32

5.3K 208 49
                                    

Linggo na at kagigising lang ni Major. Naamoy niya ang pancake na niluluto ni Kendra. Simula huwebes, hindi na siya umalis at nag-stay lang kasama ng girlfriend niya.

Medyo nagkaroon sila ng tampuhan kahapon dahil pinabura nito ang pinost niyang picture. Hindi naman kita ang mukha, pero para matapos na rin, binura na niya.

Madalas namang ganoon.

"Good afternoon, love," bati ni Kendra nang makitang gising na si Major. "It's three na."

Umaga na sila nakatulog dahil mayroon silang short series na tinapos dahil malamang na matagal na namang masusundan ang panonood nila kung sakali man.

Kailangan na rin niyang umuwi mamayang gabi dahil may pasok na sila kinabukasan. Isa pa, mag-aaral na si Kendra sa gabi kaya hindi na siya puwede roon. Alam nilang pareho na walang matatapos.

Babangon na sana si Major nang mapatitig sa nakabukas na laptop ni Kendra. Naka-bukas ang iMessage at nakabukas ang conversation kasama si Kerynne.

Hindi niya binasa, pero napako ang tingin niya sa iMessage nito at full name iyon. Mababaw man, pero parang nanikip ang dibdib niya dahil doon.

He knew that Kendra wasn't vocal publicly about them, pero simpleng pangalan niya sa contacts nito, parang wala pa ring connection sa kanila.

Tumayo na siya at pumasok sa bathroom para maligo. Dinaanan niya si Kendra na nagluluto at mamaya na ito tatanungin tungkol doon.

Samantalang napansin ni Kendra ang pag-iwas ni Major at hindi niya alam kung bakit. Kinuha niya ang laptop niyang nasa kama at binasa ang messages ni Kerynne. Mukhang nag-e-enjoy ito sa sariling getaway ngayon weekend.

Nag-message rin siya sa mga magulang niya para magpasalamat sa allowance na ipinadala ng mga ito. Sa probinsya nakatira ang parents niya at parehong doktor sa lugar.

Nag-iisang anak siya at ipinagpasalamat niyang hindi siya pinilit na kumuha ng kursong medical. Hindi niya iyon gusto. Mas gusto niya ang literature kaya iyon ang kinuha niya.

Ipinagpasalamat din ni Kendra na pinayagan siya ng parents niya na mag-aral sa Metro dahil mahigpit ang mga ito sa kaniya . . . sa isang kondisyon. Hindi siya puwedeng magkaroon ng boyfriend.

Iyon ang dahilan kung bakit mas pinipili niyang maging tahimik at tago ang relasyon nila ni Major ngunit hindi niya masabi ang rason. Sinasabi niyang gusto niya lang ng privacy.

Bukod sa mga magulang niya, maraming supporters ang Fireplay na paniguradong hindi matutuwa kapag nakilala siya. Nakita na niya iyon sa sitwasyon ng naging girlfriend ni Zero at Forest.

Natapos nang magluto si Kendra ng pancake, hindi pa rin tapos maligo si Major. Hindi niya alam kung kailan ulit sila magkakaroon ng time sa isa't isa, kaya sinulit niya ang buong weekend na kasama ito.

Inayos na rin muna ni Kendra ang kama ang living area para kapag umalis na si Major, magsisimula na siyang mag-aral na hindi niya nagawa buong weekend.

Bumukas ang pinto ng bathroom at nilingon niya si Major. Nakasuot lang ito ng jogger pants at walang pang-itaas habang tinutuyo ang buhok. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok papunta sa katawan nito.

"What's your schedule sa mga susunod?" tanong ni Kendra kay Major. "Aside from gigs, ha?"

"More on practice," sagot ni Major habang naka-focus sa phone. "May exams ako sa mga susunod kaya kailangan ko ring tapusin 'yon."

Tumango si Kendra at nagpatuloy sa ginagawa. Inayos niya ang bag ni Major na mayroong mga damit na ginamit nito sa pag-stay ng weekend.

"Kain na tayo?" Kendra smiled. "Pancake lang ang niluto ko, but I ordered baked mac from the cafè."

Naupo si Major nang hindi nagsasalita. Nagsalin ito ng juice at inabot kay Kendra. Naglagay na rin ito ng butter sa pancake nilang dalawa ngunit nanatiling tahimik.

Tumingin si Kendra sa digital clock na nasa bedside table niya. It was past four.

Nakakadalawang pancake na si Major, pero tahimik pa rin ito. Kendra was observing and thinking what she did wrong. Hindi siya sanay na tahimik si Major dahil makwento ito kahit na sa ano mang sitwasyon.

Ibinaba niya ang tinidor at hinarap si Major. "Love, something wrong?"

Major shook his head. "Wala, bebu," anito ngunit mababa ang boses. "Sarap nitong pancake, ah. Ayos."

Ngumiti si Major, pero alam ni Kendra sa sarili niyang mayroong hindi tama. Nagpatuloy siya sa pagkain at hanggang sa matapos nanatili silang tahimik. Nagprisinta na si Major na maglinis ng kusina at hinayaan naman niya ito.

Nakaharap si Kendra sa laptop at nakaupo sa kama nang tumabi si Major. Nilipat nito ang palabas ngunit nanatiling tahimik.

Kendra didn't know what to do. Should I ask?

. . . but didn't.

Instead, she tweeted.

A minute later, Major stood up. "Alis na 'ko, bebu," anito at hinalikan ang noo niya.

"Love, everything okay?" Kendra asked. "Why ikaw tahimik?"

Major stared at her for a second and scraped his lower lip using his teeth. "Bakit full name ko 'yong nasa contacts mo, Kendra?"

Nagulat si Kendra sa pagkakatawag ni Major sa pangalan niya. Mababa ang boses nito, pero may lungkot. Hawak nito ang backpack habang naghihintay sa sagot niya, pero hindi niya magawang magsalita.

Ngumiti si Major at lumapit sa kaniya. Hinalikan nito ang pisngi niya. "Alis na ako para makapag-aral ka. Mag-message na lang ako 'pag nakauwi na 'ko," anito bago humalik sa noo niya.

Bago pa man makapagsalita si Kendra, nakalabas na si Major ng condo. Nakagat niya ang ibabang labi habang nakatitig sa pintong nilabasan nito saka lang niya naproseso ang tanong.

Naupo siya sa gilid ng kama at tiningnan ang contacts niya. Full name naman talaga ang gamit niya sa lahat at hindi niya inasahang magiging big deal iyon kay Major.

Hindi rin niya alam na first time iyong makita ni Major dahil umpisa pa lang naman, kakikilala pa lang nila, iyon na ang pangalan nito sa contacts niya.

Bigla niyang naalala na never hinawakan ni Major ang phone niya kahit na magkasama sila.

. . . but was it a big deal?


T H E X W H Y S

Flexed (Fireplay #1)Where stories live. Discover now