125

4.8K 161 38
                                    

Pasimpleng tiningnan ni Kendra si Major na nakikipaglaro kay Rain habang busy ang lahat sa pag-ayos ng dinner. Nag-order ito ng doll house sa kaibigan ng ate nito at iyon ang ibinigay sa anak nina Forest at Jessain.

Kumpleto ang magkakaibigan at kasama rin nila si Kerynne na naging ka-close na ng mga ito. Nakasundo si Harley sa kalokohan, nakasundo naman si Zayna sa fashion.

Naupo si Jessain sa tabi niya at inabutan siya ng nachos. "Baka naman after graduation, sumunod kayo ni Major? Pakibilis, ang layo na ng agwat ni Rain sa magiging mga anak ninyo."

"Hindi pa, uy!" Umiling si Kendra. "Wala pa sa plano namin 'yan. Gusto muna naming mag-travel or focus sa careers. We don't know yet."

"May point nga naman," sagot ni Jessain. "Maganda rin 'yong sitwasyon n'yo ngayon. Legal na sa lahat. Natatawa nga kami ni Zayna, e."

Narinig ni Zayna ang pangalan nito kaya agad na lumingon sa kanila. Lumapit na rin sina Harley at Kerynne para sumali sa usapan.

"Natatawa kami sa parteng kung kailan wala kayong label, ang lakas n'yong i-flex ang isa't isa sa social media. This time, nagpo-post ka na, samantalang noon, wala talaga," ani Zayna at umiling. "Grabe na rin mag-post si Major kaya pinuputakti ng mga replies."

Kumportableng sumandal si Kendra sa sofang inuupan nila. "Malaking factor siguro na legal na sa parents ko? Noon kasi iyon naman ang kinatatakot ko, eh. Ngayon, kahit na wala kaming label at least alam namin na kami lang."

"'Yan ang sana all," sagot ni Harley at umiling. Nilingon nito si Zero na nakikipagkwentuhan sa ibang kaibigan bago ibinalik ang tingin sa kanila. "Nagsasawa na 'ko."

Nagulat si Kendra sa sinabi ni Harley. Nagkatinginan silang lahat ngunit nanatiling tahimik,

"Isang araw, alam kong iiwanan namin ang isa't isa," dagdag ni Harley. "Pareho naming hindi kasama ang bawat isa sa pangarap o goals."

"B-Bakit?" tanong ni Jessain. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Tumaas ang dalawang balikat ni Harley bago uminom ng juice. Bawal ang alak dahil kasama pa nila si Rain.

"Iba ng goals niya, iba rin ang goals ko. Hindi kami nagme-meet halfway and that is okay!" Harley shrugged. "Kung ayaw namin, eh 'di don't."

Kendra didn't know what to say, so she remained silent. Maraming naging tanong si Zayna at Jessain, pero mas pinili niyang makinig. Kung tutuusin, nasabi niya iyon kay Major na hindi niya alam kung paano ba nagsimula ang dalawa dahil magkaibang magkaiba.

"Kenken." Kinuha ni Harley ang atensyon ni Kendra. "Rooting ako sa relasyon n'yo ni Major. Sana this time, kayo pa rin . . . at kayo lang. Sana 'wag kayong maghihiwalay kasi iiyak talaga ako."

Mahinang natawa si Kendra. "I hoping din 'cos," nilingon niya si Major na busy pa rin sa pagbuo ng doll house kasama sina Rain at Forest, "I love him."

"Mahal na mahal ka rin naman niyan kaya quits lang," sagot ni Zayna. "Rooting ako para sa 'ting lahat at kahit ano man ang mangyari, maging endgame man tayo ng mga lalaking 'yan o hindi, fireslay is fireslay."

"Kahit hindi ako member ng fireslay, friend n'yo pa rin naman ako, right?" Kerynne pouted.

Zayne frowned. "Gaga! Malamang. Friendship goals tayo rito regardless if girlfriend pa rin like me, ex-girlfriend like Jessain, future girlfriend like Kendra, medyo girlfriend like Harley, or friend ng girlfriends . . ."

Ngumiti si Kendra at natuwang magkakaibigan ang mga kaibigan niya dahil pareho sila ni Kerynne na walang masyadong kaibigan dahil silang dalawa lang ang madalas na magkasama noon.

"Feeling ko ready na maging daddy 'tong si Major," ani Zayna. "Cute na cute kay Rain, e."

Natawa si Jessain. "Hoy, simula baby si Rain, close na 'yang dalawa."

"Mahilig kasi si Major sa bata 'cos bunso, gusto niyang may inaalagaan," sabi naman ni Kendra. "But for us, baka matagal pa kami. We're planning to tour after graduation, kapag kami na ulit," ngumiti siya, "and we're planning to pursue careers. Siyempre Major sa pagbabanda, ako I'm planning to open a business. Ayokong mag-work."

"Same," Jessain agreed.

"Same na same," Zayna uttered. "Might as well use my family's connection."

"Ako rin. Gusto ko magbukas ng salon," sabi naman ni Kerynne. "Or spa, bahala na. Depende sa budget!"

Nanlaki ang mga mata ni Zayna. "What if . . . tara! Gusto ko rin."

"Hoy, mag-open pala kami ng restaurant soon ng bestfriend ko! Syempre dapat kakain kayo don weekly para may kita ako, 'di ba?" natatawang sabi ni Harley. "Baka in three months, mag-open na kami. Nasa planning stage na!"


Samantalang seryosong inaayos ni Major ang bedframe para sa doll house ni Rain nang kunin ni Forest ang atensyon niya. Seryoso itong nakatingin at mukhang mayroong gustong itanong.

"Ano 'yan?" tanong ni Major.

"Wala. Malapit na graduation, magiging kayo na ba ulit? Parang kayo naman, wala lang kayong label," pagbibiro ni Forest.

Mahinang natawa si Major. "Basta mahal namin ang isa't isa, hinihintay lang namin ang graduation para bebu ko na ulit."

"Nahirapan ka ba?"

"More on natakot na nalungkot na dumating kami sa puntong kailangang naming maghiwalay, pero na-realize ko naman na mas okay na rin kaysa mas mawalan ng trust 'yong parents ni kenken sa amin. Mas mahirap i-gain 'yon," sagot ni Major. Nilingon niya si Kendra na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan nito. "Basta kami pa rin."

Hindi na sumagot si Forest kaya tiningnan niya ulit ito at nahuling nakatingin kay Jessain bago yumuko at hinalikan ang pisngi ng anak.

Gustong magtanong ni Major, pero hindi niya magawa dahil kasama nila si Rain. Nakakaintindi na ito at hindi na sila basta puwedeng mag-usap tungkol sa relasyon ng dalawa. Matagal na niyang kaibigan ang mga ito dahil nanliligaw pa lang si Forest, present na silang lahat.

"Bahala na sa mga susunod," sabi na lang ni Major. "Kung ano man mangyari sa 'ting lahat, suporta lang. Puwera na lang kung mambababae. Ekis."

Natawa si Forest. "Asa ka. Wala namang babaero sa grupo."


T H E X W H Y S

Flexed (Fireplay #1)Where stories live. Discover now