𝒄𝒖𝒂𝒕𝒓𝒐

3.2K 140 21
                                    

Nang matapos ang trabaho ng team ko sa lugar na yun. Nag paalam na akong aalis nako. Wala naman silang ibang sinabi kundi sinuportahan nila ako, alam kase nila na kanina pa ako aligaga dito sa loob ng venue. Para daw ba gusto ko na daw manapak. Pang aasar sakin ni Andy. Tinawanan ko naman ang komento nito sakin. Totoo naman e, gusto ko tanggalin yung ngisi sa mukha ni Gabriel.







"Oh basta kayo na bahala sa mga equipment ah, yung memory cards at camera paki lock sa office natin. Naiintindihan niyo ba?" masusing tanong ko sakanila. Mahirap na mag kamali sa project na to. At ayoko ding mag kamali kami.









"Oo boss kami bahala. Hindi kaba uuwi ngayon?" tanong sakin ni Candy habang inaayos ang mga lenses ng camera namin at nilalagay sa likod ng service car na dala dala nila kanina. 









"Hindi muna, may pupuntahan lang ako." maigsi na sabi ko dito. 









"Sigurado kaba boss na ayaw niyong sumama samin para mag celebrate? For sure after nito mas lalo ng dadami ang big projects natin!" masayang sabi naman ni Debi sakin.









"Next time okay? Take care" sabi ko lang at ngumiti sakanila. Dala ko ang kotse ko ngayon. Nakakahiya kase mag motor, naka dress ako tas motor gagamitin ko. Kahit naman papano yung mga sasakyan ni daddy. Hindi ko naman binenta ang iba. Para may service padin ako kahit papano. Salamat nalang ako at hindi pa sila nasisira. 









Sumakay na ako ng kotse ko tska tinext si Jane na mauuna na ako, at mag enjoy lang siya. Feeling ko kase baka mag alala lang siya sakin ng sobra kapag hindi ako nag paalam sakanya e. Praning pa naman yung babae na iyon. Masyado na ata malaki ang trauma na binibigay ko sakanya kapag nawawala ako bigla. Sorry my friend. Ito lang ako e.







Pinaandar ko na din ang sasakyan ko pag katapos mag tipa ng message kay Jane. Isang "Okay at Ingat" ang ni reply niya sakin. Good to go na ko! Isa lang lugar ang kailangan kong puntahan. Ang alam kong akin sanctuary. Nag drive na ako papunta doon. Kung saan naka libing ang mama at papa ko. Mabuti nalang si Uncle Troy, kahit papano inayos ang pinaglibingan nila. Maganda at organize padin ang paligid nito. May ilaw din ang paligid ng sementeryo. Kaya hindi nakakatakot. Tahimik akong umupo sa tabi ng puntod nila. 







"Sorry, wala akong dalang kahit ano. Okay lang ba yung sarili ko?" natatawang sabi ko sakanila. Tinanggal ko ang iilang mga dumi na meron sa puntod nila at pinagpagan. 







"Ahhh, kasal na si Mira. Tas ako maganda padin pero hindi kasal. Pero as in maganda, hindi ba Dad?" si Dad kase ang kasama ko sa mga kalokohan. For sure matatawa yun kapag kausap ko ngayon, sobrang asar kase sakin si Dad. Ang hangin ko daw. Sobra. 









"Oh Mom, wag kang magalit ah. Hindi ako mayabang! Totoo talaga na maganda ako. Tingnan mo nga ako ohhhh" sabi ko at tumayo at umikot sa puntod nila. Natawa naman ako ng mahina. Kung si Dad puro joke time, si mama naman puro seryoso ang alam. Masungit at strict. Pero alam ko na pag dating samin ni Papa, palatawa siya. Hindi niya kayang tiisin kami nu. 







Natatawa nalang ako pero tangina ang sakit! Tumatawa ako habang umiiyak. 

"Dad. Mom. Sama niyo nalang ako diyan oh, miss na miss ko na kayo!" malakas na sabi ko sa tapat ng puntod nila habang nakaluhod.







"Bakit kase hindi niyo nalang ako isama! Ano na gagawin ko dito, wala na kayo. Kasal na si Mira. Lahat ng pag asa ko para mabuhay. Wala na sakin. Please!" mahinang sabi ko at umiiyak padin. 







𝑹𝒆𝒘𝒓𝒊𝒕𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝑻𝒉𝒓𝒆𝒂𝒅𝒔 𝒐𝒇 𝑭𝒂𝒕𝒆 (𝑮𝒙𝑮) 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅Where stories live. Discover now