FOOLISH HEART 36

270 19 0
                                    

ASTRID KEITH JONES

Sa susunod na araw palang sana ang punta namin sa Cǎihóng. Pero hindi nasunod dahil kay Jade, kailangan kase nito ng karamay.






Nagulat nalang ako bigla itong tumawag habang umiiyak. Naglayas pala ito sakanila sa kadahilanang hinampas siya ng ama nito ng baseball bat. Anong klaseng ama siya?





Parang dinudurog ang puso ko dahil sa pag iyak nito. Kanina pa siya pinapatahan ni Alexis pero wala parin nangyayari.





"Tahan na, sshh" pagpapatahan namin dito pero umiyak lang ito lalo.



Ang dami niyang sugat sa katawan. Pero ang mas iniinda nito ay ang malaki niyang pasa sa may magkabila niyang tuhod. Nahihiya naman ako kontakin si Nashville dahil nagbakasyon nga ito sa ibang bansa.





Nilinisan na namin ang mga sugat niya. Alam kaya ito ng grandparents niya? Mukhang hindi dahil hindi naman palasabi itong batang ito.





Magsasalita palang sana ako nang biglang may pumasok na babaeng matangkad.





"M--mommy" utal na sabi nito at mas lalo pa itong humagulgol.





Niyakap siya ng babae. Bakas sa mukha nito ang pagaalala. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang nanay-nanayan ni Jade.





"Wh--who did that to y-you, hmm?" Hinawakan nito ang mukha ni Jade at pinunasan ang luha nito.  "Sshh, stop crying na andito na si mommy M--mauris."





Kalaunan ay tumahan na rin ito sa pag iyak. Humarap ito saamin at ngumiti ng maliit.  "Salamat sa pag alaga sakaniya, kaibigan niya ba kayo?" Tanong nito kaya tumango kami.



"Yes po ma'am... A-ah ma'am, ito po ang ice pack bag" abot ni Alexis dito na agad naman niyang tinanggap at nag pasalamat na rin.





Dinampi-dampi nito ang hawak niyang ice pack bag sa pasa ni Jade.





"Buti nakaalis ka roon, Keizel." Saad nitong katabi ko kaya napatingin sa gawi namin si Jade.





"Naharang siya ng asawa niya, k-kaya nakatakbo ako." Paliwanag nito.





Hanggang ngayon parin pala hindi niya parin tinatawag na mama ang kaniyang ina. Pero itong taong nagaalaga sakaniya ngayon, natawag niya pang mommy.




Minsan tinatawag niyang mama si tita Katherine, pero halatang napipilitan lang siya.


"Bakit anong nangyari at humantong sa ganito?" Tanong ng mommy niya.





"Pinipilit n-niya po ako na h-humingi ng m-money kila mama la, t-tapos ibigay ko r-raw skaanya. Tapos pinapa pirma niya rin po saakin iyong isang papel para mabenta ang mansion." tukoy nito sa kaniyang ama.  "H-hindi ko po sinunod, mommy. Kaya p-po sinaktan nya ako." Paliwanag nito.





"Fuck you, Xaio Zhou. You haven't changed a bit" bulong nito kaya di ko masyado maintindihan. Pero halata sa mukha nito ang galit.   "Don't worry, ako bahala. You need a rest, babantayan kita." Masuyong hinaplos nito ang buhok ni Jade.




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα