22

17.8K 121 8
                                    

Malakas ang ulan at panay ang text ko  kay Edward.Nagdahilan nalang ako na mahirap sumakay kaya ako nalate.Mabuti nalang din talaga umulan.

Naabutan ko siya sa  isang mart na usapan namin kung saan magkikita at agad siyang ngumiti ng mapansin ako.

"Come here,I'll keep you warm"

Agad siyang kumuha ng panyo para punasan ang ulo ko na nabasa ng ulan.

"I'm sorry"

"Shhh.Sana hindi ka ulit magkasakit at naulanan ka"

Natigilan ako.Naka puting loong sleeve ang asawa ko ngayon at halos lahat ng babaeng nadaan sa'min napapatingin sa kanya.He look so serious and intimidating.Pero napaka guwapo niya.

Magtigil ka Olivia.

Binuksan niya yong payong at masuyo akong hinila papunta sa sasakyan.Dahan dahan ang lakad ko dahil yong mga katas ni Lucas nasa loob ko pa at hindi ko na nahugasan iyon sa sobrang pagmamadali.

He manoeuvred the car and drove along the busy street while listening to my favourite music.

Charlie Puth's playlist.

Napangiti ako ng marealize iyon.

Nasa kotse niya parin ang nilagay kong mga stuff toy at ang lumang air freshener na kailangan ng palitan.Ang rosary na kulay blue na galing pa sa lola ko at ang pink na tali ko ng buhok na nakapaikot sa kambiyada.

"You did not remove those?"

"Why would I?"

Naisip ko yong kabit niya.

"Di'mo ba nililinis kotse mo?"Pabiro kong tanong.

"Nililinis.Those are not trash babe.It 's from you.Naalala ko na dapat akong magpatuloy sa pagiging mas better kasi nandiyan ka"

Napalunok ako at hindi na nagawang magsalita.

Pinagsalikop niya yong kamay namin habang yong isang braso niya ang may hawak sa manobela.

"Rest wife.Mukhang pagod ka.Gisingin kita kapag nandoon na tayo"

Hindi na ako nakipag talo at agad na ipinikit ang mata .Talagang pagod ako.Maghapon din akong ginamit at pinagsawaan ni Lucas.Kailangan ko ng lakas at kapag nagyaya si Edward mamaya ay alam kong hindi ako tatanggi.

---
Nagmulat ako sa mahinang tapik ni Edward.

"We're here wife"

Kinusot ko ang mata at napalinga sa paligid.Nawala yong antok ko ng marealize kung nasaan kami.Maliwanang ang paligid.Maraming christmas light.The restaurant  is made of bamboos and
the environment is very ethnic style.Maraming puno sa paligid at nasa itaas iyon ng magagandang burol ng tagaytay kung saan natatanaw ang dagat.

Dito kami madalas magtungo ni Lucas.

Tila gusto kong hilain ang kamay sa pagkakahawak ni Edward at ayain itong umuwi na.

Pero hindi ko naman puwedeng gawin iyon at ayaw kong pagdudahan niya ulit ako.Napansin kong madalas na nitong obserbahan yong mga kilos ko.

"D-dito tayo kakain?"

He smiled widely at me.

"Is it too amazing that you stutter?"

Gusto kong sabunutan yong sarili ko.

Hinila na ako ni Edward at wala na akong nagawa.Bahala na si Batman.

Pinagpapasalamat kong kunti lang ang tao.Binati kami ng ilang crew sa entrance at malawak ang ngiti ang ibinigay nila sa akin.

Isang batang crew na babae ang nag abot sa amin ng menu paglagpas namin ng  entrance.

"So glad,hindi na kayo mag isa ngayon mam"

Tumigil yong paghinga ko.

"Nakarating ka na dito?"Nangunot ang noo na tanong ni Edward.

"Baka napagkamalan lang ako"

Mabilis kong sagot para hindi na siya magtanong pa.

"Sorry wife,but I need to go to the comfort room a bit.Ikaw na ang maghanap ng table natin"

"No problem"

Lumapit ulit ang crew.

"Sa usual po ba mam?"

Tipid akong tumango.Sa usual means kung saan kami madalas pumuwesto ni Lucas.Nasa dulong bahagi iyon na hindi masyadong makita dahil may isang malaking poste ng kawayan ang nakaharang.

"Ano pong order niyo mam?"

"Yong lagi kong inoorder"

"Eh yong kasama niyo po?

"Parehas nalang din ng akin.Asawa ko naman siya"

Tila kinilig ang crew.

"Ay ang pogi naman pala ng asawa niyo mam.Akala ko talaga single kayo.Lagi kasi kayong seryoso pag napunta dito"

Nilapitan kami ni Edward at umupo sa harap ko.

"What's funny beautiful ladies?"

"Sabi niya ,guwapo ka daw"pabirong bulong ko kay Edward.

"Ah siguradong may tip ka mamaya"

Nagtawanan kaming tatlo.They serve our food and we spend the night talking about our life when we are still dating.Ang dmaing flash back at tawanan.

Alam kong kailangan kong pigilan.Alam kong hindi ko dapat makalimutan ang ginawa sa akin ni Edward.Pero aaminin kong masaya ako na nakikitang nag eefort siya para sa akin at unti unti ng bumabalik sa dati niyang sarili.

Ibang Kama(SSPG)Where stories live. Discover now