15

8K 266 34
                                    

Pagbukas ni Kendra ng pinto, ngumiti siya nang makita si Major na tinakpan ang mukha gamit ang bouquet ng bulaklak na dala nito. Hawak din nito ang kahon ng pizza at plastic galing sa isang sikat na convenience store.

Kinuha niya ang bulaklak at niyakap iyon. Malapad namang ngumiti si Major. "Miss kita, bebu."

"Ako rin," ani Kendra at niluwagan ang pinto para papasukin ito. "Buti hindi ka na-traffic. I thought you'l—"

Hindi na natapos ni Kendra ang sasabihin nang basta na lang siyang yakapin ni Major mula sa likuran at tinulak nito ang pinto. Hinalikan nito ang balikat niya at tahimik na humigpit ang yakap.

"Na-miss kita, sobra," bulong ni Major. Kinuha nito ang bulaklak mula sa kaniya bago humiwalay. "Nakapili ka na ba ng movie?"

Imbes na sumagot, muling niyakap ni Kendra si Major at tumingala para halikan ang gilid ng labi nito. Dalawang linggo silang hindi nagkita dahil busy ito sa recording nitong mga nakaraan bukod pa sa mga out of town gigs na pinuntahan.

"I missed you," Kendra pouted and tightened her hug. "Thanks for coming here, baby."

Major kissed Kendra's forehead and chuckled. "Ikaw lang naman ang hindi nagpapapunta sa 'kin dito. Sabi ko nga, titira na 'ko rito, eh," he joked.

"Impossible," Kendra rolled her eyes. "Wala pa akong movie na napipili though."

Naningkit ang mga mata ni Major at nagsalubong pa ang kilay. "Sino ba kasi ang nagsabi na manonood tayo ng movie?" anito at ngumisi. "Walang movie."

Kendra gasped when Major kissed her lips without warning. She immediately kissed back until they found themselves under the sheet, making love. The entire room was well lit and nobody cared about the light.

Major buried his face in Kendra's neck while gasping for air when he felt his girlfriend brush his hair using her fingertips. He even felt Kendra's lips on his forehead.

"Movie, ha?" Kendra breathed and shut her eyes. "Kahit kailan, hindi ka tumupad sa usapan."

Mahinang natawa si Major at ginamit ang dalawang kamay para iangat ang sarili. Tinitigan niya si Kendra na nakapikit bago ito hinalikan sa tungki ng ilong papunta sa pisngi. Pinagdikit niya ang noo nilang dalawa.

Kendra cupped Major's face using both her hands and kissed his lips. Pinanggigilan din niya ang pisngi nito.

"Get up, baby," Kendra pushed Major's chest. "Malamig na 'yong pizza natin and we really should watch a movie. You promised."

Major smiled and kissed Kendra's cheek one last time before getting up. Suot pa rin niya ang pantalon na bahagyang nakababa. Tinanggal niya ang proteksyong ginamit nila, binalot iyon ng tissue, at tinapon sa basurahan sa comfort room.

They were always careful and practiced safe sex. Ayaw nilang matulad kay Forest na maagang naging ama.

Paglabas ni Major ng bathroom ng condo ni Kendra, naabutan niya itong nakahiga pa rin sa kama hawak ang remote at naghahanap ng mapanonood nila. Kinuha naman niya ang t-shirt na nasa gilid ng kama at isinuot iyon.

"Ayaw mo talagang manood ng live?" Binuksan ni Major ang pizza para i-microwave.

"I don't want," Kendra murmured. "Livestream na lang ako, babe, tapos bawi na lang ako 'pag nagpunta ka here sa condo after."

Mahinang natawa si Major dahil kahit kailan, simula nang maging sila isang taon na ang makalilipas, never nanood ng live si Kendra. Bukod kasi sa ayaw nitong makita silang magkasama, hindi ito mahilig sa matataong lugar.

Bigla niyang naalala kung paano sila nagkakilala.

"Babe, naalala mo ba noong una mo 'kong makita?" nakangiting tanong ni Major. "Ako naalala ko pa rin."

Ngumuso si Kenda at umiling. "Ayaw kong maalala. Nakakahiya."

Tumayo si Kendra at pumasok sa bathroom. Ngumiti si Major dahil naalala niya pa rin ang araw na iyon kahit na mahigit dalawang taon na ang nakalilipas. Halos isang taon niya ring niligawan si Kendra bago siya nito sinagot.

Ayaw siyang makarelasyon dahil kilala siya, pero pinagtyagaan niya. He wanted her . . . so bad.

"Why are you smiling?" Kendra frowned while staring at Major.

"Wala. Naalala ko nga kasi 'yong first meeting natin," aniya at ngumiti.

Mahinang hinampas ni Kendra ang braso niya bago ito bumaliks sa kama at nag-indian sit. Nakaharap ito sa phone bago ibinalik ang atensyon sa kaniya dahil nakangiti pa rin siya.

"It's embarrassing, but at least I met you," Kendra smiled widely and laughed. "Grabe that night talaga. I can still remember na hindi ako makahinga dahil sa siksikan ng tao tapos I entered your car randomly to get away from everyone."

Natawa rin si Major nang maalala ang gulat. "Nagulat pa ako kung sino ka," humalakhak siya. "Akala ko stalker."

"Feeling!" Kendra squealed. "If it weren't for that suffocating crowd because of Ate Majuri, I wouldn't do that!"

"Buti na lang ginawa mo." Hinalikan ni Major ang noo ni Kendra at ibinaba ang pinggan na mayroong pizza sa bed table. "At least ngayon, bebu na kita."

Sandali siyang tinitigan ni Kendra. "What if that didn't happen?"

"Eh 'di malas ko walang Kendra," sagot niya.


T H E X W H Y S

Flexed (Fireplay #1)Where stories live. Discover now