FOOLISH HEART 29

298 26 3
                                    

ASTRID KEITH JONES

Ilang linggo na ang nakalipas noong nagkaayaan kami nila Liliana na dalawin ang puntod ng gf nito.



Pagkatapos non ay lagi ko na ulit hinihintay sa labas ng bahay si Alexis para sabay kaming papasok.




Lagi ko siyang kinukulit, binibilhan ng baon, minsan binabaunan ko rin siya ng baon. Kapag naman uwian lagi ko rin itong sinasabayan. Pero parang wala lang sakaniya yon, dahil ang cold niya talaga.



Alam ko naninibago siya sa mga galaw ko, pero wala akong pakealam. Gusto ko lang makabawi sakanya, gusto kong itama ang mga pagkakamali ko. Deserve ko naman na linayuan niya ako or lumayo loob niya saakin, naiintindihan ko yon.




Akala ko kaya ko na wala siya sa tabi ko, na hindi ko siya makasama at makausap. Nagkamali pala ako, noong lumayo siya saakin hinahanap-hanap ko ang dating siya, ang pangungulit niya saakin, pagkukwento niya ng kung ano-ano.




Nakakatawa mang aminin, pero kadalasan lagi akong nagpapatulong sakanya kahit kaya ko naman gawin mag isa. Kadalasan din sinasadya kong idikit ang katawan ko sakanya, hindi ko alam kung anong nangyayari saakin. Pero alam ko sa sarili ko na kapag katabi o kasama ko siya pakiramdam ko isa na ako sa pinaka masayang tao sa mundo.




Ang nakakainis lang kapag nagmo-moments kami ni Alexis, laging umiepal ang Madeleine na yon. Super sarap niyang sabunutan, nakakairita siya sobra. Masiyado siyang papansin at agaw eksena.





Hindi ko nalang pinapahalata na naiinis ako saknya, mahirap na baka magalit at layuan pa ako ni Alexis.




Busy kami ngayon sa pag decorate para sa paparating na Year end Party namin. Pabonggahan ng iriregalo rito, dahil mayayaman naman ang mga studyante rito sa San Lorenzo Highschool.




"Announcement guys." Saad ni Madeleine papansin sa harapan.




"ANNOUNCEMENT!ANNOUNCEMENT! ANNOUNCEMENTTTT!" sigawan naman nang mga kaklase ko.





Ganyan talaga sila kapag may announcement, kaya pag pasensiyahan niyo na.




"So, magbubumutan na tayo--"




"Ng ngipin ba Pres. Maddie?"



"Ng puting buhok ba?"



"Ah, baka bunutan ng buhok sa kilikili."




"Mga buset magsitahimik-- Ms. Jones ikaw na nga mag announced." Pakiusap nito.




Kahit inis ay tumayo nalang ako at nagtungo sa harapan.




"So, guys magbubumutan na tayo para sa exchange gift." Wika ko  "so ganito ang mechanics, isusulat niyo sa papel niyo ang name niyo-- hindi totoong name niyo ah, para anonymous ganon."




"So isusulat niyo siya, then ilagay niyo ron ang wishlist niyo. Simulan na natin mag bunutan ngayon para mahaba pa ang araw natin upang makabili ng mga regalo." Pagkatapos kong nag announced ay bumalik na ako sa upuan ko.




Kumuha na ako ng kaonting piraso ng papel at isang ballpen. Hmm ano kayang ipapangalan ko? GOODNESS A.K nalang. Sinulat ko na ang pangalan at ang wishlist ko. Simple lang naman ang gusto kong gift, dress or sandals lang naman.




Pagkatapos naming pagsama-samahin ang mga papel namin ay agad na kaming bumunot. Bumalik ako sa upuan ko at binuksan ang papel na nabunot ko. Sino kaya itong  MAGDALENA ANONG PROBLEMA? Grabe namang pangalan ito, mas grabe pa ang wishlist. Dahil ang nakalista sa wishlist ay KAHIT ANO ampucha. May ganon bang bagay? Siya yata itong may problema hindi si Magdalena.


𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now