85

4.4K 157 22
                                    

It had been three weeks since Kendra broke up with Major, but no words yet. Walang mukhang maiharap si Kendra kaya naman gustuhin man niyang kausapin ito, hindi niya magawa. Isa pa, iniisip niya ang mga magulang niya.

Nasa cafeteria sila ni Kerynne para mag-lunch. Wala siyang ganang kumain kaya simpleng soup lang ang kinuha niya.

Sapo ng palad niya ang baba niya nang bumukas ang pinto ng cafeteria at pumasok doon si Forest at Kio na nag-uusap kasunod si Major na nakayukong naglalakad habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalong suot.

Samantalang nahuli ni Kerynne kung paanong sundan ng tingin ni Kendra si Major. Huminga siya nang malalim at hinarap ang bestfriend niya.

"Nagkausap na ba kayo?" tanong ni Kerynne kay Kendra.

Umiling si Kendra at nanatiling nakatingin sa soup habang hinahalo iyon. "Hindi pa. I can't even face him. I tried sending him messages, pero . . . hindi ko ma-send."

"Hindi ka pa rin nagkukuwento tungkol sa nangyari," ani Kerynne. "Ano bang nangyari sa probinsya? Ano'ng sabi ng parents mo?"

Kendra bit her lower lip and gazed at Major, who was smiling with his friends. Na-miss niya ito, sobra, lalo na kapag malakas na natatawa sa tuwing magkasama sila. Kahit na ang messages nitong halos oras-oras ay hinahanap-hanap na niya.

Yumuko siya at hinayaan ang pagbagsak ng luha niya. Hindi siya tumingin kay Kerynne para hindi nito makita ang pag-iyak niya dahil alam niya sa sarili niyang kasalanan niya ang lahat.

"Nalaman kasi ni papa sa secretary niya dahil 'yong anak pala, fan ng Fireplay. She asked papa if he's aware that I am dating Major," Kendra forced at smile. "Of course, he didn't. Then he immediately called mama asking if may alam ba . . . siyempre hindi rin."

Kerynne was listening to Kendra. Kahit na nakayuko ito, alam niyang umiiyak ito base sa boses. Pinili niyang makinig.

"Kaya she called me right away and asked me to come home kasi na-highblood si papa," dagdag ni Kendra. "He's mad that I broke the promise, the trust, and that I lied lots of times dahil ilang beses na niya akong tinanong noon, I said no. Kami pa ni Rustan noon, he's already asking if someone's courting me and I kept on lying na wala 'cos I made a promise na hindi ako magkakaroon ng boyfriend. I tried to reason out kaso mas nagalit siya, na-highblood, and we had to bring him to the hospital. Kaya matagal akong nandon, kaya hindi ako maka-reply sa inyong lahat."

Malalim na huminga si Kerynne ngunit nanatiling tahimik.

"It's my fault that I lied, that I didn't tell Major about it, 'tapos bigla ko na lang siyang iniwan sa ere dahil sa takot ko sa parents ko." Humikbi si Kendra at hinarap si Kerynne bago niya tiningnan si Major na salubong ang kilay habang nakikipag-usap kay Kio.

Hinawakan ni Kerynne ang kamay niya. "I understand, Kendra. Valid 'yung takot mo sa parents mo and I understand where you're coming from."

Kendra looked down.

"I don't wanna hurt you more, but it's all your fault kasi, Kenny. Una pa lang, alam mo nang hindi puwede, pero pumasok ka pa rin sa relationship with Major. You already knew the risk and now Major's suffering because of the decision you made. Alam ko naman na pinag-isipan mo 'yung pagsagot kay Major, but I really hoped you became honest with him. Maiintindihan naman niya, eh," ani Kerynne at umiling. "But it's too late now. Siguro maganda rin na ma-explain mo 'yung side mo sa kaniya . . . personally this time."

Tahimik na nakayuko si Kendra habang nakatingin sa soup na nasa harapan niya. Wala siyang masabi dahil totoo naman.

"Don't get mad at me, ha? But really, ikaw ang may kasalanan, Kenny."

"I know," Kendra murmured. "I'm not mad, don't worry."

Kerynne breathed. "You could've been honest with Major. I know you love him, I know you really want to be with him, pero sana sinabi mo sa kaniya 'yung sa parents mo. G na g pa naman 'yon na i-flex ka, not knowing the risk."

Ibinalik ni Kendra ang tingin kay Major. Nakangiti na itong nakikipag-usap kay Kio at masaya siya para doon.

"I suggest you talk to him personally about this. Linawin mo 'yung situation para hindi rin siya nag-iisip. Pareho ko kayong kaibigan at ayoko kayong maghiwalay. I don't want you guys to break up kaya! But if that's for the best, at least break up formally, hindi over sa text."

Nanatili ang tingin ni Kendra kay Major nang tumingin ito sa kaniya at sandali silang nagkatitigan ngunit kaagad itong umiwas at hinarap si Zero. Awtomatiko niyang hinaplos ang kwintas na ginawa niyang bracelet.

"I'll . . . try," she murmured.


T H E X W H Y S

Flexed (Fireplay #1)Where stories live. Discover now