95

4.5K 185 22
                                    

Nagmadaling haluin ni Kendra ang niluto niyang instant noodles nang mag-message si Major na nasa elevator na ito at na magkita na lang sila rooftop dahil doon na ito didiretso.

Isinalin niya iyon sa container na mayroong takip at binibitbit ang plastic ng convenience store na mayroong lamang softdrinks at sliced bread para sa kanilang dalawa.

Pagbukas ng elevator, kaagad na lumingon si Major at lakad-takbong lumapit kay Kendra para kunin ang bitbit nito.

"Hi," Kendra greeted in a low voice. "Thank you for being here."

Tipid na ngumiti si Major at tumango. Tinuro nito ang bakanteng lamesang mayroong dalawang upuan sa tapat ng swimming pool. Walang tao, sila lang . . . kaya makapag-uusap sila nang maayos.

Binuksan ni Kendra ang container, si Major naman ang nagbukas ng softdrink na naka-in can.

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila. Si Kendra ang unang kumain at pinaypayan ang bibig dahil maanghang. Binigyan naman siya ni Major ng sliced bread at mahinang natawa bago sumubo ng noodles.

"Nakakatampo ka," basag ni Major sa katahimikan. "Ang sakit nung break up sa text, ha? Nakakaiyak."

Mahinang natawa si Kendra. "Sorry."

"Hindi okay!" Umiling si Major. "Ang sakit, eh. Wala akong magawa. Gustuhin man kitang puntahan, malayo ka. Gusto kitang tawagan, naisip ko naman na baka ayaw mo lang akong kausap."

"Gusto ko," nanginig ang baba ni Kendra. "I wanted to, but I couldn't. Hindi ko magawa that time."

Hindi sumagot si Major at tumingin sa kawalan.

Matagal namang tinitigan ni Kendra si Major dahil miss na miss niya ito. Sa halos isang buwan, ito na ang pinakamalapit nila physically. Ito na rin ang pinakamatagal niyang natitigan ito at wala nang lumalabas na salita sa kaniya, kahit na sinubukan niyang mag-rehearse.

"Major, I'm really sorry about the breakup," Kendra looked down and shook her head. "It was stupid of me, and I wish . . . I could've done better."

Major chuckled. "Kahit anong fancy nung break up, hindi siya better kasi ayoko sana, pero hindi naman natin puwedeng ipilit. Over text, call, or personal, pare-parehong masakit."

Kendra rested her back on the dining chair and scraped her lower lip using her teeth.

"Mahal kita, eh," dagdag ni Major. "Sobra."

Bumagsak ang luha ni Kendra at agad niya iyong pinunasan gamit ang dulo ng manggas ng hoodie niya. Malalim siyang huminga at tumingin sa city lights na nasa gilid nila.

Mabigat ang bawat paghinga niya nang lumebel si Major sa kaniya. Malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya at bumagsak ang luhang namuo sa magkabilang mga mata nito.

"Sorry," Kendra sobbed and stared at Major. "Sorry kasi I wasn't honest, na pumasok ako sa relationship kahit na . . . kahit na . . ."

Umiling si Major at pinunasan ang luha ni Kendra. "Wala na rin tayong magagawa, eh. But a question, do you still want me?"

Kendra's chin vibrated and she gave Major a subtle nod. "I . . . want us, but I made a promise sa parents ko na hindi ko na sila susuwayin and that I won't break the trust again. I'm s-sorry."

"Okay lang, mas mabuti 'yon," sagot ni Major at tinanggal ang buhok na nakaharang sa mukha ni Kendra. "Kung gusto mo pa rin tayo, kasi ako oo . . . gustong-gusto."

Natawa si Kendra ngunit napalitan iyon ng hagulhol.

"Kung gusto pa rin natin, itama na lang natin."

Kendra frowned. "W-What do you mean?"

"This time, I'll formally court you. Kakausapin ko ang parents mo that I am serious about you, about the possibility of us." Ngumiti si Major at hinalikan ang noo ni Kendra. "This time, I'll ask for your parents' permission and work hard for you."

"M-Major."

Tumayo si Major at naupo muli dining chair. Inabot niya ang sliced bread kay Kendra. "Para hindi na sila magalit sa 'yo. If they declined, I would understand but I will still try. Mahal ko, eh."

"W-What if my papa says no?" Kendra nervously asked.

Major breathed. "Susubukan ko pa rin. Kung kinakailangan kong magpunta sa probinsya n'yo, gagawin ko."

"Are you sure?" Kendra asked.

"Oo naman," Major nodded. "Kelan ka ba babalik sa probinsya? Sasabay ako, puwede tayong magsama ng iba para hindi magalit ang parents mo. I wanna talk to them."

Kendra smiled and looked down. "Sa weekend, babalik ako kasi anniversary ng parents ko, magkakaroon kami ng family dinner. G-Gusto mo bang sumama?"

Muling tumango si Major. "Sige, sasama ako."


T H E X W H Y S

Flexed (Fireplay #1)Where stories live. Discover now