FOOLISH HEART 20

303 25 1
                                    

ASTRID KEITH JONES

Lahat ng pagkain natikman namin ni Bryce, marami din kaming napasukang booth, gaya nalang ng photo booth, music booth, jail booth— yes pumasok kami sa jail booth dahil wala kaming magawa. Kami na nagpakulong sa sarili namin.


Napalingon ako sa mga taong nagsisigawan, malapit ito sa stage. Mukhang marriage booth yon.


"Anong meron? Bat sila nagsisigawan?" Takang tanong ko


"May ikakasal yata eh, tara tignan natin." Sagot ni Bryce at hinila ako papunta sa Marriage booth.



"MaXi! MaXi! MaXi! Aaaccck!"


"Putangina yung ship ko biglang umahon!"



"Mga gago, dapat may kiss yan sa lips parang kay ma'am Zaldivar at kay Wú! "



Sigawan ng mga tao rito, lumapit pa kami lalo para makita ang tinitilian nila.

At wait... Si ma'am Zaldivar at isa sa Wú nag marriage booth din? Sino sakanila ang kinasal dito si Keizel ba o si Nashville? Sila lang naman ang Wú rito.

Hindi naman against ang school na ito sa student and teacher relationship. Wala silang pakealam pa roon, pero sino ang Wú na sinasabi nila?


Nagsigawan silang muli kaya natigil ako sa pagu overthink kaya tumingin ako sa harapan.

Si Madelaine at Alexis pala, nasa harap sila ng altar kaharap ang studyanteng pare.


"Ma. Alexis Penelope, tinatanggap mo bang maging kabiyak si Celestia Madeleine Salvacion?" Tanong nito kay Alexis.




Tumango-tango ito habang magkahawak ang kamay nilang dalawa. "I do po, father." Wika nito dahilan para magtilian muli ang mga tao.


Ano naman kayang nakaka kilig diyan?

"Ikaw Celestia Madelaine Salvacion, tinatanggap mo bang maging kabiyak si Ma. Alexis Penelope sa hirap man o sa sarap—mali, sa hirap man o sa ginhawa?" Malokong tanong nito.




"I do, fatheeer!" Natatawang sagot ni Madelaine.

Ang oa.

"Bagay sila no? Cute nila." Nakangiting saad ng katabi ko, kaya inirapan ko ito.



"Kung ganon, oras na para maglaplapan kayo. Mabuhay ang bagong kasal!"




"Mabuhaaaay!"




"Kiss na kayo." Utos muli ng pare.




Agad naman hinalikan ni Madeleine si Alexis sa labi at niyakap pa ito sa leeg dahilan para mamula ito.

Lalong nagsigawan ang mga tao dahil sa ginawang iyon ni Madelaine. Tsk




Pagkatapos ng pangyayari kanina sa marriage booth, nagtungo muna kami ni Bryce rito sa rooftop.




Pero wala na ngayon si Bryce, kaya mag isa ko nalang. Nagpaalam itong uuwi dahil may aasikasuhin daw.





Tumingin ako sa baba, kitang-kita ko ang mga studyanteng nagienjoy dahil sa event.



Tahimik lang akong nakatanaw sa baba, parang kulang. Dati kase lagi kaming nakatambay ni Alexis dto, maganda kase rito, mahangin kaya dito kami tumatambay palagi.




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now