𝒒𝒖𝒊𝒏𝒄𝒆

1.5K 75 3
                                    

"Omg ka Nicole ang ganda dito!" malakas na sigaw naman ni Jane. Nakarating na din kami dito sa resort nila Nicole. "D. Hotel and Resort" iba din talaga ang mga Dizon. Minsan napapaisip ako kung paano ko ba naging kaibigan tong mga to e.





"Kapagod ang byahe" sabi ni James, siya kase nag drive yung buong 8 hours na byahe namin. Siya lang nag drive, ayaw daw niya maabala pa kami. Napaka gentleman talaga. Province side na din kase ito, napaka layo na din sa lungsod. Kaya talaga yung mga kailangan namin, binili at dinala na namin. Dahil malayo ang bilihan dito. Pero sobrang worth it nang tanawin. Para bang nasa isa kang paraiso. Kaya din siguro kahit na malayo itong Resort, talagang pupuntahan mo.





"Sabi ko naman kase sayo palit naman tayo e, ito oh tubig inom ka muna" inis na sabi ni Nathan at inabot pa yung tubig na bukas na kay James. See? Kanina parang aso at pusa, ngayon parang iba na naman. Hindi talaga tumatagal ang away sakanila. 





"Thank you babe" asar na sabi ni James, kaya itong isang Nathan. Nagulat sa sabi ni James kaya biglang nilayasan kami. Walk out king?





"Tara tara na pasok na tayo sa loob, natawagan ko na yung pwedeng mag buhat ng gamit natin. Ang boys magkasama na sa hotel room. Sobrang dami kaseng guest ngayon. Kami ni Jane magkasama. Ikaw Athena okay ka lang naman mag isa, hindi ba?" mahabang paliwanag sami n ni Nicole.





"No problem." mahinang sabi ko dito.





"Wow! Big girl na talaga si Athena hindi na takot mag isa!" asar ni Jane sakin.





"Kung alam niyo lang kung gaano ako mag isa." mahinang sabi ko sakanila.





"Ha?"






"Wala, sabi ko tara na..."





---

"Anong gusto niyong lunch?" masayang sabi ni Nicole, mukhang excited talaga ang lahat sa vacation na to. Well, ako din naman. Gusto ko talagang mag saya. Kase hindi ko naman to naranasan dati e. Seize the day...

𝑹𝒆𝒘𝒓𝒊𝒕𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝑻𝒉𝒓𝒆𝒂𝒅𝒔 𝒐𝒇 𝑭𝒂𝒕𝒆 (𝑮𝒙𝑮) 𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅Where stories live. Discover now