28

17.1K 229 57
                                    

Nagising ako at nandito na ako sa bahay. Nakahiga ako sa sofa habang si Edward naman ay nakasalampak sa sahig , humihikbi.

Since when did my husband learn to cry?

Gumagalaw ang mga balikat nito at puno ng paghihinagpis na naka tingin lang sa akin.

Ano'ng nangyari?

Ilang sandalimg hindi ko alam ang gagawin.Kung aalamin ko ba muna ang nangyari o kung aaluin ang asawa ko.

"Olivia.."

Namumutla ang mata nito at kahit anong pigil ay hindi nito mapigilang umiyak.Hindi ko gusto yong nakikita kong emosyon sa mata niya.

"Olivia it's all my fault"

Napakurap kurap ako at nagsimulang magtaka.

"Ano'ng nangyari Edward?..."

Napakagat ito ng labi at sunod sunod na namn ang pagbagsak ng luha.Lumuhod ito sa harap ko at sumubsob sa nakatiklop kong tuhod.

Sinubukan kong haplusin yong likod niya pero agad ding natigilan.

"Hubby?"

"I'm sorry... I'm sorry.I never wanted to cheat but I had needs "

Nabura lahat ng kalituhan sa mukha ko at nagseryoso. Alam na niyang alam ko ng may babae siya.

"Needs? Na kaya kong ibigay pero tinatanggihan mo?"

Tuluyang lumamig  'yong boses ko. Naging patuya.Naalala ko na naman ang lahat.Isa isang rumagasa lahat ng tagpo sa opisina niya.Nagsimula narin akong umiyak.

"Tinuring mong aso yong asawa mo na walang ibang ginawa kundi ang mahalin at alagaan ka. Paano mo nagawa sa akin iyon? Paanong... paano.. N-nakapakahayop mo Edward! "

" Olivia.. Im so so sorry... "

" That's why  you do not deserve me Edward! Hindi ko deserve lahat ng ginagawa mo sa akin. I did everything.. Hindi ko alam.. hindi ko alam kung anong mali sa akin at nagawa mo akong lokohin.Bakit... Bakit?! "

" Nangako ka .. sa altar.. sa harap ng diyos..na  namamahalin mo ako..Na aalagaan . Na hindi mo ako sasaktan...Na hindi mo ako iiwan. Bakit hindi mo napanindigan? Alam mo ba kung gaano kasakit sa pakiramdam na iniwan mo ako sa ere kung kailan kita pinaka kailangan? Alam mo ba kung gaano kasakit.. na matulog sa gabi ng mag isa, kung paano mabaliw ng mag isa .... kung paano magluksa ng mag isa?"

Gusto ko.. Gusto kong ilabas lahat ng frustrations at galit sa asawa ko. Gusto kong saktan siya at ipamukha kung gaano siya kawalang kuwenta pero napaiyak nalang ako.

" I was frustrated too when you gave birth into a dead child. I was so frustrated I wanted to kill myself... "

" At imbes  na damayan mo ako  mas pinili mo akong babuyin at mambabae ganon ba?! Na habang pinipilit kong pagtagpuin yong isip ko mas lalo mo akong itinulak . Ang sakit sakit Edward! Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit dahil walang tutumbas na kahit anong kirot sa naramdaman ko! Araw araw namamatay yong katinuan ko at hinayaan mong mangyari iyon! Pinabayaan mo ako! "

Wala na akong makita sa sobrang pag iyak. Lahat ng sakit na naramdaman ko nitong mga nakaraang araw ay nagsisimula na namang gumapang sa bawat himaymay ng pagkatao ko.

"Pinabayaan mo ako! Kailangan kita! Alam mong kailanga kita!Halos magmakaawa ako sayo!"

My husband is crying the same time as me. Two train wrecks in a broken bridge, seeking comfort that will never be there.

He look so miserable. Kitang kita ko sa mata niya ang pagsisi. He keep non of his promises.He failed me.

"I am sick as you Olivia.. I am a sadist. Nagawa kong lahat ng iyon dahil ayaw kitang masaktan. My sanity is also slipping away from me. When our angel died , I lost myself. Hindi ko.. hindi ko naiintindihan yong nangyayari sa akin. Akala ko .. akala ko magaling na ako.. Akala ko hindi na ako babalik sa dati. I am triggered. I end up hurting other people than killing myself. I end up hurting you. I just.. just want to protect you from me. I want you to hate me.I want you to stay  away from me just so you could be safe. Just so I couldn't touch and hurt you.. "

Ibang Kama(SSPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon