100

5K 178 24
                                    

Si Zero ang nagmaneho ng sasakyan ni Major dahil alam niya sa sarili niyang hindi niya iyon magagawa. Kinakabahan siya at namamawis ang palad niya at lumilipad ang isip niya sa posibleng mangyari.

Hindi niya iyon sinabi kay Kendra at hindi ipinahalata.

Nilingon niya ang backseat at nakitang mahimbing na natutulog si Kendra at Harley. Sumilip na ang araw at malapit na sila base sa GPS na nasa LCD ng dashboard ng sasakyan. Tiningnan niya si Zero at mahina itong natawa.

"Chill ka lang," sabi ni Zero. "Medyo malapit na tayo, kaya mo pa ba?"

Tumango si Major. "Ako pa ba. Sa harapan nga ng 15,000 hindi ako kinakabahan. D-Dalawang tao lang naman kikitain ko," nauutal niyang sabi na ikinatawa ni Zero. "Gago ka, kinakabahan na nga ako."

"Ginusto mo 'yan, eh," pagbibiro ni Zero. "Pero angas mo sa parteng 'to, ha? Hindi ko in-expect."

Mahinang natawa si Major at nilingon ang daang puro bukid. Lumiliwanag na rin at habang papalapit, mas naramdaman niya ang kaba ngunit alam din niya sa sarili niyang hindi siya aatras. Mahal niya si Kendra.

Ibinalik niya ang tingin kay Zero. "Kamusta kayo ni Harley?"

Tumaas ang dalawang balikat ni Zero. "Okay lang."

Hindi na muling nagtanong si Major dahil sa lahat ng kaibigan niya, si Zero ang pinakamalihim. Wala silang alam sa kung ano ba ang nangyayari sa buhay nito dahil nagsasalita lang kapag gusto at ni minsan, hindi nila ito napilit na magsabi kaya nirespeto na lang nila.

Napansin nilang lahat ang malaking pagkakaiba nina Zero at Harley dahil kung ano ang ikinatahimik ng bestfriend nila, iyon naman ang ingay at kadaldalan ni Harley. Wala silang idea kung paano nagkakilala ang dalawa, pero mukhang masaya naman ang dalawa dahil nakakatagal sa isa't isa.





Samantalang nagising si Kendra nang maramdamang nakahinto ang sasakyan. Maliwanag na at nakita niya si Major na nasa labas ng kotse. Nakasandal ito kausap si Zero habang sumisimsim ng kape galing sa isang sikat na fast-food chain.

Tulog na tulog naman si Harley sa tabi niya. Tumingin siya sa orasan, almost seven na rin at malapit na malapit na sila sa bahay ng parents niya.

Lumabas si Kendra at nag-hi kina Major at Zero. Humikab siya na ikinangiti ni Major bago nito inabot ang coffee cup sa kaniya. Nagpaalam naman si Zero na papasok muna sa loob ng kotse para gising na rin si Harley.

"We're close. Fifteen minutes away na lang 'yong bahay from here." Sumandal si Kendra sa tabi ni Major. "Kinakabahan ako."

"Ako rin," mahinang natawa si Major. "But it's nice to see where you grew up. Excited rin akong makilala ang parents mo kahit kinakabahan ako."

Mahinang natawa si Kendra. "To be honest, mababait sila. Nag-iisang anak ko, you know that, right? Wala kasi silang time, eh. They're both dedicated to their profession. They met during med school and had me, kaya I understand them, too."

Patagilid siyang nilingon ni Major ngunit hindi ito nagsalita.

"Buntis si mama noong graduation, one reason kaya naging mahigpit sila sa 'kin. They wanted me to finish college first. They're not really controlling, I guess they had their fears. Growing up, hindi sila present . . . I grew up with helpers," dagdag ni Kendra. "Palagi silang on-call, madalas na wala sila. So when I asked if I can study sa Metro, matagal ang desisyon making."

"Buti pinayagan ka nila," sagot ni Major.

Ngumiti si Kendra. "Believe when I say na it's the first time I asked for something. Palagi lang kasi akong naghihintay sa ibibigay nila noon. I had everything I needed, I wanted . . . until college. Gusto kong makawala, so I used guilt-tripping."

Flexed (Fireplay #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon