FOOLISH HEART 11

268 27 1
                                    

MA. ALEXIS PENELOPE

"Mahal, pasama naman ako sa grocery store, pinapa-grocery ako ni mama eh, busy kasi siya sa pag-alaga kay Alexandra. May sakit kase kapatid ko." katawag ko si Astrid ngayon habang nag susuklay.




Kakatapos ko maligo at pupunta na ako sa grocery store.





"Sorry Alexis, hindi ako makakasama, may plano kasi kaming lumabas ni Bry— tumatawag na siya! Babye, ingat ka nalang" hindi na ako nakasagot dahil pinatay na niya ang tawag.




Bumuntong hininga ako at nag chat kay Mads, agad naman itong pumayag na samahan ako, mabuti pa siya.




"Baka naman importante yung pupuntahan ng dalawa, wag kana malungkot, tsaka andito naman na ako, sasamahan kita" pampalubag loob ni Mads.




"Ano ka ba? Hindi ako malungkot 'no, atsaka hindi ba ako nakakaabala? Baka may ginagawa ka, naistorbo pa kita" sambit ko.





"Wala akong ginagawa, bored nga ako buti nga nag aya ka" she smiled at me as she ing her arm to mine.




"Dahil diyan, ipagluluto kita, wala akong kasama  bahay eh, mag isa lang ako" aya nito na agad ko naman tinanguan.



"Oh sige, tara! Dalian na natin mag grocery, excited nako!"





Pagkatapos namin mag grocery ay hinatid ko muna sa bahay ang mga pinamili ko.





Pinakilala ko na rin siya kila mama pati kay Alexandra. Next time may papa ko naman siya ipapakilala, busy kase sa work si papa.




Pumunta na kami sa bahay nila Mads, napag disisyunan naming mag bake nalang ng cookies para sa movie marathon namin.




"Haluin mo lang ng maigi para hindi mag buo-buo" tinuturuan niya ako mag bake habang hinahanda niya ang oven.





"Ganito ba ang tamang consistency?" Sumandok ako gamit ang kutsara at lumapit sakanya para ipakita ang kung tama na ba ang lapot ng dough.





"Oo, okay na yan, teka lagyan ko ng parchment paper itong tray para hindi tayo mahirapan mag linis" sambit niya kaya tumango ako, ng matapos na ang lalagyan ng dough na tray ay inilagay na namin roon ang nakahulmang dough at isinalin sa oven.





Kaming dalawa ang nag ligpit at naghugas ng mga ginamit namin habang nagkukwentuhan.





"So dati kapa may gusto kay Astrid? At ni minsan hindi niya yun napansin?" Tanong nito na tinanguan ko naman habang nagpupunas ng lamesa.





"Manhid yun, o kung nararamdaman niya, ayaw niya lang paniwalaan, kasi para sakaniya hindi pwedeng magkasintahan ang magkaibigan" sambit ko.





"Baka natatakot siyang masira ang friendship nyo?" Tanong naman niya at inilabas ang cookies, luto na pala.


Ang bilis naman maluto.






"O baka ayaw niya lang talaga sa akin" nagkibit balikat ako.





"We never know, siya lang ang nakakaalam non" she smiled at me and patted my shoulder.






𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now