FOOLISH HEART 03

360 32 3
                                    

(A/N: Don't forget to show your support by Voting, Commenting and following me. Thank
You !)

   ______


MA. ALEXIS PENELOPE


Pagkatapos ng pagtambay namin ni Keishit sa rooftop kanina nagpaalam na kami sa isa't isa.



Imbis na tumambay sa school ay nagpasiya nalang akong umuwi kaysa masilayan ko silang dalawa rito, edi kawawa ako.



Agad akong pumara ng masasakyan.



Tinatamad na ako pumasok kaya uuwi nalang ako para magpahinga.





Sumakay na ako at sumandal. Pinagbabawal kase saakin nila mama na mag dala ng sasakyan, hays!





Tss, naalala ko na naman sila.




Bahala s'ya d'yan. Hindi ko na s'ya lulutuan ng fried chicken magpaluto nalang s'ya sa lalaking kalaro niya ng soccer kanina.


Landian na may konting soccer. Pft!

•••••

Pagkarating ko sa bahay ay pumasok na ako agad at umakyat sa aking kwarto, dumiretsyo ako sa banyo at sumampa sa bathtub.



Pumikit muna ako at nag relax, baka sa ganitong paraan maalis ang inis na nararamdaman ko sa dalawang iyon.




Nang sa tingin kong ok na ang pakiramdam ko ay agad na akong umahon at lumabas sa banyo.



Padabog akong kumukuha ng isusuot ko. Kulang nalang ay maputol ko na lahat ng hanger dahil sa inis.



H'wag lang magkakamaling pumunta ang Astrid na 'yon dito baka masakal ko lang, sana naman hindi s'ya ang unang
bubungad paggising ko.




Baka mabadtrip ako lalo.





Humiga na ako sa kama at napagpasyahan na matulog nalang kaysa pansinin ang agam-agam sa isipan ko ngayon.



Pagkapikit ko pa lamang ay kaagad na akong nilamon ng antok.




Naramadaman kong may tumabi sa'kin pero hindi ko nalang ito binigyan ng pansin, dahil sobrang inaantok pa talaga ako.




Kahit inaantok ay pilit ko paring kinapa ang unan ko, hmm nahanap din. Agad ko naman itong yinakap, ang bango naman nito.





Nagulat pa ako dahil gumanti ng yakap ang unan ko, grabe namang panaginip 'to. May kamay ba ang unan para yumakap? Hays bahala na nga.




Hindi ko nalang ito pinansin, hinigpitan ko ang pagkakayakap sa aking unan.




Ang lambot kase eh sarap paggigilan, tapos sobrang bango pa.




Familiar ang amoy nito parang naamoy ko na ang pabangong ito, hindi ko lang maalala kung saan.




Naramdaman kong hinalik-halikan nito ang pisngi ko kaya lalo akong nagtaka.





𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now