3

26.9K 105 0
                                    

Siguradong pagod na si Edward.

Mahimbing na itong nakatulog pagkatapos naming mag dinner.Actually parang hindi naman siya kumain dahil kahit sa hapag ay may kausap itong kliyente.Ni hindi na namin napag usapan kung kamusta ang araw niy gaya ng lagi naming ginagawa.Hindi na ako nito tinapunan ng tingin bago pumasok sa kuwarto.

He is a rich business man that is always busy.Feeling ko minsan ,aksesorya lang ako dito sa bahay dahil hindi naman niya ako nakikita.Ang ipinag papa salamat ko nalang ay gabi gabi parin itong umuuwi sa akin.

Ibinalik ko sa tokador ang maskarang hawak ko at hinubad ang suot na nighties.I prepared for him.Gabi gabi ko siyang hinihintay at minsan pakiramdam ko kaya ako nagiging malungkutin nitong mga nakaraang araw ay dahil bihira nalang kaming magsiping na mag asawa kahit gabi gabi naman kaming magkatabi sa iisang kama.

Binura ko lahat ng make up ko at walang ganang naghilamos.Huminga ako ng malalim habang tinititigan ang sarili sa salamin.Nandon parin ang likas na ganda pero walang kabuhay buhay ang mga mata ko.Hindi ko alam kung anong problema dahil wala naman akong dapat problemahin dahil mayaman ang asawa ko.I am well provided with everything that I need.Wala akong ginagastos at lahat ng gusto ko kaya kong bilhin.Pero obvious na obvious naman kung anong kulang.

Tatlong taon na kaming kasal pero nahihirapan akong mabuntis.Sabi niya okay lang naman daw pero nitong mga nakaraang araw,nagsisimula ko ng kuwestyunin kung okay lang ba talaga.

Isa pa ayaw niyang magtrabaho ako dahil hindi ko naman na daw kailangan.Nakatirik yong bahay namin sa gitna ng isang bachelor's village at lahat ng puwedeng gawin ay nandoon na.I can socialise if I want.Pero ayokong makisalamuha sa mga alta sosyedad na katulad nila.

Just like any cliche love story,I met him because he was an investor in the company that I am working with before.Nakasama ko siya ng matagal sa isang trip dahil ako yong ahente na ipinasama sa kanya.After that,we offically dated 6 months later he proposed to me.

Wala namang problema sa loob ng tatlong taon dahil maayos naman ang asawa ko.Maayos naman kami.Siguro.

Umalis ako sa harap ng salamin at nagtungo sa bar.Ayoko munang tumabi sa kanya.Baka bigla nalang akong pumatong sa kanya at mamaya magalit pa siya sa akin.

I pour a glass of wine while still thinking.I wonder what happened?What's happening?Anong nangyri sa dating masayang pagsasama?Hindi kaya unti unti na siyang nawawalan ng gana sa akin dahil hindi ko siya mabigyan ng anak?

Araw araw pumupuno ang isiping iyon sa akin.Araw araw,lalo na't mag isa,habang naghihintay na dumilim ,habang bored na bored na sa kung anong gagawin sa loob ng napakalaking bahay at wala akong kasama,habang unti unting tumataba at nakakalimutan ang sarili,ay maiisp ko siya.Kung mahal niya pa ba ako?Kung babalik pa ba kami sa dati?Kung niloloko niya ba ako?

One day I asked him if I can work.Matindi siyang tumanggi.I want a diversion.Hindi yong ganitong lagi akong masisiraan ng bait at wala akong ginagawa kundi mag overthink.Naging matinding away iyon at hindi siya umuwi ng ilang araw.

Napasabunot ako sa buhok at tumayo na para pumasok sa kuwarto.My husband is sound asleep.Sumandal ako sa hamba ng pinto at pinakatitigan ko siya.

"I miss you"

Pakiramdam ko magkasama nga kami pero malayo na ang loob namin sa isat isa.I cannot feel him.

Lumapit ako sa kanya at marahang hinaplos ang buhok niya.My love.My man.Hinalikan ko siya sa labi kahit tulog siya at inalala ang masasayang tagpo bago kami kinasal.Kung gaano kami ka sweet.Kung paanong hindi daw siya mabubuhay ng wala ako.

They said the only constant in the world is change.So are we.Pero siguro,kapag hindi na siya masyadong busy...babalik kami ulit sa dati.It is a hopeful cry inside me.Praying every night to God to bring back my old husband back.

Bumaba ang kamay ko sa katawan niya at humaplos doon.I tingled at the touch.Ganoon kabilis.I have needs .I need it now.

Ibang Kama(SSPG)Where stories live. Discover now