24

17.5K 108 8
                                    

Naghalikan kami ng matagal habang nagpapahinga. Nagkulitan pa kaming dalawa bago magbihis at gusto naming ituloy yong ibang round sa bahay at malapit narin naman kami doon.

Muling pinaandar ni Edward ang sasakyan at dahan dahan iyong bumaybay sa street ng village. Tahimik ang gabi at malamig ang simoy ng hangin. Mukhang kami nalang ang nasa labas.

Ito ang gusto ko sa village ng mga mayayaman. Bukod sa disiplinado ang mg tao, tahimik at bihira ang gulo, napaka peaceful at secure ng feeling kahit gabi na. At siyempre dito ko nakilala si Lucas.

Nakatanaw lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang paligid.

"Meron na palang bagong nakatira diyan"

Sinundan ng mata ko iyong bahay na itinuturo ni Edward at isa iyong two storey na modern house. Maganda ng bahay pero mukhang matagal ng napabayaan at inabanduna.Madalas namin itong madaanan dahil malapit lang ito sa amin. Isang kanto lang ang pagitan. Actually, natatanaw ko iyong rooftop at bubong nito mula sa second floor ng bahay. Lagi namin itong nadadaanan noon pero ngayon may mga ilaw na ito mas nakita na ang ganda nito kahit abandonado.

"Baka may nakabili na"
Komento ko.

"They should at least renovate it.Ang creepy"

Napatango tango ako. Lumang luma na kasi.Masukal na ang bakuran at ilang ligaw na damo na ang gumapang sa mangitim ngitim na pader dahil sa ulan.

"Matagal na mula nang mamatay yong dating may ari niyan.I heard he's a businessman who died due to a rare illness.Mula noon napabayaan na ang bahay. Good thing may titira na ulit"

Ilang bombilya na nga ang nakakabit doon. Meron na sa baba na kahit kukurap kurap pero maliwanag ang taas. Mukhang nagsisimula ng maglinis yong bagong may ari.

Nalagpasan namin yong bahay at lumipat ang usapan namin sa ibang bagay.

How I miss this. Having a pretty good conversation with Edward after a  wild night sex. Pag uusapan ang lahat ng bagay na madaanan namin. At pag uwi mag sesex lang kami magdamag .

How I miss him.

Pero alam kong kahit nagtatawanan kami ngayon at nagtatalik, malayo na kami sa dati.Parehas nang nagsawa at natikman ang katawan namin ng iba. Pareho na kaming may plano na maaring hindi na kasama ang bawat isa.Parehas kaming namihasa sa kasalanan. Parehas na nakiapid. At parehas na nabubuhay sa sikreto.

I wonder if this will ever end.

At iyon ang masakit.Kahit gaano kasarap balikan at maexperience ulit ang pagmamahal ni Edward, nandon yong parang nag plaplastikan lang kami.

Dahil sa bawat dampi ng halik at yakap niya sa akin, sa bawat "i love you",alam kong binibigay at ginagawa niya rin iyon sa kabit niya.

Na hindi niya alam na alam ko na.Na hindi niya alam na ginagawa ko rin iyon sa iba.

"Paano kapag dumating yong araw na magkahiwalay tayo, ano'ng gagawin mo?"

Tanong ko sa kanya habang nakahilig sa kanyang dibdib. Katatapos lang naming pagsaluhan ang pang-apat na  round namin. Agad kaming nagsimula ng makauwi sa bahay.

Hinalikan niya muna ako sa noo bago sumagot. Parehas kaming hubo't hubad sa ilalim ng kumot.Malamang nag iisip kung may pupuntahan pa ba ang kasal naming dalawa.

"Alam kong marami akong pagkukulang sa'yo. Alam kong may mga panahon na alam kong hindi ko na deserve maging asawa mo.I know I'm never enough. At natatakot akong iwan mo ako ng dahil doon."

Napalunok ako.Isa isang rumagasa yong sa isip ko lahat ng pagkukulang niya sa akin. Mga bagay na willing akong tiisin kung hindi ko lang siya nakitang nambabae.

" Yong... yong mga pagkukulang mo ba sa akin ... nasubukan mong ibigay sa iba dahil para sa'yo hindi na rin ako sapat?Pasensya na , pero iyon yong pakiramdam ko araw araw."

Sa wakas nagawa kong itanong sa kanya.

Lumalam yong mata niya at mas humigpit yong yakap niya sa akin.

"Hindi ka nagkulang, ako yong may problema. You're more than enough for me Olivia. Sobra sobra pa sa kailangan ko at hiniling ko. May mga bagay lang talaga na hindi ko masabi sa'yo dahil natatakot akong iwan mo ako kapag nalaman mo yong totoo"

" Pero asawa mo ako"

Pinigilan ko ang panginginig ng boses dahil pinangako kong hindi na dapat ako naapektuhan ng mga ito.

" At natatakot akong mawala ka Olivia. Kapag nalaman mo ang totoo tungkol sa pagkatao ko baka iwan at kamuhian ko. Baka hindi mo ako matanggap. Kaya ginagawa ko ang lahat para magbago at bumalik sa'yo. "

Nagsimula akong maalarma. Ilang luha ang pumatak sa mata ni Edward at ang lungkot lungkot niya.

" Kahit anong mangyari, hindi ako papayag na mawala ka sa akin. Please give me more time"

" A-ano bang problema Edward? May sakit ka ba?"






Ibang Kama(SSPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon