ko. Maliit man na halata, for sure malaking tulong padin sa kanila ito. 






Nag pasya akong maligo at uminom ng gamot. Hihiga na sana ako ng marinig kong tumunog ulit ang phone ko. Nag chat si Jane.

 Nag chat si Jane

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



-

Ano Athena? Inom na naman tayo for today's video?" Malakas na sigaw ni Jane sakin, nandito kase siya ngayon sa Condo ko. Siguro nararamdaman niya kung anong ganap sa buhay ko. Napaka galing naman nitong kaibigan ko na to.








"Kahit ano namang inom ko, hindi naman ako nalalasing e." pag tutol ko sakanya. Totoo naman e, kahit anong lasing ko. Mahal ko padin siya.






"Tama na yan, Kumain kanaba?"




"Oo,  noodles, Sarap nga e." 






"Its been like 2 years Athena, hindi mo padin ba kaya? Tingnan mo nga yung sarili mo."






Sarili? Hindi ko din alam e. Hindi ko na din nga kilala yung sarili ko. I mean, sino naba ako? Ito ba talaga yung gusto kong maging ako? Madami akong naging mali desisyon sa buhay, wala na e. Kahit ilang beses ko hilingin sa lahat ng santo na bumalik ako sa una. Wala na akong magagawa. Ito na to. Ito na yung pinili ko.






"Okay naman ako Jane e. Masaya ako sa ginagawa ko, I have my team pa nga e." sabi ko sa kanya habang iniinom yung alak na hawak ko sa baso.






"You supposed to be a doctor Athena, you supposed ..." natigil siya sa gusto niyang sabihin at ininom nalang ang alak na hawak din niya.






"Things happened Jane, alam mo yun. I can't t do anything about it. Kung pwede lang bumalik Jane. Kung pwede lang." mahinang sabi ko. Lumapit siya sakin at yumakap. Pero yung salitang binitawan niya, alam niya na masasaktan ako.








"You think, They will be happy seeing you like that?"








Foul. Alam niya na ayaw kong pag uusapan yan, alam nila yun. Hindi ko napansin na lumuluha na pala ako. Oo mapag mahal akong tao, kaya nga yung taong may mahal ng iba at naka move on na. Ay mahal ko padin. Namana ko to sa magulang ko, magulang na... wala na sakin.








"I think, you should go now Jane. Please, I will be okay."








Wala na siyang sinabi. Tiningnan lang niya ako, alam niya na wala na akong sasabihin pa na iba. She knows me. Nag buntong hininga lang siya sakin at tuluyan ng tumayo. Nakayuko padin ako at umiiyak. Alam na alam niya na ayokong may ibang nakakakita na umiiyak ako, lalo na ayaw niya na may yayakap sakin sa ganitong sitwasyon ko. Kase feeling ko kinakaawaan ako, hindi naman dapat. Kase alam ko na kaawa awa na ako. Ayoko lang lalo pang maramdaman.








"Nandito lang ako Athena, nandito padin kaming mga kaibigan mo, please don't close your doors to us who wants to help you."






Hindi niya na hinintay pa na sumagot ako, siguro alam niya na kahit ano pang sabihin niya wala din akong pakikinggan. Sarili ko nga di ko na kayang pakinggan, iba pa kaya? Sobrang nawawala na ako. Hindi ko na alam, kung anong plano ng Diyos sakin. O sadyang pinag lalaruan nalang nila ako kase bored na sila sa heaven.


















To be continued...
-
*Edited, please re read it again. ✨
*Dont forget to vote for this chapter. 💜

𝑹𝒆𝒘𝒓𝒊𝒕𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝑻𝒉𝒓𝒆𝒂𝒅𝒔 𝒐𝒇 𝑭𝒂𝒕𝒆 (𝑮𝒙𝑮) 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon