FOOLISH HEART 02

455 35 2
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank
You !)
                             _______________

MA. ALEXIS PENELOPE

Katatapos lang namin mag lesson sa bwisit na Math na 'yon, ang sakit n'ya sa ulo.


Sariling problema hindi masulosyunan, ok lang naman sa'kin na advice-an ko s'ya eh kaso ang gusto n'ya ako pa ang lumutas sa problema n'ya. Kaasar



Alam kong gurdian angel ako pero dahan-dahan naman sana sa pagbigay ng problema.


Hinarap ko naman si Astrid na nakaupo sa gilid ko, busy naman ito sa pagchicheck sa activity na ginawa namin sa Math kanina.



S'ya kase ang napagutusan ni ma'am Math na magcheck dito, ang shondang 'yon talaga sariling trabaho pinagawa pa sa iba. Tss



Pinasadahan ko naman ito ng tingin sa bawat parte ng kanyang mukha, may pagkakataon pa akong pakatitigan ito dahil busy palang naman s'ya sa pag check.



Ang ganda ng kilay n'ya ang kapal, kasing kapal ng mukha ni Jade.



Tapos 'yong pilik mata n'ya ang haba kasing haba ng pasensya ko.



Tapos 'yong ilong n'ya matangos din tapos 'yong labi n'ya... Ang pula, sarap sigurong ikiss n'yan ehe.


Nabalik lang ako sa reyalidad ng bigla ko itong narinig na tumawa ng malakas, kunot noo ko naman itong tinignan.


"Ang bobo mo talaga, Alexis!" Humalakhak ito at halos hindi na ito makapagsalita nang maayos dahil sa pagtawa n'ya.



"At bakit naman haler?! Maka bobo ka d'yan ah!" Singhal ko rito



"Eh bobo ka naman talaga! Halika tignan mo itong score mo sa Math. Perfect! Perfect zero beh!" Hindi pa rin sya natapos sa kanyang pagtawa. Baliw.




Agad ko naman inagaw ang papel na hawak nito, baka binibiro lang ako nito e.



Magaling kaya ako sa Math, pangarap ko nga mag business ng sha-



"Oh diba? Gags zero yarn?" Tinignan ko ang aking papel at pucha, zero nga! Nanlaki ang mata ko kaya mas lalo syang natawa.




"Eh mali ka nang pagkaka check! Alam ko namang may galit ka sa'kin pero h'wag mo naman ibawi sa activities ko oy!"



"Gaga zero ka nga! Bahala ka lagot ka kay ma'am" pananakot pa nya. Ayaw ko!




"E-eh ano nalang! Uhm.. pakopya sa gawa mo tapos check mo ulit hehe."



"Bawal ang ganon, anak." Nag tsk ito at nagpatuloy sa ginagawa.



"Ihh, mahaaaal! Sige na pleaseee! Kagagalitan ako non ni ma'am, eh!" Pagpupumilit ko rito.



Andamot naman ng babaeng ito, kapag siya naman pinapa kopya ko. Hmp!



"Kapag ginawa ko 'yon ano namang matatanggap ko mula sa'yo?" Sambit nya. Hmmm..



"Kiss kita"


"Lagi mo na ako kinikiss, eh."


"Hug?"



𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now