FOOLISH HEART 31

287 23 0
                                    

Pov ni Alexis ito noong time na nagpapa pansin sakaniya si Astrid, para di kayo malito, okie?

__________



MA. ALEXIS PENELOPE


Nitong nakaraang buwan ay sobrang touchy saakin ni Astrid, ewan. Pero ganon ang dating saakin. Parang sinasadya niya ang lahat.




Parang sinasadya niyang idikit saakin ang katawan niya, minsan, pakiramdam ko inaakit niya ako. Ayaw ko sana mag assume pero yon talaga ang napapansin ko.




May time pa na nagbuhat ito ng upuan, nakita ko siyang binubuhat ang isang upuan. Pero noong nakita niya ako biglang nagbago, sinabi niya saakin na di nya kayang buhatin dahil mabigat.




Hindi nalang ako umiimik. Palagi niya rin ako binabaunan ng pagkain, lagi siyang nakikiinom sa tumbler ko kahit may tubig naman siya. Sabi niya ubos na tubig niya, pero ang totoo tinapon niya ang laman nito.




Lagi niya rin ako inaaya kung saan, namamasyal kami kung saan man kami mapadpad. Sabay din kami palagi umuwi, masaya naman ako sa trato niya ngayon. Pero nagaalangan ako baka masaktan ako ulit lalo na't engaged na sila ni Bryce.




Lahat ng galaw niyang yon ay sobra ang epekto saakin, kada lalapit o didikit siya saakin. Gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko lang. Hindi ako nagpapahalata sakanya na grabe ang epekto niya saakin. Hindi ako nagpapahalata, pero ewan ko lang kung napapansin niya o ano.




Hindi ako makatulog kaya kung ano-ano nasasabi ko sainyo. Nakatingin lang ako sa kisame nang biglang uminit ang pisngi ko sa mga naalala ko.




Napahawak ako sa labi ko, shit. Biglang pumasok sa isip ko ang pinagsaluhan naming halikan ni Astrid noong isang araw. Nagulat nalang ako dahil bigla ako nitong hinalikan.





Sobra ang pagpigil ko sa sarili ko na wag gantihan ang halik niya, pero nakakadala talaga. Nadala ako ng sobra sa mga halik niya.




Sinabi ko noon na dapat ay hindi na ako magpa dala sa tukso, pero anong nangyari? Naiinis ako ngayon sa sarili ko.




Pumikit ako ng ilang segundo para mawala sa isip ko ang mga pangyayaring yon. Bumangon ako at kumuha ng jacket at agad itong sinuot. Kinuha ko na rin ang susi ng motor ko, pupunta akong convenience store.




Malapit lang naman ito, madadaanan ko pa ang bahay nila Astrid bago ako makarating sa convenience store. Bibili lang ako ng isang soju, wala namang pasok bukas kaya ayos lang mag lasing.





Gusto kong mawala sa isip ko ang mga bumabagabag saakin ngayon, kaya nagpasya akong bumili ng soju.




Pagkarating ko rito sa convenience store ay pinark ko na ang aking motor. Pumasok na ako sa loob at kumuha agad ng soju at mga chips.





Namimili pa ako ng mga dapat kong bilihin, nakita ko pa si Bryce na may kasamang lalaki. Gwapo ang lalaki, matangkad at maputi. Gwapo rin naman si Bryce, kaya hindi na nakapagtatakang nagkagusto sakanya si Astrid.





Busy ang dalawa sa pagpili ng mga bilihin, kaya siguro hindi nila ako napansin. Nag tungo na sila sa counter para magbayad, mabilis lang silang nagbayad dahil wala naman masyadong tao, dahil alas nwebe na ng gabi.




Nagpunta na rin ako sa counter upang magbayad, kinuha ko na ang pinamili ko at lumabas na nang store.




Lalapit palang sana ako sa aking sasakyan nang mamataan ko sila Bryce. Alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba, pero kasalanan na nila dahil hindi nila hininaan boses nila.




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now