14

21.2K 104 2
                                    

Natapos yong tawag at itinapon ko yong cellphone sa pader at nagkanda durog durog iyon.Something inside me died at pagod na pagod yong pakiramdam ko.Pero kailangan kong tumayo at maligo.Nang makita ko yong hitsura ko sa salamin ay naaawa ako sa sarili ko.

"Hang on there Olivia.Masyadong mabilis ang mga pangyayari pero kailangan mong maging malakas at mag adjust agad.Hindi puwedeng ikaw ang talo pagkatapos ng lahat ng ito"

Inayos ko yong sarili ko para kay Edward gaya ng dati.Naligo ako at nag make up at nagsuot ng magandang damit.But the goal is way different now.

Kinamumuhian ko siya at yong babae niya at hiling ko ang karma para sa kanilang dalawa.Handa kong kimkimin ang sama ng loob at magpanggap na parang wala lang kahit napaka hirap.

Wala pa akong ipon.Wala akong masasabi na sarili kong akin.I know sooner or later Edward will ask for an annulment.Kailangan nakapag ipon na ako bago mangyari iyon.

Kailangan ko ng seryosohin ang pag iinvest at pag nenegosyo kahit maliit lang.Kailangan ko ng magpagawa ng secret bank account.Kailangan ko lang kunting panahon.Hindi ako aalis dito ng walang pakinabang sa lahat ng pasakit na nararanasan ko.Hindi ako aalis na busabos at kawawa.

Mautak si Edward.Masinop sa pera at kung sakaling maghihiwalay kami,nakikinita ko ng wala akong mahihita sa kanya lalo na kapag nagsampa ako ng kaso at malagay sa kahihiyan yong pangalan niya.At kahit galit na galit ay kailangan kong kastiguhin ang sarili ko na gawin nalang iyon kapag handa na akong umalis.

Hahayaan ko siyang magmukhang matalino dahil iniisip niyang naloloko niya parin ako.If that feed his pried,go.Muli akong tumingin sa salamin at kinukumbinse ko yong sarili kong huwag munang mabaliw dahil kailangan ko pa ng kaunting katinuan para makaalis dito.

Kahit ang sakit sakit sakit na.

Bumukas yong main door at nakita ko siyang pumasok doon.Nasa kusina ako at umiinom ng tubig.

Muli akong naiyak ng pumasok yong hindi mamatay matay na eksena sa isip ko.Seeing him made my stomach churn.Sumipa yong galit.Yong sama ng loob .Yong sakit.Pero nilunok ko lahat iyon at nagpahid ng luha.

"Hon?"

Hindi ko siya sinalubong tulad ng lagi kong ginagawa.Kung dati ay excited ako ngayon naman ay ayaw ko na siyang makita.Hindi ako makapag antay na dumating ulit yong umaga para umalis na siya.May dala siyang chicken wings mula sa paborito naming restaurant at hinahanap niya ako sa sala.

"Honey?"

"Im here"

Lumingon siya sa direksyon ko at ngumiti.He look delighted today.Wala akong pakialam.

Agad niya akong nilapitan at niyakap.Nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ako nag react.

"Gutom ka na ba?Nag antay ka ba ng matagal?"

Fuck you Edward.

Pasimple akong umiling at hindi ko na alam kung papaano kikilos sa harap niya.Naiiyak na ako.Sobrang nanakit yong lalamunan ko sa sobrang pagpipigil.

Nag aalalang naibaba niya yong dala sa lamesa at nilapitan ako.

"You okay?"

Bakit ngayon ay tila may pakialam siya at bahagyang nagkakulay yong mata niya.Nag effort din siyag bumili ng ulam.Hindi kaya naramdaman niyang nakita ko siya kanina na nakikipagkantutan sa kabit niya.Dumagdag iyon sa pasakit na nararamadaman ko.

Hinawakan niya yong pisngi ko at ihinarap ang muka ko sa kanya.

"You okay?May sakit ka ba?"

Inilapat niya yong palad sa noo ko .

"May sakit ka nga"

Pasimple kong iniwas yong mukha ko dahil nandidiri ako sa kanya.

"I'll rest now im sorry.Nahihilo ako"

Kinontrol ko ang panginginig ng boses at tumalikod na bago ako mag break down sa harap niya.Tang ina galit na galit ako.Tuloy tuloy yong pag agos ng luha ko habang naglalakad palayo at alam kong hindi ko iyon puwedeng ipakita.

Gusto ko siyang murahin at duraan sa mukha pero kailangan kong pigilan.

Bakit ganito lord?

Deserve ko ba ito?

Nakarating ako sa kuwarto naming mag asawa at binalot ang sarili ko sa kumot.Ngayon alam kong talagang mag isa nalang ako.

Ibang Kama(SSPG)Where stories live. Discover now