FOOLISH HEART 16

265 26 0
                                    


ASTRID KEITH JONES

Pagsapit ng hapon at nawala na ang init, ay napagpasyahan na naming lumabas ng tinutuluyan naming cabin dito sa Cǎihóng , plano naming maglibot muna para bumili ng mga souvenirs para wala na kaming gawin sa buong stay namin dito kundi mag saya.



"Tara na, balak mo pa yata magpaabot ng gabi riyan, alis na tayo." sambit ko dito.




Napabagal namn kasi ng babaeng ito. Binibraid nya kasi ang sariling buhok, kanina ako ang nagbibraid kaso masakit daw kaya sya na. Sorry naman!





"Teka lang kasi! Palagi kang nagmamadali eh. Hindi mawawala ang Cǎihóng diyan, okay?" salubong pa ang kilay nya.





Matapos ang ilang minuto ay natapos na din ito, kaya lumabas na kami at nag-ikot, balak ko kasing maghanap ng friendship bracelet naming dalawa ni Alexis.





Sa lahat kasi ng regalong pwedeng ibigay kay Alexis, bracelet ang pinaka gusto nya.





Habang naglalakad ay napalingon naman ako sa taong katabi ko na akala mo'y hindi nauubusan ng sasabihin. Ang sarap sungalngalin





"Ang ganda dito sa Cǎihóng no mahal? Pero wala nang mas gaganda pa kundi ikaw lang mahal!" Namumulang wika nito't kumapit pa sa braso ko.





"Tss. Alam ko namang maganda ako kaya wag mo na ipagsigawan."






Bumitaw naman ito at humarap sa'kin, nakangiwi ito na ikinatawa ko naman.





"Ka hangin mo talaga— mahal ayun oh yung nagtitinda ng bracelet! Tara doon dali!" Excited na wika nito





Bigla naman ako nitong hinila, para akong mapuputol bwiset! Kulang nalang magkanda dapa-dapa kami dahil sa pag hila ng babaeng ito






"hi po lola!" Masayang bati nya sa tinderang may edad na.





Ngumiti ang matanda sa amin kaya napangiti rin kami.





Ito ang pinaka pinagkakasunduan namin ni Lexi, parehas kami mahilig at malapit sa mga matatanda.





"Bakasyonista kayo rito mga hija? Naku tamang tama ang resort na pinuntahan nyo, dahil napaka ganda dito" nakangiting saad nya saamin.






"Ah, yes lola. 3 araw lang naman kami nag stay rito, kasi may pasok ho kami sa martes" nakangiting wika ko at tinapunan ng tingin ang nga tinda nyang bracelet, keychain at kung ano-ano pa.





"Ito hija" wika nya at inabot ang dalawang piraso ng bracelet saamin.





Napaka gandang tignan nito, parehong pearls na may iba't ibang ang naka tuhog sa matibay na tali, ang ganda.





"Ang ibig sabihin nyan ay matibay na relasyon. Mapa kaibigan man o kasintahan. Ang tali ay nagsisimbulo sa isang matibay at hindi madaling maputol na ugnayan ninyong dalawa, at ang mga perlas naman ay simbulo nang mga katutuwa at makukulay pangyayari na magaganap sa pagitan ninyo" wow. It's awesome.





"Talaga ho? Hala mahal, kunin natin para hindi na tayo maghiwalay pa!" Excited na wika ni Lexi.






Cute. Cute n'ya kapag ganyan sya, pero ayaw ko sabihin sakanya baka lumaki ang ulo. Inirapan ko nalang ito






𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now